[1] Cold Dark Corner

8 0 0
                                    



They were at the morgue staring at the dead body of Vincencio. Thinking what should do they next to it. Even the god of the underworld is still clueless about what should he do to the dead body of the kid.

"Alas dose. Alas dose ako papasok sa katawan na 'yan," Sitan breaks the silence of the room. His servants immediately looked at him with shocked eyes. 

"Eh boss--" Mangkukulam tried to intervene. He immediately shut his mouth when Sitan looked at him badly. "Sabi ko nga."

Agad namang nagtawanan ang ibang mga alagad nito. Tinignan rin ni Sitan ito ng masama at muli silang natahimik. Ilang minuto silang nakatayo sa patay at malamig na katawan ni Vincencio. Hanggang sa lumalim na ang gabi at nag-alas dose.

"Alas dose na" wika nito sa kanila. 

Dali-dali naman nagsitayuan ang mga alalay nito ng marinig niya ang tawag ng kanilang Diyos. Isa-isa silang nagkatinginan, nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba ang kanilang gagawin.

"Ano pang hinihintay niyo?" iritang tanong nito sa mga alalay nito. Napalunok naman silang lahat at agad na itinapat ang kanilang kamay sa patay na katawan ng bata. 

"Sa ngalan ng Diyos ng kasamaan na si Sitan, ang katawan ng batang ito ay magiging bukas sa Diyos ng Kasanaan. Sa ngalan ng Diyos ng kasamaan na si Sitan, ang katawan ng batang ito ay magiging bukas sa Diyos ng Kasanaan" ulit nila.

Sa huling pagbigkas ng kanilang ritual ay dahang-dahan nag-iba ang anyo ni Sitan. Dahang-dahan itong naging isang itim na usok at pumapasok sa bibig ng batang namatay. 

Ilang sandaling katahimikan ang nangibabaw sa morgue ng mga oras na iyon. Agad silang nagkatinginan. Iniisip kung naggawa ba ang tama ang ritwal. Laking gulat ng apat na tauhan ng biglang magising ang batang namatay. 

Napalayo naman agad si Hukluban at Mangagauay nang maramdaman at makita ang buhay na katawan ng bata. 

"I-Ikaw ba 'yan Panginoon?" tanong ni Mansisilat sa bata na kakabangon lang.

Napangiti naman ang bata ng tanungin nila ito. Agad itong napatingin sa kanyang posisyon at tumayo ito ng walang sapnot. 

"Siya nga!" Agad namang nagtatalon ang apat ng masaksihan ang pagkabuhay ng kanilang panginoon sa ibang katauhan. 

"Magsitahimik kayo" utos nito sa kaniyang alagad. Dali-dali namang nagsitahimikan ang kanyang apat na alagad. Pumikit naman si Sitan sa katawan ni Vincencio at nilasap ang kanyang kasiyahan. Humakbang agad ito papaalis sa kanyang kinahihigaan at tinignan ang sarili sa isang magkalapit na salamin.

Tinignan niyang maigi ang kanyang sarili sa salamin at kitang-kita mo sa mukha nito ang pagkamangha sa kanyang sarili. Maliban sa isa.

"Nakakadismaya na ang batang ito ay walang matikas na katawan" reklamo niya habang sinusuri pa rin ang katawan nito. "Ngunit nararamdaman ko naman ang galit nito na namumuo sa kanyang puso. Tila ba nadadagdagan ang aking lakas" patuloy pa nito.

"Panginoon, kahit na't wala kayong matikas na katawan ay may angkin lakas--" hindi natapos ni Mansisilat ang kanyang sinasabi ng biglang tinignan ni Sitan ito ng masama.

"Sinasabi mo bang lampa ako sa katawan na ito?" tanong nito. Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Mansisilat ng tanungin siya ng kaniyang Panginoon. Agad itong nagtago sa likod ni Hukluban ng mga sandaling iyon. "Hukluban?" 

"P-po"

Napataas ang isang kilay nito ng tinawag niya si Hukluban sa kanyang tabi. "Gusto kung gawin mong matikas ang katawan na ito" utos pa nito. Dali-dali namang kinumpas ni Hukluban ang kanyang kamay ng mga sandaling iyon at maya-maya pa ay biglang tumikas ang katawan nito. Napangiti naman si Sitan sa kinalabasan na iyon. "Salamat" wika pa nito.

In the Midst of DarknessWhere stories live. Discover now