[2] The Comfort of Pain

10 0 0
                                    



Tahimik ang apat na alagad ni Sitan habang iniisip kung anong rapat nilang gawin upang manumbalik ang kapangyarihan nito. Uhaw na uhaw pa rin ang kanilang Diyos ng isang malakas na kapangyarihan matapos nitong mabuhay muli. Ilang libong taon na rin ang nakalipas matapos ang matinding pag-aaway ng mga Diyos noong unang panahon. Kaya't nanabik ito sa kapangyarihan na kanyang inaasam-asam.

"Kayong apat ay isang inutil!" sigaw niya sa mga ito. Sapagkat wala silang maisagot sa kanilang Diyos sa katanungan na. "Paano manunumbalik ang kaniyang kapangyarihan?"

Ang hangarin nang apat na alagad ni Sitan ay buhayin ito muli sa pagkakapatay. Ngunit sa huling minutong pagbuhay nila sa kanilang Diyos ay nagkaroon sila ng isang maling pagbigkas sa isang sinauna at ipinagbabawal na ritwal. Kaya't imbes na manumbalik ang katawan at ang kapangyarihan nito ay tanging spirito lang nito ang nakabalik sa mundo ng mga tao.

"Hahanap ho kami ng solusyon, Panginoon." Naglakas na sabihin iyon ni Mansisilat kahit na't bakas pa rin ang takot sa mukha nito. Isang nakakatakot na tingin naman ang iginawad ni Sitan rito kaya't agad itong napayuko at napaatras ng ilang beses. Nanggagalaiti na sa galit ang kanilang Panginoon dahil sa kapalpakan ng kaniyang tauhan. Imbes na maging masaya ito ay nagalit pa ito ng husto dahil sa hindi siya nakikita ng mga tao.

Ilang minuto pang katahimikan ang namayani sa kanilang kinatatayuan bago iyon basagin ni Mangkukulam. Agad namang tumunog ang kaniyang utak sa naisip nitong ideya na maaring magpakalma sa kaniyang Panginoon.

"M-may n-naisip ho ako" utal-utal na wika nito. Napatingin naman rito si Sitan ay binigyan ng dalawang tango hudyat na ibigay ang mga ideyang nasa isip nito. Dali-dali namang umayos si Mangkukulam sa kanyang kinatatayuan, napalunok pa ito bago ipahiwatig ang kanyang ideya. "Naisip ko ho na baka maari kayong sumanib sa katawan ng isang tao--"

Pinatigil niya ito sa pagsalita. Mas lalong nanlisik ang mga mata nito ng banggitin niya ang salitang 'tao.' Ito ang salitang pinangdidiriian ni Sitan sapagkat mga inutil ito at walang silbi sa lahat na ginawa ni Bathala sa mundong ito. "Anong sinabi mo?!" Halos umalingawngaw ang kanyang boses sa silid.

Biglang namutla ang mukha ni Mangkukulam sa tanong ng kaniyang Panginoon. Nakalimutan yata nito na ayaw niya sa mga tao. "Kung hindi niyo ho mamasamain ang aking plano. Sa ilang taon niyo pong nawala ay nagpalipat-lipat ho kami ng katawan ng iyong mga tauhan. Ngunit, Panginoon. Kami'y nangangako na panandalian lamang ang iyong pagsanib at makakalabas agad pag naging pula na ang buwan" saad pa nito.

Totoo ang sinasabi ni Mangkukulam. Sa ilang taon niyang pamamalagi sa mundo ay nagpapalipat-lipat sila ng katawan upang pagplanuhan ang muling pagkabuhay ni Sitan. Inunawa nila ang pamumuhay ng mga tao sa kanilang paligid at natuto naman silang makisama ngunit hindi pa rin taliwas ito sa kanilang plano sapagkat pinagbubuti nila ang kanilang mahika rito sa mundo.

"Ngunit" umurong ang dila ni Mangkukulam sa kanyang sasabihin ng bigla siyang sakalin ni Sitan. Kahit na't espiritu ito ay nararamdaman niya pa rin ang namumuong galit rito. Para bang isang galit na gusto pumatay ng isang nilalang na kanyang nanaisin. "Ngunit ano?" mariing tanong ni Sitan. Agad niya namang binitawan iyon. Walang nagtangkang tumulong rito dahil na rin sa takot. 

Ilang ulit pang huminga ng malalim si Mangkukulam bago muling nakapagsalita. "Kailangan niyong kumuha ng mga kaluluwa upang kayo'y mas lalo pang lumakas."





****



In the Midst of Darknessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن