[9] Intimacy of Dark

3 0 0
                                    



Nakatayo at mariing pinagmamasdan ni Mara ang buong kabuuan ng walang katao-taong eskwelahan. Dahil na rin sa nangyari kanina ay mas piniling pauwiin ng faculty ang mga estudyante. Ayaw nila nang dagdag pang alalahanin sa kanila.

Agad na lumipat ang atensyon nito sa pintuang bumukas sa kaniyang likuran at lumabas roon ang mga alipores nito na si Christine, at Olivia kasama ang tropa ng nobyo nito na si Gimo na sila Russo at Azrael.

Inilapag nila ang isang supot ng mga pagkain sa railings ng rooftop. "Hey babe," bati ni Gimo rito at agad na ninakawan nang isang halik. Humalik rin si Olivia pabalik sa kaniyang nobyo na nagbigay ng kaunting kasiyahan sa puso nito.

"Here na 'yung pinabili mong food sa Starbucks. Anyways sagot ko na," singit pa ni Olivia.

Sila ang mga kaibigan ni Mara. Sa anim na taong pagsasamahan nila ay lahat ng mga estudyanteng lumalapit sa kanila ay kinakatakutan sila. Isa sa rason kung bakit ay dahil sa mga pamilya nilang kaniya-kaniyang pangalawang namumuno sa buong siyudad. 

Ang parents nila Mara at Olivia ay parehas na abugado habang kay Christine ay mga Senator. Kay Gimo naman ay bussiness man at doktora. At panghuli ay kina Russo at Azrael na mga proffesor sa sikat na eskwelahan ng UP.

Kilala ang buong squad nila Mara sa pagiging basagulero at mga bully. Halos sa dami nang mga nabully at nainsulto nila ay hindi na nila ito mabilang, ang iba ay nagtransfer habang ang iba ay kinitil ang kanilang buhay. Ilang kaso na rin ang sinampa ng mga magulang na nabully nila ngunit wala pa ring katarungan ang nabibigay sa mga estudyanteng iyon dahil sa impluwensiya ng kanilang mga magulang.

"So why are we still here, Mara? Kanina pa tayong umaga pinapauwi ah?" tanong ni Christine rito. Nag-iba agad ang ekspresyon ni Mara sa tinanong ni Christine. Kumalas agad ito sa bisig ng kaniyang nobyo at inayos ang kaniyang pagtayo.

"You know, you're so apurado. But anyway, I'm here to talk to us about what should we do about Vince. He's getting in my nerves you know." nakataas na kilay na sabi ni Mara. "Ikaw?" turo nito kay Russo, "What should we do about Vincencio Caundur Leigh?" 

"Uhm, simple. We let him taste his own medicine. You know... same as before," wika pa nito.

"Or..." singit ni Olivia. "What if we murder him na lang?" wika pa nito.

Agad na naglandas ang dalawang kilay ni Mara sa sinabing katangahan ni Olivia. Sa kanilang anim ay malalaman mo na talaga kung sino ang tanga. Iyon ay si Olivia, ang minsang kinaiinisan ni Mara. "Olivia you're so stupid. WE CAN'T KILL HIM BECAUSE HE MIGHT BE ALIVE AGAIN! Alam mo naman siya diba, he already died! STUPID!" galit na sigaw nito kay Olivia.

"I'm so sorry..." naiiyak na sabi nito.

"Don't be dumb next time, ok?!" wika pa nito.

"Okay, Russo. Can you more emphasize what you mean?" saad pa ni Christine.

"I mean simple, we spy at him tapos maghanap tayo ng mga baho niya just like before. Remember when we find out that he was just a bastard son of the mayor. Pero mas malaking baho." saad ni Russo.

"You mean some sort of blackmailing? 'Cause kung ganun, I'm in! That's too easy to me," saad ni Azrael rito. 

"Yeah, you finally got my point! But the question is... How should we do it?" Agad namang natahimik ang lahat sa tanong na pinakawala ni Russo, dahang-dahan na napatingin ang lima kay Christine at sumilay sa mukha nila ang isang pilyong ngiti.

"Christine?"

"What?! Why are you guys looking at me like that?!" iritang tanong nito. 

"You know what we mean? May isa ka later, basta..." pangungumbinse ni Mara. 

In the Midst of DarknessWhere stories live. Discover now