[4] Demons of Darkness

3 0 0
                                    


Pinagpapawisan at hindi makagalaw ang buong katawan ni Vince dahil sa sakit na nadarama nito. Kada suntok na natatamo nito ay lalong nadadagdagan ang pagpapahirap sa kaniya. Sa ngayon ay mas nanaiisin niya na lang mamatay upang makawala na siya sa mga ito.

"Masakit ba Vince?" tanong sa kanya ng isang tinig ng babae. Hindi niya makilala kung sino iyon dahil sa malabo ito sa paningin niya. "Sumagot ka!" iritado na itong sumigaw sa kanya.

"A-ano bang ginawa ko sa inyo?" tanging sambit nito. Nakakapagtaka. Alam ni Vince na boses niya iyon. Ngayon alam niya na nasa isang panaginip lamang siya. Isang bangungot na nakalimutan at ayaw niya nang balikan.

"Wala ka namang ginagawa sa amin, Vince. Nakakairita ka lang," saad naman ng isang tinig ng lalaki. Sinubukan nitong manlaban ngunit wala siyang laban. Marami sila at para sa kanya demonyo sila ng kadiliman.

"Sige na boys! Alam niyo na ang gagawin," mando nito sa dalawang lalaki na nasa harapan niya. Agad naman siyang binuhat sa magkabilang braso nito. Sinubukan niyang magsalita ngunit hindi niya na magawa. Ipinikit niya na lang ang kanyang mga mata at hinayaan ang sakit na dumapo sa kanya.

***


Tahimik at tanging mga kubyertos lang ang kumakalampag sa lamesa ni Alma habang kumakain silang tatlo. Nagkatinginan naman silang dalawa ng kaniyang anak habang pinagmamasdan si Vince na kumakain habang nagbabasa ng isang libro.

"100 ways to kill your enemy," basa ni Jamie sa titulo ng libro na nagbigay ng kilabot sa kanya. Nag-angat naman si Vince ng masamang tingin rito matapos siyang disturbuhin nito. "I'm sorry."

"Oo nga Vince. Bakit 'yan ang mga binabasa mo? How about your books, textbooks? Ganun. Matatakot talaga ang mga tao kung makikita ka nilang nagbabasa ng ganyan," singit ni Alma. Napataas naman ang kaliwang kilay nito nang sabihin niya iyon.

"It may not a textbook but at least may natutunan akong magagamit ko sa hinaharap" sagot nito. Natahimik naman bigla si Alma sa sinabi niya. Anong gagamitin sa hinaharap? May papatayin ba ang anak nito?

"I'm done with this. Kailangan ko nang pumunta sa eskwelahan" wika nito at agad na tumayo. Pinuntahan niya agad ang bag nito sa sofa at sinabit iyon sa kaniyang likod.

Sa ilang araw niya nang nasa katawan ni Vince ay marami na siyang natutunan. Lalo na ang hayaan na ang isip sa mga ginagawa nito. Para bang wala na sa kanya ang lahat dahil unting-unti na rin siyang nasasanay. Ngayon ay pangalawang araw niya na sa Leigh High School at gustong-gusto niya gawin ang kaniyang plano. Naghananap lang siya ng magandang tiyempo.

Nasa labas na siya ng gate ng bigla siyang tawagin ni Alma. Agad naman siyang napahinto sa paglalakad at tinignan ito. "Bakit?"

"Baon mo atsaka huwag mong kalimutan cellphone mo" sabi pa nito at inabot ang isang Tupperware na may lamang kanin at ulam, isang one hundred peso bill, at isang kagamitan na hindi bago sa paningin ni Vince.

"Ano 'to?" saad niya. Nakita niya na kung ano iyon dati pero hindi niya pa rin alam kung ano iyon. "Ano... cellphone mo. Tawagan kita mamaya kung tapos na ang klase mo" wika pa ni Alma.

"O sige?" nagtatakang sabi ni Vince bago lumabas. Nadinig niya pang nag-paalam si Alma sa di-kalayuan ngunit hindi niya na iyon pinansin. Ilang metro pa lang ang layo niya sa bahay nila ay agad na may humarang sa kanyang isang itim na sasakyan.

Bumukas agad iyon at naaninag niya si John at Michelle na nasa loob. "Hoy sakay na Vince" si Mich. Hindi na agad nagdalawang isip na sumakay roon si Vince. Magara kasi ang sasakyan na iyon at ka kulay pa iyon ng paborito niyang kulay... ang itim. Isa pa nais niya ring kausapin ang dalawa para turuan siyang gamitin ng cellphone na hawak-hawak nito.

In the Midst of DarknessWhere stories live. Discover now