[Case-1] True Beauty 2

2 0 0
                                    



Tahimik at walang imik lang akong nakatingin kay Amanda at Mira habang pinagtutulngan si Luz na ngayon ay nakaupo sa maduming sahig ng banyo at umiiyak. Gusto ko siyang tulungan pero bakit ako pinipigilan ng katawan ko. Gusto kung maawa, pero mas lalo akong natutuwa.

A-anong nangyayari sa akin?

"Shet what is this?" Maarteng tanong ni Mira habang maarteng kinukuha ang isang tubig na kulay yellow sa isang plastic bottle sa tabi. Dahang-dahan niya itong naamoy at nagbago naman ang itsura nito. "Ugh! It's a pee, where should I put this?" Tanong niya uli na may halong pang-iinis.

"What about here?" si Amanda at kinuha ang plastic bottle kay Mira.

"Amanda huwa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tinapon niya na ang ihi sa ulo ni Luz. Sinubukan ni Luz manlaban ngunit sinipa lang siya ni Mira kaya't nawalan agad siya ng lakas.

"Egh! Sinubukan pang manlaban ni Ihi Girl," saad pa ni Amanda, tinapon niya naman agad ang plastic bottle sa bakanteng cubicle at agad na naglabas ng alcohol. "Yes go girl. Go Ihi girl," si Mira at sinabayan ng isang tawa.

"Sige na. Mauna na kami. Babush!" wika pa ni Amanda at lumabas na sa banyo. Maya-maya naman ay lumabas rin si Mira.

Nang makalabas na ang dalawa ay tanging nakakabinging katahimikan lang ang namutawi sa amin. I couldn't spit my word in front of her. I know she wants help but I'm here looking at her, miserably.

I tried to gain my confidence before I talk to her. Nang makalaon ay lumapit na ako sa kaniya, ngunit bigla niya akong kinorner at sinakal sa leeg. I can't utter my words, she so strong that my strength immediately drained.

"Kasalanan mo'to! Kasalanan mo ang lahat ng 'to. Tapos ngayon lalapit ka sa akin para kaawaan ako. How dare you Andrea! How dare you! Itinuring kitang kaibigan but what did you do. You betray me! You fvcking betray me!" she shouted.

I didn't understand what she said at first but... The memories are coming back.


***


It was a fine Saturday at the gym of Leigh High School. We were both talking about the story we make. But suddenly my eyes captured him. Napatulala akong pagmasdan siya. He was wearing a blue jersey and playing basketball. He is so tall that it gives me chills. He's my crush. Lloyd Alexander Alonzo. The captain and varsity player of Leigh High School Junior division.

"Hoy," tawag sa akin ni Luz. Biglang bumalik ako sa sarili at kinausap siya muli. Sinundan pa niya ang tingin ko kanina at ngumiti sa akin. "Crush mo si Lloyd no?" tanong niya sa akin. Sinisiko niya pa ako bago ko sabihin sa kaniya na may gusto ako kay Lloyd.

"Eh, magugustuhan ka rin niyan. Ang ganda mo kaya," she utter. I am really hoping that Lloyd Alonzo will like me. Even though I am nobody to him. "Shet tumingin siya sa atin," saad pa ni Luz.

She's right! Lloyd caught us, he instantly give us some wink that any girl can't take. He is so handsome! Charming! And my definition of perfect!

He started to walk to our direction, napalunok na lang ako ng ilang beses dahil sa kaba. Each step he makes is perfect. I'm simping on this man. Nang makalapit na siya sa amin ay agad akong nag-angat ng ngiti.

"Hey ladies, what are you doing?" he asked and give me that wink. I was trying not to shout but my heart keep pumping like hell.

"Uhmm, we were just talking about our plans, but I will give you two privacy so... Mauna na ako Andrea," saad pa nito. Akmang tatayo na sana si Luz sa tabi ko pero biglang hinawakan ni Lloyd ang kamay nito at pinaupo muli.

In the Midst of DarknessWhere stories live. Discover now