KABANATA 40

101 5 0
                                    

This is the last chapter. Thank you!

--

Kabanata 40

Love

--

"Oo naman!" masaya kong pagpayag kay Coline.

Tumili siya. "Thank you, Sha sha! So ganito na nga! Aarkilahin ko 'tong buong shop mo--"

"Hindi mo na kailangang magbayad."

"Shh!" putol niya sa iba ko pa sanang sasabihin at pinanlakihan ako ng mga mata. "Magbabayad kami, ano ka ba! Kahit para kay Lira 'to, magbabayad pa rin kami."

Balak niyang gumawa ng surprise birthday party para sa darating na kaarawan ni Lira sa isang araw. Oo, sa isang araw na agad! Ngayon niya lang sinabi sa akin dahil ngayon niya lang din daw naisipan na surpresahin nga siya. At syempre, pumayag naman ako agad. Naalala kong malapit na nga pala ang birthday ng isa sa mga pinaka malapit kong kaibigan na si Lira!

Nandito ngayon si Coline sa opisina ko at nag uusap kaming dalawa. Nakasuot siya ng simpleng white croptop t-shirt, jeans at sneakers. Ang mahaba niyang buhok ay hanggang baywang niya na, malapit na sa pwet niya. Matangkad din 'tong kaibigan ko, mas matangkad pa sa akin. At napaka ganda!

"Kami kami nina Andrew nag isip nito. 'Yong banda at 'yong mga dancers! Imbitahan mo lahat ng kakilala mo, ah! Para marami tayo."

Tumango ako at nakinig pa sa mga sasabihin niya.

"So, kunwari magbo-bonding lang tayong tatlo rito sa shop mo sa araw ng birthday niya. Syempre, babatiin natin siya at hindi tayo magkukunwaring nakalimutan natin ang birthday niya, ah! Mahahalata niya 'yon agad, kilala mo naman 'yon!"

Nagtawanan kami.

"So, babatiin natin siya at yayayain sa shop mo, since magd-day off  siya no'n sa trabaho niya. And then, naka ayos na dapat lahat lahat dito sa shop mo. Tutulong lahat sa pag aayos ng mga decoration, huwag kang mag alala! Bale parang magiging bar 'tong shop mo."

"Ano?" nagulat ako.

Natawa siya sa reaksyon ko. "Syempre, alam mo naman ang babaeng 'yon! Mahilig mag-party kaya dapat parang pang party ang maging itsura nitong shop mo. Sige na, please? Ngayon lang naman."

Natawa ako at tumango na lamang.

"Nakausap ko na silang lahat. Pati 'yong mga iimbitahan. Ikaw, mag imbita ka ng kahit sinong gusto mo. Si Tita Felicia, si Benjamin, huwag lang si Celine at 'yong Mama niya, ah!"

Ngumuso ako at tumango ulit.

"So, ano? Okay ba?" nagtaas siya ng kilay.

"Mmm! Ako nang bahala sa cake."

"Oo nga pala! Para may kanya kanya naman tayong ambag," ngumisi siya.

"Sha sha?" kumatok si Benj sa pintuan.

"Oh..." ngumisi si Coline. "The love of your life is here now..."

Napailing ako sa sinabi ng kaibigan habang nangingiti. Tumayo kami pareho para pagbuksan si Benj.

"Hi!" kaway ni Coline sa kanya.

"Oh. I'm sorry. Am I interrupting something?" ani Benj at tumingin sa akin.

"No! Wala naman! Bumisita lang ako kay Sha sha, aalis na rin ako," mabilis na sinabi ni Coline at nanunuksong sumulyap sa akin.

Napailing nalang ulit ako. Umalis si Coline dahil may trabaho pa habang si Benj ay dala dala pa ang coat niya, galing sa trabaho. Pumasok siya sa aking opisina at pinaupo ko siya sa sofa para makapag pahinga.

The Love (The Trilogy #1)Där berättelser lever. Upptäck nu