KABANATA 14

78 7 0
                                    

Kabanata 14

Sabay

--

"Sino iyong naghatid sayo?" bungad sa akin ni Celine pagkapasok ko palang sa bahay.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Mukhang kagagaling niya lang sa paggala dahil sa suot niya. Nakasuot siya ng sexy na damit at sobrang ikli ng shorts. Nanliit ang kanyang mga mata at isang beses pang sumulyap sa labas bago bumaling muli sa akin.

"Nakita kong bumaba ka sa maganda at malaking sasakyan doon sa labas. Sino iyon?" ulit niya.

Nakita niya akong bumaba sa sasakyan ni Benjamin sa labas? Kadarating niya lang ba?

Hindi ko alam kung bakit parang ayokong sabihin sa kanya. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod siya sa akin.

"Uh, si Andrew," wala sa sarili kong sinabi.

"Si Andrew?" mas lalong nanliit ang mga mata niya. "Nagbago ang sasakyan niya?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at uminom muna sa tubig bago siya hinarap at sinagot. Madalas niyang makita na hinahatid ako ni Andrew kaya alam na niya ang sasakyan nito. Kaya...

"Ah, oo. Bago ngayon ang sasakyan niya..." hindi ko alam kung bakit kailangan kong magsinungaling!

Siguro ayoko lang na mag isip sila ng iba. Mayaman si Benjamin at baka pa kilala nila kaya naman ayokong ipag sabi na si Benjamin iyon. Baka kumalat at madawit pa ang pangalan niya sa pangalan ko. Sabihin sumasama siya sa mga kagaya kong... mahirap lang.

Kumirot ang puso ko sa naisip. Ngunit mabilis akong nakabawi at inalis na lamang iyon sa isip.

Nanliit pa lalo ang mga mata ni Celine pero unti unti rin namang tumango kalaunan habang nakatitig sa akin. Tumalikod ako sa kanya para mahugasan na ang basong pinag gamitan at nilagay iyon sa tamang lalagayanan.

"Siya nga pala, pahingi naman ulit ng pera. Panggagala ko lang bukas, libre ko mga kaibigan ko," anya nang patapos na ako.

"Uh, sige. Magkano ba?"

"Okay na siguro ang 500," matamis siyang ngumiti.

500? Kinagat ko ang labi ko at sandaling nagdalawang isip. Malaki laki na iyon para sa akin at ngayong alam ko na ipanggagala niya lang iyon ay parang ayoko muna siyang bigyan. Ang laki kasi noon tapos ipanggagala niya lang... Wala naman ako masyadong pera at... nag iipon rin ako.

"Ano? Hindi mo na naman ako bibigyan?" nagtaas ng isang kilay si Celine, nawala na ang ngiti nang nakita ang pagdadalawang isip ko.

Tinitigan ko siya. Kailan ko ba siya hindi binigyan? Sa tuwing nanghihingi siya, binibigyan ko siya para wala nang mangyaring away. Ayoko siyang nagagalit sa akin kaya palagi kong binibigay ang gusto niya. Pero ngayon... sobra naman yata.

500? At ipanggagala niya lang?

"Siguradong marami kang pera dyan at diba may iniipon ka pa? Kaya bigyan mo na ako! Ang dami dami mong pera pero ang damot damot mo."

"Hindi ganon karami ang pera ko, Celine. Tsaka malaking halaga na ang 500 tapos ipanggagala mo lang? Pinaghirapan ko iyon kaya hindi ako papayag na ipanggagala mo lang."

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin dahil sa sinabi ko.

"At tumatanggi ka na ngayon? Bakit? Porket may mayaman nang naghahatid sayo? Si Andrew? Huh?"

"Celine hindi ganon--"

"Ang damot damot mo! Pinatira ka na nga namin rito nagdadamot ka pa! Kung hindi dahil sa amin, dapat sa kalsada ka nalang natutulog ngayon!"

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now