KABANATA 16

79 7 0
                                    

Kabanata 16

Bagay

--

Sa naka awang na bibig, hindi ako makapaniwalang tumitig kay Benjamin. Talaga bang sinabi niya 'yon? Tama ba ang narinig ko? Gusto... niya ako?!

Napakurap kurap ako at ngayon hindi na makatingin sa galit at seryoso niyang mga mata.

"B-Bakit ka naman magseselos sa kanya? K-Kaibigan ko lang naman siya..." talaga bang sinabi ko 'yon?!

"How can't I? You two are very close and you've known each other for a long time. I don't know what happened to you before and I'm very insecure because I know he knows you better than I do..."

Napalunok ako.

"Sorry kung hindi ko mapigilang magalit. Yes, you heard it, I'm jealous! Very jealous! Hindi ko mapigilan kaya pasensya na. Kaya pasensya na rin kung hinding hindi ako makikipag ayos sa kanya."

Hindi pa rin ako nakapag salita. Bukod sa gulat, parang may kung ano rin sa tyan ko na lumilipad.

Humakbang palapit sa akin si Benjamin habang nakatitig sa akin. Napa atras agad ako, nakatingin lamang sa leeg niya dahil hindi kayang tagalan ang kanyang titig.

"Now do you understand? Will you still force me to negotiate with that friend of yours if you know this is how I feel?"

Naramdaman ko na ang sink sa aking likuran kaya wala na akong naatrasan! Nilagay agad ni Benjamin ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko para makulong ako at hindi na makawala! Kumalabog ang puso ko.

"Look at me," utos niya.

Hindi pa rin ako makatingin.

"Sha sha, look at me," mas seryoso niyang utos.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya. Seryoso siya.

"I'm sorry..." anya.

Hindi ako nagsalita.

"I'm sorry for shouting. I'm sorry for getting mad. I just can't help it. Pero sana hayaan mo pa rin akong ihatid ka..."

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga.

"Kahit ngayon na ang huli... kung gusto mo."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Inalis niya ang dalawang kamay sa sink at umatras sa akin. Napatingin ulit ako sa kanyang leeg, hindi pa rin makapag salita. Ano bang sasabihin ko? Gulat na gulat pa rin ako!

Hinatid niya nga ako. Tahimik lang kami sa sasakyan. Halos mabingi na ako sa katahimikan. Hindi ko pa rin kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Wala akong mahanap na mga salita.

Hanggang sa nakarating kami sa barangay namin. Bumaba ako sa sasakyan at ganoon rin siya. Gabi na. Wala na halos tao sa daan.

Humarap ako kay Benjamin dala dala ang mga cupcakes ko. Lumapit siya sa akin, nasa bulsa ang mga kamay. Iyon na naman ang puso kong nagwawala.

"S-Salamat sa paghatid," tumikhim ako.

Tumango siya, seryoso akong pinapanood. "Umuwi ka na sainyo. Gabi na at malamig na."

Tumango ako. "Mauna na ako, kung ganoon..."

Tumango ulit siya. Dahan dahan naman akong tumalikod para umuwi na. Nagdadalawang isip pa ako dahil hindi ko talaga makalimutan ang mga sinabi niya kanina. Masyado akong nagulat at... hindi ako makapaniwala.

"Sha sha," tawag niya ilang hakbang palang ang nagagawa ko.

Napalingon ulit ako sa kanya. Nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya kanina. Humarap ako para sa kanyang sasabihin.

The Love (The Trilogy #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum