KABANATA 17

62 6 0
                                    

Kabanata 17

Architect

--

Sino ang babaeng 'yon? Girlfriend niya ba? Siguro. Halatang close sila at nakangiti pa yung babae kaya malamang girlfriend niya 'yon.

Bakit nga ba ako naniwalang gusto niya ako? Ang isang tulad niya na mayaman at kilalang tao ay magkakagusto sa akin? Parang nakakatawa lang pakinggan 'yon.

Parang may punyal na tumusok sa puso ko habang iniisip 'yon.

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy nalang sa ginagawa. Mas mabuti pang wag ko nalang isipin 'yon. Kailangan ko munang magfocus sa trabaho ko at sa buhay ko.

"Sha sha," kaya lang narinig ko siya sa likod ko!

Mabilis akong napaharap sa kanya. Medyo nagulat ako pero pilit na ngumiti.

"I-Ikaw pala! Uh... may kailangan ka ba? Tubig?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Ilang sandali lamang niya akong tinitigan, para bang may hinahanap sa mga mata ko. Nag iwas naman ako ng tingin.

"Kung gusto mo ng tubig... pwede kang kumuha rito pero kung gusto mo naman ng malamig, meron sa loob ng bahay ni Pastora..." bumalik ako sa ginagawa para maka iwas sa kanya.

"May problema ba?" tanong niya.

Natigilan ako sandali pero nagpatuloy rin agad sa ginagawa.

"Wala naman. Uh... kuha ka na ng tubig mo. Wala bang nilagay na tubig si Pastora sa lamesa?"

"Hindi ka sasabay sa amin kumain?" alam kong pinagmamasdan niya akong mabuti.

"Oo naman. Diba palagi kaming nagpapahuli ni Pastora kumain? Mauna na kayong kumain..." ngumiti ako sa kanya at pagkatapos agad ring binalik ang tingin sa cupcakes.

Ramdam kong may sasabihin pa siya pero natigil nang umalingawngaw ang isang boses ng babae.

"Benji?" boses iyon ng babaeng kasama niya kanina.

Napatingin ako sa kanya sandali at nakitang napatingin siya sa aming dalawa ni Benjamin. Nag iwas agad ako ng tingin at nagkunwaring busy sa cupcakes at walang pakialam sa kanilang dalawa.

"Yes, Architect Ferrer?" pabuntong hiningang sagot ni Benjamin.

Architect Ferrer? Architect? Architect din siya?

"Hindi ka pa ba kakain? Sabay sabay na tayo," mahinhin, malambot at malambing ang kanyang boses at pagkatapos ngumiti kay Benj.

Nanginig ang kamay ko habang naglalagay ng icing sa cupcakes.

"Susunod nalang ako," malamig na sagot ni Benjamin.

"Oh..." nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbaling sa akin ni Architect Ferrer. "Okay..."

At umalis na siya pagkatapos no'n. Nakatingin pa rin sa akin si Benjamin. Hindi kailanman nawala ang kanyang mga mata sa akin kahit pa noong pumasok iyong si Architect Ferrer at ngayong wala na, nasa akin pa rin ang atensyon niya.

"Marami kang ginawang cupcakes ngayon?" nahimigan ko ang pag iingat sa boses ni Benj.

"Ah, ganoon pa rin naman tulad kahapon," lumingon ako sa pintuan ng kusina kung saan lumabas si Architect Ferrer. "Hinahanap ka na niya. Sumabay ka na sa kanilang kumain..."

"Magiging busy ako sa loob pagkatapos ng lunch. Hindi ka ba makakasabay ngayong kumain sa amin?"

Hindi ako nag angat ng tingin sa kanya. Nanatili ang mga mata ko sa cupcakes.

"Hindi, e. Alam mo naman na kami ni Pastora ang palaging sabay. Wala siyang magiging kasabay kung... kakain na ako ngayon."

Tumango siya at dinilaan ang pang ibabang labi. Tumikhim ako at kahit nanginginig pa rin, nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now