KABANATA 32

100 6 0
                                    

Kabanata 32

Sa Lahat

--

"Ate Sha sha! Swimming na tayo!" anyaya ni Ayana.

Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko ang mga pagkain namin at sina Ate Rosie naman ay dinala ang table at payong para sa pahingahan namin ni Ayana. Pagkatapos no'n ay nagtungo na kami sa dagat.

Parang gusto ko ngang maligo. Sa nagdaang taon, halos araw araw na akong naliligo rito sa dagat. Natigil lang noong marami nang umoorder ng cupcakes namin ni Mama. Minsan nalang ako nakakapaligo. At ngayon gagawin ko na rin itong pagkakataon hindi lang para makaligo na ulit sa dagat pagkatapos ng ilang linggo, kundi para na rin makapag relax at makapag isip isip.

Tama. Ang dami nang nangyari. Ilang taon na ang nakalipas. Hindi na dapat ako nagugulat ngayong ibang iba na ang trato niya sa akin. Hindi na dapat ako naninibago. Dapat matagal ko na 'tong inasahan at tinanggap.

Sinaktan ko siya. Iniwan ko nang walang paalam. Hindi ako nagpakita ng ilang taon. Wala akong kinontak kahit isa sa kanila. Nagpalit ako ng number at ni-deactivate ko rin ang acc ko sa facebook. Pinutol ko ang lahat para makalayo. Iniwan ko siya nang ganoon ganoon lang.

Kaya ano pa bang inaasahan mo, Sha sha? Na gusto ka pa rin niya pagkatapos ng lahat? Na mamahalin ka pa rin niya pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Na magiging maayos pa rin kayong dalawa kapag nagkita na ulit kayo?

Hindi na mangyayari ang lahat ng 'yan. Umaasa ka nalang. Walang kasing sama ang ginawa mo. Sarili mo lang ang inisip mo nung mga panahon na 'yon. Wala kang naging pakialam sa nararamdaman ng mga taong iniwan mo nang walang paalam. Sarili mo lang ang inintindi mo no'n. Sarili mo lang.

Kaya ngayon ang dapat mo nalang gawin ay tanggapin ang mga kapalit ng ginawa mo. Tanggapin mo ang galit ni Benjamin. Tanggapin mo na hindi ka na niya mahal.

At yung mga kaibigan mo sa Manila, siguradong galit rin sila sayo. Kailangan mo lang rin 'yong tanggapin. Wala kang ibang pwedeng gawin kundi tanggapin ang lahat dahil ginusto mo naman 'yan. Kasalanan mo naman 'yan. Pinili mo 'yan. Kaya wag kang magreklamo. Tanggapin mo lang nang buong buo. Kahit masakit.

"Ate, marunong na akong lumangoy. Hindi na ako sa mababaw lang!" pagmamalaki ni Ayana.

Ngumiti ako. "Mabuti 'yan."

May swimming lesson siya tuwing linggo kaya hindi na ako nagulat.

Lumangoy nga sa malalim si Ayana habang kasama niya si Ate Rosie na medyo matangkad. Nanatili lang naman ako sa hindi gaanong malalim na tubig, iyong sakto lang sa akin, hanggang balikat.

Pinagmasdan ko si Ayana at Ate Rosie na nagtatawanan at may nakita daw silang maliliit na isda. Sa linaw ng tubig ay talagang makikita nila ang mga isda sa ilalim.

Mukhang masaya ngang lumangoy ngayon sa ilalim. Noon kapag lumalangoy ako, namamangha ako sa mga nakikita kong corals at mga isda sa ilalim. Ang gaganda nila. Sobra. Idagdag mo pa ang linaw ng dagat. Parang kumikinang na krystal kapag nasa ilalim ka na.

"Ayana, lalangoy lang ako saglit!" paalam ko kay Ayana na alam na agad ang ibig kong sabihin.

"Okay, Ate!"

Nginitian ko si Ate Rosie bilang pagpapaalam na siya na muna ang bahala kay Ayana. Tumango naman siya sa akin at hinayaan na nila akong magtungo sa ilalim.

Ngunit bago pa man ako makalangoy, nakita ko na ang malaking ngiti ni Ayana sa dalampasigan at kumaway pa siya sa taong naroon.

"Kuya Benji!" sigaw niya.

Namilog ang mga mata ko. Lumingon ako sa may table namin at nakitang naroon nga si Benjamin. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang nasa bulsa ng kanyang shorts ang mga kamay. Nakatingin siya sa akin at mabilis na kumalabog ang puso ko dahil doon.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now