KABANATA 31

100 6 0
                                    

Kabanata 31

Juice

--

"Ate Rosie, samahan mo muna si Ayana. Tulungan ko lang sina Mama sa site magbalik ng mga gamit," sabi ko.

Tumango si Ate Rosie at nagpaalam na ako kay Ayana. Tumango rin siya at ngumiti. Pagkatapos no'n ay umalis na ako.

Panay ang hinga ko nang malalim habang palabas ng mansyon. Nasa kabila lang ang site kaya naman malapit lang. Pagkalabas mo ay matatanaw ang napaka gandang dalampasigan, kaya rin dito nagpatayo ng resort si Mayor dahil bukod sa maganda ang tanawin, wala ring ibang resort na nakatayo malapit dito.

Naalala ko nung unang punta ko rito. Nanibago pa ako dahil laki ako sa Maynila. Hindi man mayaman pero walang dagat roon at walang ganitong klase ng tanawin. Puro sasakyan at magulong mundo ang Maynila. Kaya nang napunta ako rito, parang ayoko nang bumalik. Gusto ko nalang manatili rito, sa lugar kung saan tahimik at walang gulo.

Natigilan ako sa paglalakad nang nakita si Benjamin sa may gilid, nakasandal sa may gate at mukhang may hinihintay. Nagulat ako dahil akala ko nauna na siya sa site.

Umayos siya nang tayo nang nakita ako. Tumikhim siya, pilit kinunot ang noo.

"Sabay na tayong pumunta."

Napakurap kurap ako, hindi pa rin nakakabawi sa gulat. Sa huli tumango nang dahan dahan nang naisip na baka nagiging mabait lang siya.

"O-Okay..." sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.

Tahimik lang kami habang naglalakad. Tanaw namin ang site na nakatakip at sa loob no'n paniguradong ang mga trabahador na nagmemeryenda at sina Mama na naghihintay matapos silang kumain.

Bahagya kong sinulyapan si Benjamin at nakita ko siyang deretso lang ang tingin sa harapan. Nakakunot ang noo at bahagyang hinahangin ng malakas na hangin ang buhok niya sa may noo. Pinaghawak ko ang aking mga kamay habang sinasabayan ang mabagal niyang lakad.

"Kaibigan mo ba si Mayor?" hindi ko na napigilang magtanong pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

Kumunot ang noo ni Benjamin dahil sa hangin at sumagot habang hindi ako tinitingnan.

"Kaibigan ni Papa."

Oh! Tumango tango ako sa tipid niyang sagot. Kinagat ko ang aking labi at nag isip pa ng mapag uusapan para naman hindi kami tahimik na dalawa rito. Lalo na at mabagal ang lakad niya, para bang dinadama niya masyado ang simoy ng hangin at tinatanaw ang magandang view sa harapan.

"K-Kumusta ka na nga pala?" hindi ko alam kung tama bang tinanong ko siya nang ganoon.

"Fine..." tipid niya ulit sagot.

Lumunok ako. "Hanggang kailan ang project mo rito? Itong... resort?"

"It will take months."

Nagulat ako roon. Ang tagal pala. Ganito pala talaga kapag ganito ang trabaho mo.

Hindi pa rin ako nililingon ni Benjamin. Seryoso siya at mukhang wala talagang balak magsalita. Nanahimik nalang ako dahil mukhang hindi naman siya interesadong kausapin ako.

Hanggang sa nakarating kami sa construction site ay hindi na kami nag usap pa na dalawa. Napalingon sa amin sina Mayor nang dumating kami. Nakita ko rin ang pagbaling ni Architect Ferrer at napawi agad ang kanyang ngiti nang nakita akong kasama si Benjamin. Bahagya kong nakitaan ng gulat ang kanyang mga mata ngunit napalitan agad 'yon ng iritasyon.

Tumabi ako kay Mama. Mukhang patapos na ngang magmeryenda ang mga trabahador.

Nakita kong naging busy na sa pakikipag usap si Benjamin sa mga engineers na naroon at pati na rin kay Mayor. Kaya lang nakikita ko ang pagsulyap sulyap ng mga mata ni Architect Ferrer sa akin. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba gulat pa rin siya na makita ako rito o iritado lang talaga. O baka pareho.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now