KABANATA 36

98 7 1
                                    

Kabanata 36

Hug

--

Safe kaming nakarating sa Manila Airport. Hinatid kami ni Benj sa kakilala ni Mama roon kung saan siya tumira pansamantala noong hinahanap niya ako. Alam ko gusto ni Benj na magkaroon kami ng sariling bahay at kung pwede siya nalang ang bibili pero alam niyang hindi ako papayag.

"I'll call you," si Benj nang naihatid niya na kami sa bahay ng kaibigan ni Mama at kailangan niya nang umalis dahil may importante pa siyang kailangang gawin.

Tumango ako. "Ingat ka."

"Yes. Sandali lang ako. Aasikasuhin ko lang ang kaunting problema sa kumpanya at pagkatapos babalikan kita rito."

Tumango ulit ako at ngumiti. Hinaplos niya sandali ang pisngi ko. Mas lalo akong napangiti. Niyakap niya ako at pagkatapos no'n nagpaalam na siya kay Mama. Pinanood namin siyang umalis dala ang kanyang sasakyan.

Hindi pa mawala ang ngiti sa labi ko nang nawala na siya. Tinukso tuloy ako ni Mama, binunggo ako gamit ang pwet niya. Uminit ang pisngi ko pero kalaunan natawa nalang kami pareho. Pumasok kami sa loob.

Hindi naman gano'n kalakihan ang bahay ng kaibigan ni Mama. Sakto lang 'yon at maraming maiingay na kapitbahay pero ayos lang din. Sanay na ako rito dahil naranasan ko ring tumira sa kalye noon.

"Sha sha, eto si Tita Ludz mo. Anak ko," pakilala ni Mama ro'n sa kaibigan niya.

"Magandang hapon po," ngumiti ako kay Tita Ludz.

"Naku. Magandang hapon din sayo, hija. Siya ba 'yong hinahanap mo noon?" manghang tanong niya kay Mama.

"Oo. Matagal kong hindi nakasama. Mabuti nalang at nahanap ko naman agad. Pasensya na nga pala at hindi na ako nakapag paalam sayo no'n. Umalis na kasi kami agad papuntang Palawan."

"Naku! Ayos lang! Nandito pa naman 'yong iba mong gamit. Sha sha, nagugutom ka ba? May pagkain pa naman dyan. Baka gusto niyo munang magmeryenda," ngumiti siya sa akin.

Mabait si Tita Ludz. Wala siyang ibang kasama sa bahay kundi ang anak niyang lalaki dahil wala nang asawa. Halos kasing edad ko lang 'yon. Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga pantalon at damit.

"Mamaya pang gabi ang uwi ng anak ko. Halika, ipapakita ko sainyo ang kwarto. Maliit lang pero ayos lang naman siguro 'yon?" ani Tita Ludz habang ginigiya kami paakyat sa hagdan.

Pinakita niya sa amin ang kwarto at hindi nga iyon kalakihan pero sakto lang para sa amin ni Mama. Inayos namin ang mga gamit namin doon habang si Tita Ludz ay kinuha ang mga dating gamit ni Mama na natabi niya pa pala.

Pag aayos lang ng gamit ang ginawa namin doon. Hindi naman kami magtatagal dito. Maghahanap agad ako ng matitirahan namin ni Mama at baka bumisita na rin ako kina Pastora at Coni pagkatapos maayos ang lahat ng kailangan kong ayusin. Matagal na akong walang komunikasyon sa kanila pero sana nandoon pa rin sila. Pati na rin 'yong mga kaibigan ko.

"Hello?" sagot ko sa tawag ni Benj habang nagsusuklay ng buhok dahil katatapos lang maligo.

"Hi. Doing good?" tanong niya, namamaos ang boses, tunog pagod.

Ngumiti ako. "Oo. Mabait naman 'yong kaibigan ni Mama na si Tita Ludz. Maayos din ang kwarto namin, nakapag ayos na kami."

"Mabuti. I'll visit you later. May kaunti lang akong inaayos."

"Ayos lang naman kung bukas ka na pumunta. Tapusin mo muna ang ginagawa mo."

"Hmm... I want to see you."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nagpigil ng ngiti sa sinabi niya.

"Gusto rin naman kitang makita..."

The Love (The Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon