KABANATA 24

75 6 0
                                    

Kabanata 24

Ampon

--

"Halika rito!"

Nagising ako nang isang sabunot sa buhok ang humila sa akin patayo! Naramdaman ko agad ang gigil doon at hindi ko napigilan ang pagdaing!

"A-Aray! Celine!" hawak ko sa kamay ni Celine na nakasabunot sa buhok ko.

Hinihila niya ako palabas ng kwarto at napaupo ako sa sahig nang bigla nalang niya akong bitawan! Nilingon ko siya. Pumasok ulit siya sa loob ng kwarto ko at nagulat ako nang bit bit niya na ang mga damit ko. Hinagis niya ang lahat ng 'yon sa akin.

"C-Celine... anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Lumayas ka! Wala kang kwenta!" sigaw niya habang umiiyak.

"A-Anong sinasabi mo?" tumayo ako pero muli niya akong tinulak kaya napaupo ulit ako sa sahig!

"Nang dahil sayo hindi ako nakabili ng magandang damit pang audition ko sana! Hindi tuloy maganda na damit ang nasuot ko dahilan para hindi ako matanggap sa pinag audition ko! Walang hiya ka! Kasalanan mo 'to! Lumayas ka sa pamamahay namin!" sunod sunod niyang sigaw.

"Celine..."

"Tumahimik ka! Wag na wag mo akong matawag tawag sa pangalan ko!" pumasok ulit siya sa kwarto ko at pinaghahagis sa akin ang mga damit ko.

"Celine!" pagtawag ko.

"Ano bang nangyayari rito?!" ang iritadong boses ni Tita Cecilia ang lumabas sa kanyang kwarto. Halatang nagising sa ingay naming dalawa ni Celine.

"'Yang babaeng 'yan, Mama! Nang dahil sa kanya kaya hindi na naman ako natanggap sa malaking kumpanya! Sayang 'yon! Kasalanan niya kung bakit hindi ako natanggap!"

"Celine, sinabi ko na sayong wala akong pera nung isang araw. Wala tayong mapapambili ng pagkain kung binigay ko sayo ang--"

"Tumahimik ka! Ayoko nang marinig pa ang boses mo! Lumayas ka sa pamamahay namin!"

"Celine..." nagmamaka awa kong sambit sa pangalan niya.

"Lumayas ka!" sigaw niya, magulo ang make up at umiiyak.

"P-Pwede naman nating pag usapan nang maayos 'to, Celine..." pakiusap ko. "May kinita na ako ngayon. Kung gusto mo bibigyan kita ng malaki laki--"

"Huli na ang lahat!" putol niya sa akin. "Sa tingin mo ba tatanggapin pa ako sa kumpanya na 'yon ngayong hindi na ako natanggap ngayon?! Hindi ko na kailangan ng pera mo!"

"Celine..."

"Lumayas ka na rito at wag na wag ka nang babalik!" tinulak niya ako patungong pintuan at wala akong nagawa kundi umatras habang dala dala ang mga damit at nagmamaka awa.

"Celine, wag naman ganito, oh... Tita!" pagtawag ko kay Tita Cecilia na nakapamaywang at halatang iritado pa rin na nagising siya sa kalagitnaan ng gabi, hindi manlang concern na pinapa alis na ako ni Celine.

"Wag mong matawag tawag na Tita si Mama!" sigaw ni Celine at tinulak ako palabas ng bahay.

Napaupo ako sa malamig na sahig ng labas. Wala nang tao at tanging kuliglig nalang ang naririnig.

"Celine..." nanginig ang boses ko at naiiyak na ako.

"Umalis ka na nga! Wala kang kwenta sa bahay na 'to! Hindi ka namin kailangan! Lumayas ka na!"

"Pero, Celine, wala akong matutuluyan--"

"Wala akong pakialam! Humanap ka ng bahay mag isa mo! Wala na akong pakialam sayo!"

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now