KABANATA 22

76 6 0
                                    

Kabanata 22

Promise

--

Lira:

Hey!

Natipa ako ng reply para sa kaibigan kong kanina pa ako ayaw tigilan. Nangungulit at gusto akong magkwento agad tungkol sa amin ni Benjamin!

Natasha:

Mamaya ko na ikukwento sayo! Magkita nalang tayo sa venue.

Natigil naman na siya pagkatapos no'n. Tinago ko ang cellphone ko. Nasulyapan ko ang pagtingin sa akim ni Benjamin kaya napatingin na rin ako sa kanya.

"You look beautiful," anya.

Medyo uminit ang pisngi ko. Hindi ako sanay na sinasabihan niya ako ng ganito!

"Salamat..." mahina kong sinabi.

"Si Lira ang nag ayos sayo?"

"Oo... Siya rin ang bumili nitong damit ko at sinabi niyang sa akin na daw 'to..."

"I'm glad you have friends like her."

Ngumiti ako at medyo kumalma na ngayon. Medyo hindi na nahihiya.

"Kaibigan ko na si Lira high school palang kami. At pareho pa kaming pala simba kaya naging close kami agad," sabi ko.

"Mmm. By the way, matatapos na ang simbahan. Siguro sa isang linggo tapos na 'yon," anya.

Natigilan ako roon pero sa huli ay tumango na lamang. Inasahan ko na 'yon dahil matagal naman na silang gumagawa roon. Inasahan ko nang matatapos na.

"Hindi ka na ba pupuntang simbahan, kung ganoon?" tanong ko, medyo nalungkot.

Tumingin siya sa akin. Nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi.

"Of course I will still come. Bibisitahin kita roon from time to time."

Para akong nabuhayan agad sa sinabi niya! Hindi ako makapaniwalang napalitan agad ng saya ang lungkot na nararamdaman ko kanina nang dahil lang sa sinabi niya!

Tumingin ako kay Benjamin. "Talaga?"

"Of course."

"E, hindi ba, busy ka? Siguradong marami kang ginagawa."

"Still. And I own my time. Bibisitahin kita sa simbahan at sasamahan kita sa pagba-bake mo. We'll also have a date sometimes."

Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng ngiti sa sinabi niya. Magda-date kami at palagi niya pa rin akong sasamahan? Parang hindi na ako makapag hintay na mangyari 'yon!

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Benjamin nang nakarating kami sa venue kung saan gaganapin ang reunion namin. Malapit sa dagat 'yon. May isang seafood restaurant tapos may isang malaking swimming pool sa gilid. Wala pa man ay natatanaw ko na ang kasiyahan roon, ang mga pamilyar kong mga kaklase at naririnig na rin ang malakas na tugtog.

Lumabas si Lira sa kanyang sasakyan at nanunukso akong tiningnan. Nginunguso niya sa Benjamin. Pinandilatan ko siya pero ngumisi lang siya. Naghintay siya sa may malayo.

Siya ang nauuna kanina at sinusundan lang namin siya ni Benjamin dahil hindi namin alam kung saang lugar ito. Medyo malayo kasi.

"Dito ang reunion niyo?" tanong ni Benjamin na mukhang problemado, tinatanaw ang loob.

"Oo... May problema ba?"

"Looks like... they are all men..." kunot noo niyang sinabi.

"Huh?" nilingon ko ulit ang loob. May nakita naman akong iilang mga babae roon na naka swimsuit at nagsuswimming na sa pool. "Meron namang mga babae. Mga kaklase ko 'yon dati," sabi ko at muling binalingan si Benjamin.

The Love (The Trilogy #1)Where stories live. Discover now