Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang tanga-tanga mo! Paano nalaman ng ate mo?" sigaw ni mama. "Ikaw ang gusto namin para kay Kyler dahil mayaman siya at ayaw namin siyang mapunta sa ate mo, pero bakit ka naman nagpahuli? 'Di ba hindi mo pa naman nakukuha nang buo si Kyler? Babalikan niya ang ate mo dahil siya pa rin ang gusto no'n! Estupida!"

Tears started to roll down on my cheeks again. They all know about it at ako lang 'tong nagmumukhang tanga.

"Paano ka na ngayon? Nganga ka na naman. Sinisira mo lang ang mga plano natin."

I laughed bitterly with her remark. May plano pa talaga sila. What about it? Gusto nila akong ubusin hanggang sa mawala na lahat sa 'kin? Bakit kaya hindi na lang nila ako patayin? Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila?

"Ma, I'm sorry! Hindi ko naman alam kung paano kami nahuli ni ate."

"Balik na naman tayo sa umpisa, Lyka, dahil sa kagagahan mo . . ." si Papa.

Hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko kaya nagtalukbong na lang ako ng kumot at nagtakip ng mga tainga. Hirap na hirap akong huwag gumawa ng ingay dahil sa pag-iyak.

Being tired of crying for hours put me to sleep. Paggising ko ng umaga ay matindi ang sakit ng ulo dahil sa sobrang pag-iyak.

Wala man akong ganang kumilos ay pinilit ko pa rin dahil mas pipiliin kong pumasok kaysa manatili rito sa bahay na pakiramdam ko'y wala naman talaga akong espasyo.

Katahimikan ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kuwarto. Wala silang lahat bagay na ipinagtaka ko, madalas tuwing umaga na naroon sila sa sala, maghihintay na lang sa almusal ngunit ngayon ay wala kahit isa sa kanila, ang aga-aga pa.

Ipinagsawalang bahala ko na lang at naghanap na lang ako ng puwedeng kainin sa kusina dahil kagabi pa ako hindi kumakain.

Pagpasok ko sa eskwelahan ay mas marami ang tumitingin sa akin ngayon at mas kakaiba, nagtaka ako kung bakit.

Yuyuko na lang sana ako para hindi sila makita pero hinarang ako nila Krizza sa gitna ng field. Dumating ang mga nakikiusyoso at pinalibutan kami.

"How's the picture of them? Masakit ba sa mata?" tanong ni Rica. "And oh! I heard you caught them two while doing it. Masakit ba?"

I sighed, not wanting to talk about it. I want to forget everything just for a while.

"I don't feel anything," walang gana kong sagot. "Please excuse me because you're trashing my way."

Tumabi sila pero kalalagpas ko pa lang ay nagsalita si Jade.

"Magsasawa talaga sa 'yo 'yong tao kapag hindi mo kayang ibigay ang sarili mo sa kaniya," ani Jade. "Kaya ka pinagpalit kasi hindi mo kayang ibigay 'yong kayang ibigay ni Lyka. Ang totoo niyan, katawan lang naman talaga habol sa 'yo ni Kyler kaso nagsawa yata siya kahihintay. Hindi ka niya totoong mahal."

If that's Kyler's reason, then he's a big man with no balls. Isa siyang gag*, tarantad*, at t*ng ina.

Maybe this is the reason why I can't give my my full trust to him . . . kasi iyon lang ang gusto niya at mabuti na lang at hindi ko binigay.

Pero hindi ko pa naririnig ang paliwanag niya at hindi naman ako tanga para maniwala na lang basta sa sinasabi ng mga 'to. Kilala ko sila. Nasasaktan na 'ko pero lalo nila akong ilulugmok.

"Gano'n ba?" Sarkastiko akong tumawa. "Then thank you for telling me the reason why. Hindi ko alam na kayo pala ang spokeperson niya."

Magsasalita pa sana sila pero umalis na ako. Hindi ko naman sila kailangang intindihin.

Nagmamadali ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko at pinigila ako.

"Ahmya . . ." It was Kyler and his voice seems to break any time now. "Please . . . mag-usap tayo."

I looked at him, kita ko ang pagsusumamo sa mukha niya pero hindi ako makaramdam ng awa kahit na nakikita ko siyang nasasaktan. Siya nga hindi niya inisip kung ano ang maaari kong maramdaman.

I looked at him coldly. Purong pandidiri at galit ang nararamdaman ko.

"I don't want to talk to you, Kyler. It's still fresh. Why do you all like playing with my feelings?" I said bitterly. "Kahit anong paliwanag mo, hindi mababago ang katotohanan na nagloko ka."

"I don't love Lyka. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang, Ahmya." I saw sincerity in his eyes.

"Fvck your love! I don't need it!" I shouted. "If you love me enough, why did you do that? Kung mahal mo ako, paano mo nagawang lokohin ako?"

He hesitated to talk, he looked down while shaking his head. Sa pagyuko niyang iyon ay ang pagtulo ng mga luha niya. He's hurting.

"She seduced me, Ahmya. Natukso lang ako!"

Natawa ako. Hindi makapaniwala sa rason niya. "At nagpalandi ka naman? Eh, gago ka pala, e! Sa tingin mo sapat nang rason 'yan?"

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Lumuhod siya pero hindi ko siya pinigilan at tumawa lang ako. Hindi naman ako ang nagmumukhang tanga sa gingawa niya. "Nagsisisi na ako sa nagawa ko, patawarin mo na ako . . ."

"Nang ganon kadali?" singhal ko. "Ang kapal naman ng mukha mo!"

"I'm willing to pursue you again, bigyan mo lang ako ng isa pang chance, hindi ko na ulit 'yon gagawin." Hinawakan niya ang kamay ko pero nilayo ko lang 'yon.

"Nandidiri ako sa 'yo. Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo. Mas mabuti pa nga kung si Lyka na lang ang mahalin mo. At least hindi masasayang."

Umiling siya. "Hindi ko siya mahal at hinding-hindi ko mamahalin dahil ikaw ang gusto kong makasama."

"Choose her, Kyler . . . I know you'll be happy with her."

Alam kong magiging masaya siya at ang pamilya ko kung iyon ang mangyayari.

It's not Kyler that they don't want but me.

Akala ko kaya nila kami pinipilit na lumayo sa isa't isa dahil ayaw nila sa kaniya. Hindi pala siya kundi ako. Ayaw nilang mapunta siya sa akin dahil sa pansarili nilang interes.

Kung 'yon ang gusto nila, edi ibibigay ko na. Hindi na bale nga namang masaktan ako, basta masaya sila.

Ano nga bang karapatan kong intindihin ang nararamdaman ko? Hindi ko naman 'to ikamamatay.

Trying to get a hold of me, I shoved his hands away and gave him my one last smile. "I'm sorry but I can't give you another chance. You inflicted pain on me and I know I don't deserve it. You clearly don't deserve to have a chance . . . you'll just hurt me again. Hindi ako tanga para magpapaso sa bagang minsan nang pumaso sa akin."

"Ahmya . . . no, please. I'm sorry," he pleaded.

I shook my head. "Forget about me. I'll just pretend that you never happened to me."

Lumayo ako sa kaniya. Naisuporta niya na lang ang dalawa niyang kamay sa sahig saka humagulgol. Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palayo.

It's better this way.

I'm not torn anymore.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon