20 - Happy Birthday!

18 1 1
                                    

"Yosh!" tawag ko habang kinakaway ang kamay ko, simbolo na pumunta siya rito sa puwesto ko. Agad-agad naman siyang pumunta at inakbayan ako.

"Bakit? May kailangan ka ba?" sagot nito habang nakaakbay sa akin. Binigay ko sa kaniya yung tinapay na hindi ko naubos, ibibigay ko na lang since busog na naman ako and I can't consume more.

"Ha? Para lang dito?" she reacted right away after handing her the bread.

"Of course. At least may makakain ka." I replied.

"Students. Wala na bang natirang bread diyaan? Di pa ako nakakakain eh."

E-Eh? Sabi nila wala na raw kakain, bakit nanghihingi si Sir. Kieran?

"Sir. E kasi... Naubos ko po." I awkwardly smiled, scratching my head. He scratched his head as well cause of disappointment. Patay na.

"Ah. It's okay, you don't need to be worried. May stock pa naman ata sa bag ko, thanks!" he immediately replied and went away.

"HAHAHAHA. Ginagawa mo sa sarili mo?" tanong nito habang naglalagadak ng tawa. Ay aba ewan ko rin basta nagutom na lang ako bigla kaya kinain ko na lahat ng natira.

"Nagutom ako eh saka sabi naman nina Russelvic na wala nang kakain kaya ako na lang kumain nung mga natira at isa pa, hindi ko naman alam na hindi pa pala kumakain si Sir. Sabi nila, wala na raw eh so I took the chance na hehe." walanghiya kong sagot. Kinapalan ko na talaga mukha ko kasi wala lang, siguro it's the time for me to show how shameless I could be 'no, char HAHAHA.

Ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang nakakahiyang insidente na nangyari sa akin kanina. Kahit na ilang araw pa yan, patuloy at patuloy na aatakihin ako ng kahihiyan kapag naaalala ko yan.

Nandito ako ngayon sa kuwarto pero wala yung iba  Yung investigation namin kagabi, wala namang trace na nangyari but gladly, walang nasaktan at walang kinuhanan ng buhay.

While I'm packing my things to be prepared later for another exhibition, an old woman came in, I bet she still doesn't remember me but I know for sure that she's Tita Roezey. The one who took care of me while I was still growing in the adoption center she was working last 2000's.

"Tita- I mean, hello po uhm manang. Ano pong need niyo at napunta po kayo rito?" I asked while packing the things I'll be needing later on tonight.

"Wala, umoobserba lang." I stopped for a moment when she sat beside me but then after a lil bit of time, I continued packing. "Alam mo, feeling ko talaga may kakaiba sayo hija. Lagi kong nararamdaman na parang nakilala na kita eh." nabigla ako nang tumuloy siya sa pananalita at sa mensahe ng mga sinabi niya. Does that mean that she's slowly losing her memories? It can't be! "Teka, ano nga ulit yung sasabihin mo sa akin nung kinausap mo ako pero tinanggihan ko na kasi maglilinis pa ako?" nang marinig ko ang tanong na iyon, humarap ako kaagad sa kaniya.

"Ah." I looked down to think for what I'm about to say. "Tatanungin ko ho sana kayo if naging taga-alaga ka po doon sa adoption center sa Marikina po kasi you resemble the one who took care of me noong 4-5 years old ako." I calmly continued as I look onto her face. I could see her genuine eyes coming through me. I could feel her genuineness. It's just that, I feel like she's really a heartwarming person.

"Ang naaalala ko ay may inalagaan akong napakabait... Hindi lang napakabait kundi napakalambing na bata noon. Miyembro ako ng Marikina Adoption Center dati at iisa lang ang tumakda sa akin. Ikaw ba iyon, hija? Yung nagpipipiglas pa doon sa mang-aampon sa kaniya noong kukunin na siya tapos hahaha." tumawa muna ito bago ituloy ang mga sinasabi niya.

"Tapos habol nang habol sa akin kapag kainan na, kapag magpupunta na ng playground para maglaro. Napakalambing na bata." she continued.

"Opo Tita... Tita Roezey, ako ho yung tinutukoy niyo." Bigla na lang tumulo ang mga luha ko at inakap ako nito nang sobrang higpit. Ramdam ko rin ang mga luha niyang kumakapit sa damit ko.

Diplomat HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon