10 - Sorry is Just a Word

23 3 0
                                    

"Apology? Do you think we deserve just an apology? ARE YOU KIDDING ME?" balahurang pagsumbat sa akin ni Shinoo.

Kamamatay pa lang ni Mr. Fernandez, it's been two hours already since we began exploring and from 18 people, 17 na lang kami ngayon.

Just... why?

Why did Dazirene have to do all of these?

"Shinoo. I don't know... Hindi ko alam kung ano rin yung gagawin ko. Ako, ako na ang bahala hanapin ang kapatid ko. Dito na lang kayo." I exhaled right away pagkatapos kong magsalita.

We saw Sr. Kieran and...

Tita Roezey? Why's she here? She shouldn't be here. I mean, paano? Di ko siya nakita for the last four days na nandito kami, how? Just how?

They came from the passageway papunta sa likod ng school. Sr. Kieran then stood by my side and announced something.

"Lahat na tayo nadidito na naman diba? We're still 18 pero sad to say, wala na si Mr. Fernandez. Shinoo-"

"What?! Sorry na naman? Narinig ko na yang lintek na pasensya na yan sa gagong kapatid ng pumatay sa tatay ko! Anong magagawa ng sorry mo?" lumapit si Shinoo sa akin. Sr. Kieran tried to calm him down but he couldn't stop him and so do I.

"Anong magagawa ng sorry mo ha? Para ano, mabayaran agad ng konsensya mo yung hustisya na pinatay ng kambal mo? Kahit humingi ka ng pasensya nang isang milyong beses, I can forgive but I'll never forget. Ang kapal ng mukha mo!" he yelled at me while crying like a storm.

Everybody's just watching us, no one dared to meddle even Yorish.

"I'm sorry I couldn't do-"

"Of course, you couldn't do anything. Nasaan ka ba? Nasa third floor kasama yang punyetang kaibigan mo para ano, para mag-explore lang? Ni isang hakbang nga ng kapatid mo, sarili mo pang kapatid, hindi mo mahanap? O wala ka lang talagang pakeelam kasi hindi mo naransan mahalin ng totoo mong magulang!-" before he even finished his sentence, nasampal ko siya. Hindi ko alam, hindi ko nakontrol yung kamay ko. Ayaw ko lang ng pag-usapan yung biological family ko.

But then, I spoke. Ayaw kong tinatapak-tapakan yung pangalan ko.

"Huwag mong idadamay yung mga magulang ko, Shinoo. Ramdam ko yung nararamdaman mo ngayon kasi never in my life, never in my life na naranasan kong mahalin ng sarili kong tatay. Kaya hindi nila ako minahal kasi ang sabi nila, simula nung dumating ako, nagkandaleche-leche na ang buhay nila. Ngayon, tatanungin kita Shinoo. Ramdam mo ba? Ramdam mo ba na sarili mong magulang, tinatalikuran ka? Na imbis na sila ang humila sayo pataas, sila ang naghila sa akin pababa. Ramdam mo na ba ngayon ha?" I softly cried while expressing myself.

I couldn't hold back any longer kaya pumatol na ako. Alam kong kambal ko ang pumapatay sa mga tao rito pero hindi ibig sabihin non, na dapat sa akin na lahat ng bintang. I did everything I could to bring my twin sister back in Marikina but she wouldn't see me, kahit piraso ng buhok niya, hindi nagpapakita sa akin.

"Oh? Ngayon magpapakabiktima ka para kaawaan ka ng mga tao dito? Na iinvalidate mo yung pagkamatay ng tatay ko nang dahil sa kapatid mo? Eh kung sana sayo nagpakita yang kambal mo, andito pa sana yung daddy ko. At hindi ko na sana makikita yang pagmumukha mo at ng kaibigan mo." he raged habang nanlalaki yung mga mata niya.

I slowly sat down as I melt down. Hindi ko na kayang tiisin yung mga pinagsasabi niya.

I got surprised nang batuhan ito ng malaking timba ni Yorish. I couldn't help but watch them arguing. Nanlalambot ako sa mga sinabi ni Shinoo sa akin.

"Walanghiya ka-"

"Ano? Itotolerate mo yung pagpapatay nung demonyong kambal ni Dolli? Sabagay magkaibigan nga kayo. True friends have the same color ika nga, pareho kayong demonyo!"

Diplomat HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon