14 - Not Anymore!

15 1 0
                                    

- Shinoo's POV -

"Ayesha. Hindi ka pa ba matutulog? Magsisimula na ata tayo bukas eh." I curiously asked. Ala una na, dilat na dilat pa rin mata niya. I won't be surprised if she'd directly go to the nearest hospital once we made our way out.

"Hindi pa." sagot nito na sinundan ng isang halakhak. May ka-chat ba 'to? Eh network unavailable dito sa Diplomat ah.

I walked near her, silently sneaked on her phone. Nasa messenger yata, may binabasang conversation. Paano siya nagka source ng data dito?

"Sino yan? Ka-chat mo?" I asked once again na sinundan agad ng mabilis na reply.

"Hindi. Wala nga akong data, unavailable pa yung network dito. Screenshot 'to, nagbabackread ako sa ano ehe." sagot nito.

"Ang landi mo naman. Matulog ka na, matutulog na rin ako. Hindi puwedeng di tayo sabay matulog, papagalitan ako ni Sir Kieran 'pag may nangyari sa'yo." dugtong ko sa tonong pagalit. Asar na asar na ako dito. Alam kong lalaki ako pero ewan ko ba't kakaiba yung temper ko, madaling mainis sa mga bagay na hindi naman makabuluhan.

"Mangyari? Don't worry, I'm born confident and strong kaya mauna ka ng matulog. Kahit katayin pa ako niyang kambal ng sipsip na yon, 'di ako mamamatay. Pakeelam ko sa kanila?" sumbat nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. Paano kung narinig siya ni Dazirene? Hindi impossible na gagawing posible ni Dazirene yung mga sinabi niya.

Sa kakulitan niya, hinayaan ko na lang siya. Kung may mangyari man, aba bakit ako yung sisisihin? I just look for them pero hindi nasa akin yung desisyon nila kung ano yung gagawin nila sa mga buhay nila. Natulog na rin ako pagkatapos, hindi ko na naman siya mapipilit so 'wag na lang.

- Ayesha's POV -

Alam kong inis na si Shinoo. Well, wala naman siyang kasalanan kung may magyari man sa akin. I don't fucking care! Mas mabuti nang mamatay na lang kaysa hintayin na mamatay.

Lalabas ako, pupunta ako ng second floor. I'll find Dazirene myself.

I quietly walked towards the doorway and finally, nakalabas na ako. I know that it's scary but why not take the risk? Maybe, maka automatic graduate ako kapag ako yung nakaresolba ng problema na 'to. Bakit pa kasi kailangan mag maang-maangan pa si Dolli, plano niya naman lahat ng 'to diba? Susko.

I've made my path through the dead fountain, medyo creepy. Feel kong maraming ligaw na spirito ang dumadaan sa akin pero dahil hindi ako takot, wala akong pakeelam. Malayo layo pa ang lalakarin ko bago makapunta doon sa stairway papuntang second floor kaya nagpahinga muna ako't umupo sa dead fountain.

Malamig-lamig yung atmosphere dito. Madaling araw na naman kaya normal na malamig yung klima and gladly, suot ko yung sweater ko kaya may heat source ako. Hindi ko kailangan ng kayakap pero talagang malamig eh, kailangan ko pa yatang magsuot pa ng isa pang sweater since dalawa naman yung dinala ko before magpunta dito.

Paalis na ako mula sa inuupuan ko pero may unusual feeling akong naramdaman. It's just like, I feel like I got transformed into a different atmosphere. Napatalikod na lamang ako pero wala namang tao kaya umupo na lang ulit ako para magrelax. Tiisin ko na lang yung lamig kaysa bumalik pa doon sa pinanggalingan ko, baka gising na si Shinoo, masampal na naman ako nung lalaking yon.

I began roaming around the fountain circularly.  Wala, boring eh. Since medyo malayo naman yung puwesto ko mula sa mga kuwarto na pinagtutulugan nila, parang gusto kong i-occupy yung matahimik na lugar na 'to.

"Haha. What a load of shit." I smirked as I whisper those words. Nanggigigil pa rin ako sa trahedyang pinaggagawa nitong bida-bida sa school.

"DOLLIBAE! ANG CUTE NG COPING MECHANISM MO FOR NOT BEING ABLE TO BE LOVED BY YOUR OWN FAMILY, MAMAMATAY TAO KA-"

Diplomat HotelWhere stories live. Discover now