13 - Sun and Moon

18 1 0
                                    

- Sir Kieran's POV -

"Ano?" I screamed due to an unexpected situation that has been occuring in the rooftop.  Shinoo reported to me that he's seen Dazirene killing the other three friends of Ylaijah and the two of them (Ylaijah, Dazirene) went inside the opening door of rooftop.

Nagpunta ako sa pintuan papuntang rooftop and I saw Ylaijah being held by Dazirene, ihuhulog niya siguro sa bintana kaya agad agad akong nagpunta ng second floor, kitang kita si Ylaijah kapag tumingin ako sa taas. Tinatantsa ko ang puwesto ni Ylaijah and I hope that I could save her.

This is all my fault, puta! Nagpadala ako sa emosyon ko.

And ayan na nga ang sinasabi ko, hinulog na si Ylaijah and gladly, I caught her. Tama ang tantsa ko. Dali-dali na akong tumakbo sa pinagpupuwestuhan namin sa pinakababa. Walang malay si Ylaijah, baka sa sobrang takot, naapektuhan na nito ang kondisyon ng katawan niya.

"Let her rest muna." I instructed everyone and naka receive naman agad ako ng mabilis na tugon.

Salamat, hindi na nadagdagan pa ang biktima.

- The sun of the new morning arises -

- Dollibae's POV -

Nagising ako na katabi ko si Ylaijah. Wala pa rin siyang malay mula kagabi pa. Nakakapanghinayang kasi tatlong kaibigan niya, nawala. Siguro kung ako yung nasa sitwasyon ni Ylaijah, hindi ko na kakayaning buhatin yung ganiyang sobrang bigat na sitwasyon. Baka nga kahit ilan pang higante ang magbuhat, mabibigatan at mabibigatan pa rin. Ramdam ko yung sakit at poot na nararamdaman ni Ylaijah ngayon kahit wala pa siyang malay.

At tama. I feel how bad it is. Parang araw araw akong hahabulin ng konsensya nito. Gusto ko na ring umuwi pero sobrang hirap pa rin alamin kung sure na ligtas ba kaming makakauwi o baka sa unang hakbang pa lang namin, nagkaroon na ng taning yung mga buhay namin. Mabuti na lang siguro na mag-stay kami dito hanggang sa di pa namin nakukuha si Dazirene. Ang pangako ko, wala ng susunod pang biktima pero bakit hangga't gumagalaw ang araw, parami nang parami ang dugong nawawaldas at buhay na isinasauli sa pinagiraman? Ang hirap kasi ako yung umaani sa mga karahasan na ginagawa ni Dazirene. Imbis na nananahimik na lang ako dito, naglilibang habang gumagawa ng journal kung hindi nangyari tong mga insidenteng 'to, siguro maayos at magiging masaya yung huling araw namin dito pero mukhang yung huling araw na aalis na kami dito, punong puno ng karumihan, kapaitan at kalungkutan.

Napakahirap lang na habulin ng konsensya sa kasalanan na hindi mo naman inaasahang mangyayari. Napakahirap, sa totoo lang. 

It's been three hours already since the sun has arose. Wala pa akong kain kasi binabantayan ko pa si Ylaijah. I don't want her to be traumatized because of me. Nang makasalubong ko naman ng tingin si Yorish, umiling na lang ito. May sama pa ata siya ng loob dito kay Ylaijah pero i-set aside na lang yung sama ng loob na yan, mas maganda kung magtutulungan tayo para maresolba tong problema na kinahaharap namin. 

"Dolli, love." paglalambing ni Jaevier, nasa tabi ko. Siya nga pala, hindi ko pa sinasagot si Jaevier. Masiyado lang maaga para magsimula. Sadyang malambing lang talaga siya.

I responded by raising my eyebrows. In our culture, when we raise our eyebrows, it significantly means that we're either asking or agreeing.

"Hindi ka pa ba kakain? Masiyado ng late para sa agahan mo. Mamaya pa naman yata magigising si Ylaijah. Tara?" Inihandog niya ang mga kamay niya, iniimbita ako sa lamesa.

"Hindi muna. Hihintayin ko pa magising tong si Ylaijah, Jae. Kailangan ko siyang kausapin." malumanay kong sagot. Binabalutan ako ng konsensya ngayon. Hindi lang ng konsensya, buong pagkatao ko, nararamdaman kong bumabagsak habang inaalala kung gaano kasama ang dinulot ng mga ginawa ni Dazirene sa mga tao na importante kay Ylaijah. Sayang, yung daanan kasi papunta dito sa Diplomat, kailangan ng authority ng owner and hindi makakapasok ang mga tao na expertise sa emergency. Hindi rin naman kami makatawag sa number ng pinakamalapit na ambulance, network unavailable na dito mula nung nabalitaan namin yung krimen na ginawa kay Mrs. Ferrer.

Diplomat HotelWhere stories live. Discover now