Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngumiti ako at tumango dahil totoo naman ang sinabi niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko kailangan ng mga katulad nila na imbis tulungan ako ay lalo lang akong pinahihirapan.

Lumipas ang buong umaga na walang ginawa kundi klase lang. Nag-aya si Khaos mag-lunch sa labas pero humindi na ako sa takot na baka may makakita at mahusgahan na naman.

Can't they see that we are just friends?

I shooed my thoughts away. Sa halip na lumabas pa ay sa canteen na lang kami pumunta. Pababa na kami nang makasalubong namin si Kyler.

"Kakain na kayo?" tanong niya kaya sabay kaaming tumango. "Tara, sabay-sabay na tayo."

Nang tumalikod siya ay kumunot ang noo ko. These past few days, nakakapagtaka na hindi na siya nagagalit kapag magkasama kami ni Khaos. Hindi iyong tipo na parang ayos lang kundi tipo na wala siyang pakialam.

Sure, he said sorry when Khaos saved me but after that, as far as I remember, he's still not okay with Khaos. Naiinis pa rin siya kapag nakikita ang lalaki pero ngayon ay hindi na.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sa tingin ko ay mas ayos na ang ganito.

When we arrived at the canteen, Kyler gave me an assuring smile. Walang nagsasalita sa amin kahit isa sa loob ng mga sandali na magkakasama kami.

Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ako kumportable sa katahimikan naming tatlo kaya napabuntonghininga na lang ako. Baka masyado na lang akong nag-iisip.

Nakabalik na kami't lahat ni Khaos sa room ay malalim pa rin ang iniisip ko.

"Penny for your thoughts?" he then said and chuckled. "Baka mabaliw ka na kakaisip, ah? Sure ka bang ayos ka lang? P'wede namang umuwi ka na muna at magpahinga, baka pagod ka na sa lahat."

"Pagod na talaga ako."

"Why don't you leave if you're already tired? You're obviously torturing yourself. 'Di ka ba naaawa sa sarili mo?"

Napayuko ako. "Naaawa . . . pero 'di ko alam kung saan ako pupulutin kung aalis ako."

"Maghanap ka ng puwedeng upahan," suhestiyon niya. "Magtrabaho ka habang nag-aaral."

"That's the real torture, Khaos."

"Kung mayaman lang ako, baka pinag-aral na kita," sabi niya saka natawa.

Bakit kaya may mga taong hindi kaya maging pantay ang tingin sa mga tao? We were born equally. No one has the right to judge. No one is allowed to hurt somebody, may be physically, emotionally, and mentally.

No one should feel superior. No one should degrade people. Sana wala ng mga taong masasama.

I smiled bitterly. It pains me how a single word can hurt someone deeply.

Totoo na hindi mabubura ng sorry ang mga sakit na dinulot sa 'yo ng mga tao kaya hindi talaga madali ang magpatawad at basta na lang lumimot.

People could easily say forgive and forget because they've never been in your shoes.

Bago pa ako pumasok sa bahay, narinig ko si Lyka na may kausap pero sa tingin ko'y sa cellphone lang dahil wala naman akong naririnig na ibang boses kundi siya lang.

"Bakit kasi hanggang ngayon tinatago mo pa rin ako?" Bakas ang inis sa boses niya. "Kinahihiya mo ba ako, love?"

Kumunot ang noo ko. May boyfriend ba siya? Kung meron nga siyang boyfriend ay wala na akong pakialam. Kung magsusumbong man ako ay ako pa rin ang mapapagalitan sa huli sa sobrang pakialamera ko.

"Hanggang kailan tayo ganito?" tanong niya.

Naranig ko nang mas malinaw dahil pumasok na ako sa loob. Lumingon sa akin si Lyka.

"Oh? Mabuti naman at nakauwi ka na. Wala kasi kaming mautusan."

Bumuntonghininga na lang ako at hindi na siya pinansin saka tumuloy sa pag-akyat. Tinuloy niya na ang pakikipag-usap niya sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

I heard my parent's footsteps when they arrived. It was heavy, alam kong paakyat na sila at ilang sandali lang ay kakatok na sa pinto ko at hindi nga ako nagkamali.

"Ano, Ahmya? Magkukulong ka riyan sa kuwarto? Bumaba ka na at magluto, wala kang silbi," si mama.

No matter how much I tried to prove myself to them, I will stay as someone useless.

Weeks passed like it's normal but for me it isn't. I didn't hear anything from my family again. It is something quite unusual. Hindi kasi nila kayang lumipas ang araw na wala silang nasasabing hindi maganda sa akin pero ngayon, mas naramdaman ko ang pagiging hangin.

Hindi nila ako sinisigawan noong mga araw na late ako umuuwi. Hindi sila nagagalit kapag makupad akong kumilos at hindi ko agad nasunod ang utos nila. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko rin iniisip na baka nagsisimula na silang magbago.

Parang may mali . . . may mali talaga at hindi ko pa matukoy kung ano. Natatakot akong malaman. Nasanay ako sa mga masasama nilang tingin pero ngayon ay halos hindi nila ako tapunan maski isa.

"Character development tawag do'n, Ahmya," natatawang sabi ni Khaos matapos kong ikwento sa kaniya ang mga napapansin ko. "Malay mo nagbabago na talaga sila, nahihiya lang umamin dahil na-realize nila kung gaano sila kamali sa mga ginawa nila."

"No, Khaos. There's something wrong."

"Don't overthink too much. Magpasalamat ka na lang na hindi sila gumagawa ng kung anong ikasasakit mo," aniya. "Whatever their reason why they are acting that way, it will soon be revealed. Ngayon, pagtuunan mo na muna ang sarili mo. Maging malakas ka."

"Hindi ko mapigilang mag-isip, e."

"Then divert your attention to other things, it will help you."

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon