Prologue

1.9K 25 1
                                    

"Alpha!" sabi no'ng bagong rating na lalake pero natigil din agad nang makita kaming dalawa ng lalakeng kaharap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Alpha!" sabi no'ng bagong rating na lalake pero natigil din agad nang makita kaming dalawa ng lalakeng kaharap ko. Ang pangalawang kasama nito, si Ria naman ay napatakip ng bibig sa gulat.

Alpha? Tinawag lang ba nila ang taong nasa harap ko na Alpha?

Napalunok ako sa kung anong kaba nang mariin pa ring nakatingin sa 'kin ang Alpha na tinutukoy nila. Hindi niya pinansin ang dalawang kakarating lang.

"I'm asking for your name!" taas-boses niyang sabi sa 'kin.

"S-Samara..." utal kong sabi. My god, naiiyak na talaga ako sa takot. No'ng sinabi ko ang pangalan ko ay doon lang lumambot ang ekspresyon niya. "P-please... wala naman akong ginawa... p-paalisin mo na ako rito." Nagmamakaawa na ako pero hindi siya nagsalita bagkus ay bumaba lang ang kaniyang mga kamay sa
wrists ko at iyon ang sunod na ipinako sa pader.

"B-bata pa ako p-para mamatay... m-marami rin akong pangarap. Wala naman akong ginawa-"

"Shut up," putol niya sa 'kin.

***

Asan ako?!

Napatingin ako sa bintana at doon nakita ang kulay asul na kalangitan. Umaga na at nangyari lahat kagabi lang. Oh god! Oh god! Na-kidnap lang ako! Napatingin ako sa 'king sarili at napansing hindi na ako naka-dress pero black pajama. Oversized ito sa 'kin kaya alam kong pagmamay-ari ito ng isang lalake. Bumangon na ako kaagad at tumakbo papunta sa unang pinto na nakita kong tapat lang naman ng kama ko. Hinawakan ko kaagad ang knob nito at sinubukang ipihit pabukas pero naka-lock pala ito.

"Punyemas!" inis kong sabi sabay sinubukang sinira ang knob sa pamamagitan ng pagsipa nito. Bigo ako rito pero mukhang success ako sa pagtatawag ng tao dahil narinig ko ang pag-click ng knob sabay bumukas ito at nagpakita ang isang lalake.

Napaatras ako kaagad. Siya lang naman ang tinutukoy na Alpha. Seriously, sa rami ng mga out-of-ordinary na nakita ko kagabi, nagdududa tuloy ako kung reality ba ang mga 'yon o shi-ne-shet lang ako ng mga mata ko? Speaking of eyes, kulay silver na ulit ang mga mata ng lalakeng kaharap ko. Baka nga nag-hallucinate lang ako kagabi.

"Asan ako?" tanong ko, tinatapangan ang sarili. Napahalukipkip naman siya bago bahagyang itinagilid ang ulo.

"Home," maikling sagot niya.

"Home? Hindi 'to ang apartment ko!"

"This is our home, Samara."

***

Ayon! Napadungaw ako kaagad doon at nakitang pinapaligiran na pala ang bahay na 'to ng mga puno at nasa 2nd floor lang ako. Hindi ko pa rin ito pwedeng talunin pero pwede akong gumamit ng... kumot! Hinablot ko kaagad ang kumot sa kama saka itinali nang mahigpit ito sa isang paa ng kama habang ang kabila ay itinapon ko sa labas ng bintana. Sadly, medyo bitin pero okay lang, pwede ko pa rin talunin sa ibaba.

Hindi na ako nagsayang ng oras pa at nagsimula nang bumaba gamit ng kumot. Kapit na kapit talaga ako ro'n, natatakot na baka sa isang maling hawak lang, mapapa-goodbye na ako na wala sa oras. Sana na lang busy ang lalakeng 'yon sa pagluluto hanggang sa makalabas na ako sa lugar na ito at makahanap ng tulong pabalik sa city. Ang masama nga lang, hindi ko alam kung asaang lugar talaga ako. Tulog lang ako habang dinadala ako sa kung saan.

Langya, pagkaalis ko talaga rito, magpapa-check up ako sa mental. Ang scary lang ng lahat!

Napatingin ako sa lupa na aking babagsakan. Sure thing, hindi ako mababalian ng mga paa kaya tumalon na rin ako kaagad.

"Aray!" daing ko nang napabagsak ako sa lupa. Hindi ako nabalian pero ang sakit pa rin ng impact. Tumayo na ako nang dahan-dahan pero sa saktong oras na 'yon, naka-eye-to-eye ko ang dalawang silver na mga mata. Bintana na pala ang nakaharap ko 'tapos sa loob, meron 'yung lalake, nakatingin na mismo sa 'kin nang matalim habang may hawak siyang pan. Holy crap. Nakarinig na ako ng malakas na angil na nanggagaling sa kaniya. Sa sobrang lakas nito, halos napaatras na ako. Then I did the obvious thing, tumakbo ako.

***

Just a sneak peek. Pasilip lang muna ang prologue ko ngayon (>___<).

So... let the story begin!

Werewolf Series #1: Hidden MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon