PROLOGUE

10.1K 150 3
                                    


"Tiffany and you are getting married" sabi ni Tito Manuel kay Sam. Nandito ngayon sila sa bahay namin para pagusapan yung kasal namin ni Sam. Alam ko na ang tungkol dun dahil sinabi na sa akin yun ni Mommy.

"What? What did you say? Ako? magpapakasal sa babaeng to? Dad naman!" sabi ni Sam habang tinuturo ako. Yumuko nalang ako dahil nahihiya ako. Alam ko naman na hindi nya ako gusto una palang,pero ako,gustong gusto ko sya,matagal na.

"Nickollo Samuel! Watch your words!" banta ni Tito kay Sam.

"Dad naman kasi! Bakit niyo ba ako ipapakasal sa kanya?! Eh hindi ko naman siya gusto eh." galit na sabi ni Sam at padabog na umupo sa sofa na nasa harap ko.

"Alam mo namang kamamatay lang ng Daddy ni Tiffany right? Iniwan nya ang company nila kay Tiffany but she is too young to handle it. Kaya napagisipan ko at ng Mommy nya na ipa arrange marriage kayong dalawa para ipagmerge ang Company nila at ang company natin" you heard it right? nung una,hindi ako pumayag na ipa arrange kaming dalawa ni Sam. Pero I have no choice,para din naman ito sa ikabubuti ng company namin na iniwan sakin ni Dad. Only child lang kasi ako and Im just 18 years old at isa pa wala pa akong masyadong alam sa pagmamanage. And si Mommy? Wala din syang alam pagdating sa pag mamanage ng business kaya hindi nya kayang ihandle yung company namin. And this is the only way para sa ikabubuti ng company namin.

"But dad! Tignan mo naman yung itsura nya! Pwede naman sa ibang babae pero bakit sa nerd pa na yan?!" Ouch! oo na! ako na ang nerd. Alam kong hindi ako kasing ganda ni Carla Abellana o kaya naman ni Marian Rivera o kaya naman ni Angel Locsin pero porke ba nerd,panget agad?

"Sobra ka naman magsalita hijo. Alam mo Manuel,wag na lang natin ituloy ito." sabi ni Mom kay tito Manuel. Niyakap naman agad ako ni mommy pero binulungan ko sya ng "No,it's okay mom"

"No Steff,itutuloy natin ito. Nangako ako kay Brian na kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan yung kompanya at kayong dalawa ni Tiffany kapag nawala na sya. Alam mo namang parang magkapatid na ang turingan namin ng asawa mo." sabi ni Tito Manuel kay Mommy. Nagbuntunghininga nalang si Mommy.

"And you Nickollas Samuel! Wether you like it or not,you and Tiffany are getting married as soon as possible." sabi ni Tito kay Sam.

"Fine. But in one condition." sabi ni Sam dahilan para magangat ako ng ulo at tumingin sa kanya. Nakatingin lang sya sakin ng seryoso. Napakunot naman ang noo ni Tito Manuel at ni Mommy

"Condition?" ulit na tanong ni Tito

"Papayag akong magpakasal sa kanya pero sa isang kondisyon..." sabi ni Sam at tumingin sa Daddy nya. "Dapat walang makakaalam na ikakasal at kasal ako sa kanya" sabi ni Sam

"But...." hindi pa man natapos ang sasabihin ni Mommy pero agad nagsalita si Sam.

"Simple lang naman yung hiling ko. Gusto ko tayo tayo lang ang makakaalam na kasal kami. Except syempre sa mga dapat lang na makaalam. She will be my Secret wife" sabi niya bago tumayo at umalis.

The Secret WifeWhere stories live. Discover now