“Naiintindihan kita. When your sense of safety and trust are broken, it’s normal to feel disconnected or numb. Common rin na magkaroon ng nightmares, ang matakot, at mag-shutdown completely. Just keep in mind na hindi sign ng weakness ang PTSD. You’re not weak. Parte ng nakaraan mo ang nangyari and overcoming it is the only way to get better.”

Marami pa siyang pinaliwanag tungkol sa proseso hanggang sa matapos yung oras ng appointment ko. Bago umalis ay tinanong niya uli ako tungkol sa kaso. Muli, “no” ang sagot ko. Pinuri niya ang improvement ko dahil nagtanong ako. First time na ako ang nagsimula sa interaction namin.

Pagbalik sa rancho, dumiretso ako sa mga kuwadra. Katulad kahapon, hinahanap ko na naman yung rush. I know better now kaya hinanap ko iyon in a healthy atmosphere.

Binuksan ko ang kulungan ni Shasta at hinanda siya para sa ride namin. Ngayon lang siya naging ganito. Tahimik lang niyang hinihintay ang susunod kong gagawin. Tila alam niya na kailangan niyang magdahan-dahan sa presensya ko.

Nag-umpisa kami sa mabagal na takbo. Sinasanay ko muna uli ang sarili ko sa pagsakay, at nang makuha na ang rhythm, pinatakbo ko na si Shasta. Bumilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko yung rush ng hangin sa pisngi ko na tila pumapasok iyon sa balat at ine-excite ang dugo ko. It was almost the same kind of rush I got from the drugs. Ang pinagkaiba lang ay ang linis nito sa pakiramdam.

Bumagal ang takbo namin nang makarating na sa may kakahuyan. Hindi na ako pamilyar sa lugar kaya plano ko talagang bumalik na sa rancho. Nang hilahin ko si Shasta para bumalik, nagpumiglas siya at nagpatuloy sa paglalakad. Kinabahan na ako bigla. Tapos biglang nag-blackout ang utak ko. Yung tipong nararamdaman ko pa rin ang paggalaw ng katawan ni Shasta sa pagitan ng hita ko, naamoy ko ang damo at lupa, naririnig ko ang mga ibon, pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Sumuko ang utak ko sa pag-iisip.

Nang bumalik ako sa sarili ko, namangha ako sa pinagtigilan namin. Isang clearing kung saan ang lago ng mga damo at ang wild ng mga puno. Parang hindi napupuntahan ng tao. Inangat ko ang tingin ko sa taas para tingnan ang langit ngunit nahaharangan ito ng sanga at dahon ng mga puno. Maliliit na sinag ng araw lang ang nakakatakas para halikan ang lupa.

Bumaba ako kay Shasta at umupo sa ilalim ng isang puno, patuloy pa rin sa pagmamasid. Na-overwhelm ako sa natagpuan ko. I feel like I shouldn’t be here. Isa itong lugar na wild but at the same time, innocent and pure. Ngunit kahit na pilitin kong umalis, parang ayaw ko pa. Nakatagpo ako ng lugar kung saan pwede akong magmukmok nang walang umaaligid na mga taong nag-aalala para sa welfare ko.

Alam ko namang mabuti ang mga intensyon nila para sa akin pero nakakasakal na yung mga naaawa nilang tingin. Ang gentle nila lagi dahil alam nilang mabilis akong mag-break. Kahit pa i-deny ko iyon, totoo naman. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa kahinaan ko. Dahil natatakot ako.

Narinig ko muli ang sinabi ni Janice, “You’re not weak.”

Pumikit ako. Maling ideya dahil pagkasara ko ng mga mata ko, yung mga imahe ng mga araw ko sa kwarto na iyon ang nagsibalikan sa isip ko. Yung mga kamay ni Lando at ang mga mapang-asar na tingin ng mga lalaking pumapasok sa kwarto. Parang nararamdaman ko pa rin yung kirot ng pagtusok ng injection sa iba’t ibang parte ng katawan ko. But most importantly, iyong huling tagpo namin ni Papa. Gusto kong maniwala na nagsisisi talaga siya but I know better.

Ibinaon ko ang mukha ko sa tuhod ko. Umiiyak na naman ako. Afraid and weak. What a pair that makes. Me.

Sa sobrang tahimik, na-pickup ko kaagad ang yabag ng kabayo. At hindi iyon kay Shasta. Mas napayakap ako sa sarili ko, naging alerto sa paligid. Bakit ko ba hinayaan na mag-isa lang ako sa lugar na ito?

Tatayo na ako para umalis pero napatigil nang makita si Migs na nakasakay kay Luna. Bumaba siya at hinaplos ang ulo ng alaga saka naglakad papunta sa akin. Malayo pa siya nang tumigil at inobserbahan ako. Ako naman ay nakatitig sa paa niya, not wanting to meet his eyes.

“Magdidilim na at hindi ka pa umuuwi. Nag-aalala kami sa’yo kaya sinundan na kita. Kung pinatagal ko pa, mabubura na yung marka ng paa ni Shasta sa putik.” Umupo siya sa gitna at hinintay lang akong sumagot.

Noon ko lang din na-realize na hindi ko alam kung paano bumalik. After a few minutes, bumulong ako, “Akala ko maliligaw na ako.”

“Buti na lang lagi kitang natatagpuan.”

Hinayaan kong bitin ang sagot niya na iyon dahil ayaw kong sambitin ang gusto ko talagang sabihin. Ayaw kong matagpuan niya ako lalo na sa sitwasyon kong ito. I want him to find me when I am well and truly healed.

Pabalik, doon ko narealize kung gaano kalayo ang narating namin ni Shasta. Ganoon katagal ba akong nag-space out? Paano kung may biglang nakakita sa akin at kinuha na naman ako? I shivered at that thought.

Pagdating sa bahay, binati ako ni Lolo at inanyayahang samahan ko siyang kumain ng dinner. Wala akong appetite pero sinamahan ko siya. Umaalingawngaw pa rin sa isipan ko yung mga sinabi ni Janice. Ang dami niyang sinabi kaya hanggang ngayon hinahabol ko pa ang pagproseso sa mga sinabi niya. Parang sobrang matrabaho ng paggaling. Parang ayaw kong gawin.

Dine-depress ko ang sarili ko sa mga pinag-iisip ko.

Pinagmamasdan ako ni Lolo habang pinaglalaruan ko yung green peas sa plato ko. “Gusto mo ba ng ibang ulam? Magpapaluto ako kay Lita ng kung anong gusto mo.”

“’Wag na, Lo. Wala lang akong gana.” Nang maglakas-loob akong sulyapan siya, nagsisi ako. Nabihag kasi ako ng kalungkutan sa mga mata niya. Ngayon ko lang na-realize na lagi iyong naroon kahit noong mga unang araw ko rito.

Si Lolo ang unang bumitaw sa titig. “Dalawang importanteng tao na sa buhay ko ang nawala, ayaw kong maging pangatlo ka, Apo. Ayokong nakikita kang ganyan. Kung kaya ko lang gawin ang lahat…”

Tila naririnig niya yung mga iniisip ko kanina. Yung pagiging hopeless ko para sa paggaling. Parang may kumurot sa dibdib ko sa sinabi niya. Magkapareho talaga kami ni Lolo. Masyado na kaming maraming pinagdaanang hirap at sakit for it to be second nature. Wala na rin yung mga taong inakala naming makakasama namin ng matagal. Kaming dalawa na lang ang magsusuporta sa isa’t isa. Iiwanan ko pa ba siya?

Ewan ko kung kelan nagkaroon ng soft spot si Lolo sa puso ko. Nandito na siya kaya kung may dahilan pa para ipagpatuloy ko yung mga araw na gumigising ako, siya iyon.

And maybe even Migs.

Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ko iniisip ang future. Pero kung ipagpapatuloy ko ito, kailangan kong isipin iyon kasama ang mga taong maaapektuhan ng mga magiging desisyon ko. Kasama ko si Lolo sa future ko, that’s already given. Si Migs lang ang alanganin.

Alam kong sinabi niya sa akin na tutulungan niya ako pero paano kung abutin ako ng taon bago gumaling? After five years kaya, makakayanan niya pa rin ako? After ten? Paano kung magsawa siyang maghintay sa recovery ko? Paano kung dahil sa pagtulong niya sa akin, siya naman yung mawalan ng sigla sa buhay? Ayaw ko na dahil sa akin, marami siyang ma-miss na importanteng bagay sa buhay niya. Yung mga taong katulad ni Migs yung tipo ng tao na hanggang huli, hindi ka iiwan kahit na siya na yung nalalamangan. Matino pa naman yung pag-iisip ko para iwasang hilahin si Migs sa ganitong klase ng hardships.

Isa pa, kung itutuloy ko talaga ito, I should put myself first.

Namumuo na ang ideya sa isip ko at habang nakukumpara ko ang pros at cons, alam kong ito ang best idea para sa aming lahat.

“Lolo,” pagtawag ko sa kanya.

“Bakit?”

“Gusto ko pong bumalik sa Manila.” 

The Sweetest EscapeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant