Ibinalik ni Aibe ang tingin sa menu. She wasn't the type of person who would try something new. Takot siya roon.

"I'd like to order a strawberry frappuccino and," sandali siyang tumigil para tingnan ang menu ng mga breakfast meal, "waffle na lang with whipped cream and cherries on top."

Mahinang natawa ang lalaki na nakakuha ng atensyon ni Aibe. Hindi niya alam kung may nakakatawa ba sa order niya o ano.

"Strawberry." Nakatitig ito sa kaniya na parang hindi gusto ang narinig. "Wala na bang iba?"

"H-Huh?" utal na sambit ni Aibe.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"Of all flavors, strawberries? Bibigyan na lang kita ng ibang flavor. 'Yung mas masarap," sabi nito.

Medyo walang pakundangan. Pinunasan nito ang bar area.

"Puwede ko bang itanong kung bakit ka ba nakikialam sa order ko?" mahinahong sabi ni Aibe sa lalaki. "'Yun kasi gusto kong order-in. Bakit mo 'ko pinangungunahan?"

Huminga nang malalim ang lalaki at tumigil sa pagpupunas na mataman siyang tinitigan.

"Strawberries are overrated. I can make you something better, something . . . tastier." Ngumiti ang lalaki. "I can sense na takot kang sumubok ng flavors. There's twenty on that menu."

Hindi makapaniwala si Aibe dahil iyon ang unang beses na maka-encounter siya ng pakialamerong barista.

"Customer ako, so dapat ako ang masusunod, 'di ba?" Nanatiling mahinahon si Aibe.

"Of course, ma'am. I was just suggesting. Minsan kasi walang mali sa pag-explore sa bagay na hindi tayo pamilyar. Sayang ang time, sayang ang chance." Ngumiti ito at huminto sa harapan niya. "May I take your orders, ma'am?"

Sandaling natigilan si Aibe dahil sa sinabi ng lalaki.

Nasa bakasyon siya for a reason—para mag-explore, para sumubok ng mga bagay na hindi pamilyar sa kaniya, at para ibahin ang nakasanayan.

"What if," kinagat ni niya ang ibabang labi habang nag-iisip, "what if mag-suggest ka ng something na pangmalakasan?"

Ngumiti ang lalaki, medyo nakaloloko iyon, pero hindi nakaaasiwa. "Gusto mo ba 'yung kaya kang ipaglaban para maharap ang kinabukasan?"

"Ang lalim. Gusto ko lang naman kumain, Kuyang Barista. Bakit naman may hugot?" natatawang sabi ni Aibe.

Tumawa ang lalaki at naningkit ang mga mata nitong ngumiti. "Okay. Mamili ka ng breakfast meal, ako mamimili ng drink. Tingin po ninyo, ma'am? Coffee-based?"

"Ay, ayaw ko kasing tinatawag akong ma'am, Kuya Barista. Nakakailang po," nahihiyang sabi ni Aibe. "Waffle na lang po na merong whipped cream at saka cherries and yes, coffee-based na lang po."

"Sure, anything else, ma—" Tumigil ito. "Ano po ang name na ilalagay ko sa cup?"

Ipinalibot muna ni Aibe ang tingin sa coffee shop. Kakaunti lang ang tao. Inisip niya bigla kung tulad ba niya ang mga ito na nagpunta sa isla dahil malungkot?

"Ma'am?" pagkuha ng lalaki sa atensyon niya.

"Aibe."

Ngumiti ang lalaking may pangalang Uno sa name tag at bahagyang yumukod.

Nagbayad na si Aibe bago naghanap ng bakanteng upuan na sofa para magbasa ng magazines.

Maganda ang signal sa area kaya ang iba ay mukhang nagtatrabaho. Bigla niyang naisip na malamang kung dala niya ang sariling laptop, siya mismo ay magtatrabaho kaysa mag-enjoy.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now