12: Round Two! ding! ding! ding!

Start from the beginning
                                    

"Dianne sino siya?" tanong sakin ni Jeff na akala mo naman boyfriend na nahuling may iba yung girlfriend niya. Hindi niya ako girlfriend!! Feeling ah

"Jeff this is Dave, Dave si Jeff, ayan now you know each other, so can I go now?" patay malisyang sabi ko. Wala akong balak magpaka-stress sa gusto nilang mangyari kaya gorabels na sana ang beauty ko.

Jeff held my arm. "Teka muna Dianne, akala ko ba MU na tayo?" hinila ko yung braso ko dahil nakakairita siya pero ayaw niya akong bitawan. Ayaw niya siguro ng napapahiya kahit siya naman ang nagsimula ng kahihiyan niya.

At kailangang gumagawa siya ng eksena sa harap ng marming tao? Hanu ba yen?

"Teka pre, MU ka lang pala, maka kapit ka naman" natatawa pang awat ni Dave kay Jeff, ginagatungan pa yata lalo yung galit ni Jeff. Saka lang inalis ni Jeff yung kamay niya sakin.

"Bakit ano ka ba ni Dianne?!" galit na tanong ni Jeff kay Dave. Napatingin din ako kay Dave, kinda expecting din kasi akong may sasabihin siyang dramatic para iligtas ako hahahahahaha

Nakipagtapatan ng tingin si Dave kay Jeff. He smiled and said

"wala"

wala........ wala........ wala........ wala........

Nagecho nang paulit ulit sakin yung sinabi niya.

WALAAAA?! Hamfu-Tang na orange naman!

Siyet! nadisappoint ako. Takte lang ah kala mo naman totoo. Ang haba na sana ng buhok ko, hindi naman pala siya makiki-pag agawan kay Jeff. Tsk. Kainis!!!!!! Ang sarap tadtarin! Buti nalang wala akong hawak na matalas baka nasaksak ko siya!!!!!! Grrrr!

Umakyat ang dugo sa ulo ko. Gusto ko nang lumayas dahil na-badtrip ako sa ginawa ni Dave for some strange reason. Umasa ako dun ah, bwiset.

Jeff walked away na nakatingin kay Dave. Parang nagbabanta pa kahit wala naman siyang magawa dahil siya lang lalo yung mapapahiya kapag pinatulan niya yung wala naman palang balak makipag-kumpitensya sa kanya. Naiwan kami ni Dave sa hall.

"Grabe naman yung manliligaw mo, talaga bang pinatulan mo yun?" sabi ni Dave.

"That's none of your business, ikaw what're you doing here?" iritang tanong ko

"That is... none of your business" bawi niya sakin habang naka-ngiti, ginagalit niya ako lalo grr!!.

"Sige na aalis na ako't naabala ka dito" He moved away at iniwan nanaman akong nakatingin lang sa kanya.

NAUNA ako kay Dave umuwi. Actually feeling ko maagang maaga yung pag-uwi ko dahil 5 pm palang nasa bahay na ako.

"Mommy!" tumatakbo si Avie galing sa loob papunta sakin. Lagi niyang ginagawa yon tuwing dadating ako.

"Hi baby!" Binuhat ko si Avie. Nakaka-alis talaga ng stress si Avie.

"Mommy namiss ka po ni baby! MMMMWAH!" She kissed and hugged me.

Buhat ko parin si kahit papunta na ako ng room para magbihis. She sat on the bed habang nagbibihis ako.

"Mommy, what's ligaw?" Natigilan ako sa tanong ni Avie. Ha? Dalaga na ba si Avie? May nanliligaw na. Ayieee. Sabagay, she only has her dad at walang magpapaliwanag sa kanya nga mga ganyang bagay.

"Baby, making ligaw is when a boy makes a girl fall in love with him, bakit mo natanong baby? May nanliligaw na ba kay baby?" this is interesting, ang cute pa naman ng puppy love hahahaha Si Avie naman bata pa harot na, mana sa mommy hahaha joke

"Wala po" parang na-shy pa si Avie. "But why is daddy making ligaw to mommy po?" nakatitig si Avie sakin. She's waiting for the answer.

"Who told you that baby?" I need to know kung sino bang nagpasok ng ganyang idea kay Avie.

"Si daddy po" Haaaaaaaaa?! Na-stress nanaman ako.

"Why did daddy tell you that?" I asked her.

"Kasi po he came back this morning po tapos po nagbihis siya, he said he's going to make ligaw po kay mommy" parang kinikilig si Avie.

Ahhh kaya pala he was there. Hmmmm... I smell something fishy. hahahaha

May narinig kaming busina galing sa baba.

"Daddy's home!" Avie pulled my hand and led me downstairs.

Avie ran to him at nagpa-karga. "Hi baby! Hi mommy!" He kissed us both.

Sabay kaming tatlong nagdinner. As usual nag-enumerate si Avie ng mga ginawa niya buong araw. I came with Avie to her room after dinner, ako na yung nagprepare sa kanyang matulog. Naki-sabay pa nga ako sa warm bath niya. I dressed her up and dried her hair. I was expecting na the bath will calm her down pero alive na alive parin si Avie.

"Baby hindi ka parin sleepy? Hindi ka ba napagod kahit marami kang lessons the whole day?" I asked her. Dapat kasi enough sleep para healthy ang baby.

"Mommy I'm just so happy po kasi you're back" she hugged me again.

"Ganun ba baby? Pero kasi baby you have to sleep para may energy ka bukas, do you want me to sleep here with you para may kasama ka?" I told her. Ang totoo ayaw ko lang makita si Dave at ayaw ko siyang makasama na kami lang. Baka kasi mag-follow up na siya dun sa tanong niya. Wala pa kasi akong sagot. Hindi ko pa alam kung papano ako magrereact lalo pa sa nangyari kanina.

"Really mommy?!" Avie's eyes widened, hindi yata maganda lalo yun kung gusto ko na siyang matulog.

"Yes baby kaya matulog na tayo" I laid Avie on the bed saka ako humiga sa tabi niya. Naka smile si Avie habang nakahug sakin. The door opened a few minutes after makatulog si Avie.

"Jan ka matutulog?" nakadungaw sa pinto si Dave.

I pretended to be asleep. I didn't answer. Bahala siya wala ako sa mood makipag tuos sa kanya ngayon.

I felt the door close, akala ko he left kaya bumangon ako. To my horror, he's inside the room and he's watching us pala. Tsk Mission Failed

"Gising ka pala, bakit naman hindi ka sumagot?" I closed my eyes and took a deep breath when he asked. Waley talaga, hindi ko nalang siya papansisin.

I stood up and came into the bathroom para magwee-wee hahaha that's how Avie says that. I find it adorable.

He's waiting outside the bathroom door pag bukas ko ng pinto. Kainis!!!! Hindi ba niya ako tatantanan???

"Dianne naman, bakit ba inis ka sakin? Was it because of Jeff? Hayaan mo na siya, hindi naman kayo bagay, mukha kaya 'yong bangus, sige ka, kapag kayo nagka-anak mag-papagawa ka ng aquarium o di kaya fish pond" natatawang sabi ni Dave. Nainis ako lalo but not because of Jeff. Grrr.. Hindi ba siya makaramdam???

Nilagpasan ko siya. Isa pa talaga papaduguin ko na yung nguso nito.

He held my arm, "Teka naman Dianne, makipag-usap ka naman, ano ba kasing kasalanan ko sayo?" Grrrrr!! Take a hint!!!

"Bakit 'wala' yung sagot mo kanina?" I looked at him. Iritang irita ako sa ngiti niya.

"Oh so that's what all this is about? Wala naman talaga ah? Hindi ka naman mommy ni Avie para sabihin kong ina ka ng anak ko, at mas lalong hindi rin naman kita asawa, liban nalang kung pumapayag ka na palang makipagbalikan sakin para masabi kong girlfriend kita, sana lang sinabi mo ng mas maaga para alam ko" he grinned pa. Grrr! Tumataas ang stress level ko sa lalakeng 'to.

I tried to move away, "Teka nga, walk-out ka ng walk-out, isa pa bubuhatin na kita papunta sa kabilang kwarto and we'll make passionate love until magkaron na ng kapatid si Avie"

"G@&%!" di ko na napigilan sobrang inis na ako sa kanya

He pulled and kissed me. Parang gusto niyang durugin ako, ang diin ng kiss niya. He even bit my lower lip. It was so hard to breathe. Hinihingal din siya when he stopped.

"No swearing inside Avie's room, ang gulo mo naman, you told me ayaw mo ng public na panliligaw, ngayon naman you want me to tell Jeff and the whole nurse's station, what is it that you want Dianne?" hinihingal na sabi niya.

Ano nga bang gusto kong mangyare? Hindi ko naisip yun ah hindi tuloy ako maka imik

"Hindi ako makikumpetensya kay Jeff o sa kung kanino mang may gusto sayo kasi alam ko namang patay na patay ka sakin" He smugged then left the room, nganga nanaman ako at walang bawi sa kanya Grrrr..

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now