SPECIAL CHAPTER Part 1:

Start bij het begin
                                    

Hindi nakasagot si Coach Kawarama sa tanong niya. "Hindi ko kilala ang batang yan. Ang angkan ng mga Sakuragi ay matatagpuan lamang sa Miyagi Prefecture at hindi dito sa Kanagawa."

"Hindi ako sigurado sa mga isasagot sayo kaya may tinawagan akong isang kaibigan na siyang may alam sa lahat kung bakit may nag-iisang SAKURAGI dito sa Kanagawa--- oh nandito na pala siya." Kumaway si Coach Anzai sa isang matanda na kakarating lang.

Nagulat si Coach Kawarama nang makita siya. Siya ba ang tinutukoy na kaibigan ni Coach Anzai.

"Seiryuu? Ikaw?" Napatayo si Coach Kawarama sa gulat.

Kumaway pabalik sa kanila si Seiryuu. "Kamusta?"

"Ang tagal nating hindi nagkita, Ukuda." Coach Anzai

"Mitsuyoshi Anzai, pleased to meet you again." Nagshake hands silang dalawa at umupo sa gilid. Kaya napapagitnaan nila ngayon si Coach Anzai.

"Hoy, Seiryuu Ukuda. Kilala kita, ikaw yung bestfriend ni Kuya Hanarama, tama?" Tanong ni Coach Kawarama.

"Nakakatuwa naman at naalala mo parin ako, Kawarama."

"Hindi kase ako ulyanin tulad ng isa dyan na may puting buhok."

"Ano ka ba, hanggang ngayon ba ay may galit ka parin sa kanya? Matagal na panahon na ang lumipas at halos ilang dekada na. Matanda na tayo at ikaw Kawarama ay isa sa mga successful basketball player sa panahon mo. Hindi parin ba yun sapat?" Tanong ni Seiryuu sa kanya.

"Hindi! Dahil sa tuwing nakikita ko si Anzai naalala ko na naman ang mga kabiguan ni Kuya dahil sa kanya!"

Pumukit si Lolo Seiryuu at hinilot ang ulo saka nagsalita ulit.

"Ang ugali mong yan Kawarama ay kabaliktaran sa ugali ni Hanarama. Hindi ko maintindihan kung bakit mahal na mahal ka ng Kuya mo, mas mahalaga ka kaysa sa kasintahan niya. Dahil, kayong dalawa lang ang magkapatid. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit kasing ugali mo yung Hanamichi Sakuragi'ng nakilala ko noon."

Nagulat si Coach Kawarama sa sinabi niya. "Kilala mo ang batang pulang buhok na yun?"

Nakangiti namang tumango si Lolo Seiryuu. "Oo, nakilala ko siya nung gabi ng pista ng mga bituin. Nung una ko siyang nakita ay napagkamalan ko siyang si Hanarama. Nagalit nga agad yun sakin dahil dun." Natatawang sagot niya.

"S-Sandali lang, Seiryuu. Hindi ko parin maintindihan. Anong koneksyon ni Kuya sa batang Sakuragi'ng yun?"

Sa pagkakataong ito ay pati si Coach Anzai na nasa gitna ay nakinig rin. Huminga ng malalim si Lolo Seiryuu bago sumagot.

"Ang batang Sakuragi na tinatanong mo... Ay ang nag-iisang APO ng namayapa mong kapatid." Sagot niya na ikinanlaki ng mata ni Coach Kawarama.

"A-ano?"

"Oo, tama ang narinig mo. Apo ni Hanarama si Hanamichi. Mahabang panahon na rin ang nakalipas, nung nalaman kong namatay sa heart attack ang Kuya mo ay may nalaman akong may anak din siyang nag-iisang lalake, pero sa kasamaang palad ay hindi ko alam ang kanyang pangalan. May kasintahan din daw ito at sumama paalis ng Miyagi. Hindi ko naman akalain na dito sila sa Kanagawa tumira." Kwento ni Lolo Seiryuu.

"Sabihin mo! Buhay pa ba ang anak ni Kuya? Buhay pa ba ang pamangkin ko?... Saan siya nakatira? Anzai, sagutin mo rin ako!" Sunod-sunod na tanong ni Coach Kawarama.

Umiling si Coach Anzai. "Kahit malaman mo pa kung saan siya nakatira ay hindi mo rin makikita, dahil... Patay na rin ang mga magulang ni Sakuragi." Sagot nito.

"Oo... Ang sabi ni Hanamichi sakin, namatay nag kanyang Ina nung ipinanganak siya at ang kanyang Ama naman ay namatay rin dahil sa heart attack nung siya ay nasa junior high school pa lamang. Sa madaling salita ay mag-isa ngayon sa buhay si Hanamichi... Kawawang bata." Naging malungkot ang mukha ni Lolo Seiryuu.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu