SPECIAL CHAPTER Part 1:

Start from the beginning
                                    

Si Haruko ay sumabay kina Mutsui at Fujii. Nilapitan niya si Hanamichi upang magpaalam.

"Sakuragi, doon ako sa bahay magpapalipas ng gabi. Gusto ko na kaseng makita sina Kuya eh." Paalam niya dito.

Tumango naman si Hanamichi at ngumisi. "Sige lang, myloves. Doon ka muna kay Gori. Mag-iingat kayo ah?"

"Sige, ikaw din. Mag-iingat din kayo!" Kumaway si Haruko pati ang mga kaibigan niya bago umalis.

Ang tanging naiwan na lang ay siya at ang Apat na Ungas.

Sandali lang natahimik.

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mito.

"Tara sa pachinko parlor?" Aya ni Takamiya.

"Hoy taba, kung ilalaro mo yang pera mo baka wala ka nang pamasahe nyan!" Suway ni Ohkusu.

"Patawa ka, malakas ang kutob ko na susuwertihin ako ngayong gabi."

"Lahat naman ng kutob mo kabaliktaran ang mangyayare."

"Sos, minsan na nga lang maglalaro, ipagliliban mo pa. Sige na kase!... Ee ikaw Hanamichi? Ayaw mo rin?"

Napatingin si Hanamichi sa kanya. "Mukhang maganda yan, minsan lang naman eh." Sang-ayong sagot niya. "Eh ikaw Mito?"

Ngumiti si Mito. "Kung saan kayo, sasama na lang din ako. Ganyan naman lagi eh, walang exempted."

"TARA NA!!"

Naglakad na nga sila patungo sa pupuntahan nila. Habang nasa daan ay puno ng kalokohan ang kanilang mga pag-uusap. May asaran at minsan nakairitahan pa. Hanggang sa nadaanan nila ang isang resto na para sa mga matandang nag-iinuman.

Napahinto bigla si Hanamichi na ikinabunggo ng Apat na Ungas sa kanya.

*BLAG!*

"Ano ba Hanamichi! Baket bigla kang huminto?!" Sigaw ni Ohkusu sa kanya sa sobrang inis.

Tinuro ni Hanamichi ang resto. "Tingnan niyo, si tatang yun diba?"

Napatingin din ang apat na ungas sa mga tao sa loob ng resto at nakita nila ang tinutukoy ni Hanamichi.

"Oo nga nohh... Si Coach Anzai nga yan!" Sagot ni Mito.

"Teka... Sino naman yung matandang pulang buhok na kasama niya?" Tanong din ni Takamiya.

"Ewan ko, pero pamilyar siya." Ohkusu

"Imposible namang Coach yan ng Akita?" Hula din ni Noma na agad ikinatingin ni Hanamichi sa kanya. "Imposible nga diba?" Sabi ulit nito.

Sa loob ng resto ay magkatabing nakaupo si Coach Anzai at Coach Kawarama. Hindi parin maalis sa mukha ni Coach Kawarama ang inis niya kay Coach Anzai.

"Inimbitahan mo akong makipag-inuman dito. Alam mo namang matanda na ako at hindi na umiinom ng alak." Pambabasag ni Coach Anzai sa katahimikan.

"Hoy, Anzai. Kahit isa ka nang matabang baboy ay akala mo ba nakalimutan kita?" Tanong ni Coach Kawarama sa kaniya.

Ngumiti naman si Coach Anzai. "Aba nakakatuwa. Hindi mo pa pala ako nakakalimutan?"

"Tumigil ka, wag mong ibahin ang tono. May mga katanungan lang ako sayo na kailangan mong sagutin."

"Mag tanong kalang." Sagot ni Coach Anzai saka humigop ng tsaa.

Inubos ni Coach Kawarama ang basong beer bago sumagot. "Paano naging malapit sayo si Hanamichi Sakuragi? Alam mo naman na mainit ang dugo ng mga Sakuragi sayo." Tanong niya.

Tiningnan siya ni Coach Anzai saka nagtanong pabalik. "Bakit hindi mo kilala si Hanamichi Sakuragi? Gayong pareho lang naman kayo nagmula sa iisang pamilya?"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now