#24.Merge of Heiress

5.4K 161 0
                                    

Sophie's Pov

Biglaan kaming pinatawag ng magulang ko at ng magulang ni hubby^^,

Bakit kaya?Ano kayang kailangan nila?

"X-DEAOUL GANG..."napatayo kami sa nagsalita..nakakatakot...napakaformal at wala kang mababakas na emosyon sa mga mata niya...

Yan ang kinatatakutang Head Boss sa Mafia nila..

Si Sir Ian ....

Ian Kizume ang aking ama.

"Yow sis!"yan naman si Trez Kizume ang nakakatanda kong kapatid. 20 years old na yan pero makulit at parang isip bata pa rin.

"Hoy Tanda!Umayos ka nga!"Saway sakanya ni Aeniere Kizume ang sumunod kay kuya,bunso kasi ako.19 na siya pero kung titignan mas matured pa kay kuya yan.

"Mag si-upo na tayo."maawtoridad na sabi ng ama ko.

"Sophie.."nakaramdam ako ng takot.. "A-ama."hindi ko mapigilang hindi manginig ang boses ko.

"Ikaw naman Ian...Masiyado mong tinatakot ang anak mo."biglang lumabas ang isang may kaedaran na babae pero hindi naging sagabal iyon dahil ang ganda ganda niya pa rin.

Siya si Sora Primo-Kizume ang asawa ni Ian Kizume,ang ina namin.

"Ma!"bakas sa tono ko ang excited ng pagkakakita sakanya.Kaagad niya akong hinagkan at hinalikan sa pisngi.

Nawala ang tensyong kanina pa namumuo dahil sa mama ko.

Miyembro rin siya ng mafia..Pamilyang mafia kami eh^^,

Binansagan si mama na pussycat...

Maamong pusa kung tawagin pero  kung magalit ito mas masahol pa sa tigre ang makikita mo.

Si Kuya Trez naman...Ang lalaking binansagang shadow...

Anino kung iyong tawagin ngunit sa isang kurap ikaw ay kanyang dadalhin sa kadiliman kung saan siya ay doon naghahari.

At si Aeniere naman...The EYE..

Binansagan siyang ganun dahil bawat galaw at kilos ng kalaban ay madali niya itong nalalaman at walang nakakalampas sakanya.

"Hindi lingid sainyong kaalaman na  ang Kizume Mafia at ang Fujhiwara Mafia ay matagal ng nagsanib simula ng malaman na isisilang ang dalawang batang iyon..."kami ni calex at tinutukoy ni ama."...at ngayon ito na ang takdang oras para ang dalawang iyon ay magsanib na rin...Ilalabas na namin kayo sa mundo ng mga mafia sa loob ng isang linggo...at ang piging na iyon ang tanda ng MERGE OF HEIRESS."madiin na sabi ni ama.

Shet!Ito na nga ang araw na hinihintay nila...well hindi ako...kuntento na ako sa pagiging gangster ko pero wala naman akong magagawa eh.

"Habang hindi pa kayo naipapakilala mag-iingat kayo dahip gumagawa na ng hakbang ang mga kalaban natin para mabulilyaso ang pagmemerge na magaganap."sabi ni mama na prenteng-prenteng nakaupo sa long table.

"Mainit na ang usapang ito sa underground society kaya sabik na silang makita ang dalawang mafia clan na tuluyan ng magsanib puwersa."sabi ni tito caine...

Ang Father-in-law ko at papa ni Calex.

Siya si Cain Fujhiwara.Nakakatakot din yan pero mas mabait naman siya kaysa sa ama ko.

"Hoo!Intense masiyado..diba Sora?"nakangitimg tanong ni Tita Alex ang Mother-in-law ko ang mama ni calex.

Alex Vana-Fujhiwara.Ang Fallen Angel ng Fujhiwara mafia clan.Maamong mukha ngunit sa likod nito ang isang demonyong nagbabalat-kayong anghel kapag ito ay nagalit kaya siya binansagang Fallen Angel.

Nakita ko namang nakasandal lang sa wall si Gildon Fujhiwara ang nakakatandang kapatid ni calex.20 years old na siya.

Siya naman ang binansagang Sniper wala pang mintis at palpak ang mga misyon niya.Napakabihasa niya sa mga baril kaya naman wala siyang pinaliligtas na target hindi niya ito tatantanan hanggang hindi niya nagagawa ang dapat niyang gawin dito.

"Iyon lang ang meeting na ito."sabi ni ama at lumabas na sa conference room at sumunod na ang pamilya ko.

Merge Of Heiress? Sigurado akong malaking gulo ang papasukin namin nito pero kami ang X-DEAOUL GANG.

★★★★★★★★★★★★★★★★★

Merge Of Heiress?

May kinalaman ba ito sa Sinasabi ni Bobbin at Seij?

My Fiance Since Birth ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon