#4. LOOK WHAT I FOUND HERE

9K 278 7
                                    

Sophie's Pov

Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin sa baga kapag hindi ko pa iniwas ang tingin ko sakanila kaya naman napaiwas ako ng tingin at pinilit kong magsalita para hindi nila malaman na naaapektuhan ako dito.

"Look what I found here."peke akong ngumiti sakanilang dalawa.

Nagsmirked lang si Pamela saakin. Atleast ikaw isa ka lang namang malanding iniwang babae ni Calex na hanggang ngayon hindi pa rin makamove-on move-on. Eh Ako? Ako ang fianceè niya!

I just stared at her blankly. Walang emosyong mababakas sa mukha ko magaling ako sa ganitong bagay ang magtago ng nararamdaman ko para sa isang tao.

"Calex! Walanghiya 'to! Hindi man lang nagsama."umupo si Cedric sa stood chair dito at umorder na ng maiinom.

"Pamela, get out!"utos ni Luke.

"But--"hindi na nakahirit si Pamela ng biglang pagbantaan siya ni Ren.

"Aalis ka o aalis ka?"masamang titig sakanya ni Ren. Kahit ako kinilabutan sa titig ni Ren eh. Hindi naman madalas magalit yan kaya kapag nagalit na siya talagang matatakot ka.

"Fine!"padabog siyang umalis sa harapan namin at nakita ko pang lumabas siya ng bar ng nakasimangot parang natalo sa pustahan.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong saakin ni Calex kaya nawala kay Pamela na paalis ang atensyon ko at nabaling sakanya.

"Wala. Hinatid ko lang sila Z."tinignan ko sila si Z. "Sige una na ko."paalam ko at aalis na sana ako ng bar ng bigla akong hawakan at hinila pabalik ni Calex, napansandal tuloy ako sa dibdib niya.

"Iyon lang ba talaga, Sophie?"para siyang batang nanghihingi ng candy.

"O-oo naman. Ano bang iniisip mo?"tanong ko tapos tinanggal ko iyong pagkakahawak niya sa braso ko.

"Akala ko kasi andito ka..."he lick his lips."dahil nag-aalala ka para saakin."nakangiti niyang sabi pero hindi man lang ito nagtagal, naglaho agad iyon.

I want that smile to stay longer!

"Uuwi na ako."pag-iiba ko ng topic. Umiling ako.

"Hatid na kita."sabi niya.

"Huh? Nakainom ka diba?"tanong ko.

"Hindi. Konti lang hindi naman ako madaling tamaan alam mo yan, Sophie."seryoso niyang sagot saakin.

"S-sige."tumango ako.

He smile a bit at nilingon ang mga kaibigan namin.

"Aalis na kayo?"tanong ni Luke saamin.

"Yes."si Calex ang sumagot."Order whatever you want. I'll pay."

"Sige! Ingat!"Cedric grinned at us.

Hindi na sumagot si Calex at hinarap na ako.

"Let's go?"ipinulupot niya ang kamay sa baywang ko at nagsimula na kaming maglakad palabas sa bar.

"Bakit ka sumunod sa sm?"tanong ko ng makasakay na kami sa sasakyan niya.

"Wala."tipid niyang sagot at umiling saakin.

"Bakit ka umalis nung nakita mo kami ni Xzanz?"tanong ko pa. Naguguluhan ako.

Hindi siya sumagot at nakaconcentrate lang siya sa pagmamaneho.

"Ah..oo nga pala nakauwi na siya kanina lang. Nakita mo naman siya kaninang umaga diba?"tanong ko at tumango lang siya.

Buong biyahe namin tahimik lang siya.

Hindi niya ako inaaway o kung ano. What's with his silent treatment? Ano nanaman ba ang problema niya?

Papasok na ako ng kwarto ng bigla siyang magsalita kaya napatigil ako.

"May laban bukas kaya siguraduhin mong wala kang balak makipagdate kung kanino."padabog niyang sinarado iyong pinto ng kwarto niya, kaharap ko lang kasi iyong kwarto niya eh.

Ano bang meron sakanya ngayon at ganyan siya?Don't tell me may pms siya?

Kahit gustuhin kong makatulog ay hindi ako dinadalaw ng antok. Naisipan kong bumaba at kumain.

Nagulat ako dahil nakita ko doon si Calex sa kusina.

Umiinom sa tasa. Don't tell me nagkakape siya?

"Ano yan?"kunot-noong tanong ko.

"Coffee."kaswal na sagot niya at ibinaling ang tingin sa kapeng iniinom.

"Coffee? Nang ganitong oras?"mas lalong kumunot ang noo ko."Wala kang balak matulog?"I asked him.

"I can't sleep."

"Paano ka nga naman makakatulog kung kape ang iniinom mo. Stupid."hindi ko mapigilan ang magtaray at irapan siya bago nagtungo sa ref at kumuha ng ice cream.

Samantalang siya ay pinapanuod lang ako sa kung anong gagawin ko. Umiling na lang ako at kumuha ng kutsara pagkatapos naupo sa tabi niya.

"Hindi din ako makatulog. Iniisip ko pa kasi kung bakit ka pumunta doon sa Sm tapos hindi ka nagpakita saakin? Is that something important? Kung importante sana ay kinausap mo ko agad. What is it?"

"It's not that important. I don't want to ruin your date."he shooked his head.

"Date? It's not what you think."umiling ako. Sumubo ako ng ice cream."Nilibre niya lang ako. Sayang naman iyong libre."I chuckled.

"So if I ask you on a date and I said it's on me will you say yes?"he asked.

Natigil ako sa pagsubo ng ice cream at medyo gulat na napatitig sakanya.

OF COURSE I'LL SAY YES! I'D NEVER EXPERIENCE A DATE WITH HIM!

I mean iyong hindi kami pinilit ng magulang namin na magdate.

Iyong parehas naming gusto at sinang-ayunan.

I wonder what it feels like to have a date with him. I always dream to have a date with him! Iniisip ko kung ano bang pakiramdam kung si Calex ang kadate ko.

"Of cours!"hindi ko mapigilan ang excitement sa tono ko. Huli na ng mapagtanto ko ang naging kilos ko.

I automatically laugh shyly and shooked my head pagkatapos nagfocus na sa pagkain ng ice cream.

That's so stupid, Sophie! Ano ngayon ang gagawin mo pag inasar ka niyan? Baka mamaya ay makahalata siya! You don't want to lose on this fight, are you?

"Then we'll date some other time. Pupuntahan natin ang lahat ng gusto mong puntahan."ngumiti siya saakin at marahang ginulo ang buhok ko.

Parang natulala pa ako sa ginawa niya.

"S-sige."napanguso ako at nag-iwas ng tingin sakanya.

He's making my heart beat damn fast. Fuck!

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Hoping he won't hear it.

"Mauubos mo ba yan?"tanong niya at ang tinutukoy ay ang ice cream.

Bumaba ang tingin ko doon."H-hindi. Gusto mo?"wala sa sariling alok ko sakanya.

"Sige."kinuha niya ang kutsarang hawak ko at kumuha ng ice cream pagkatapos isinubo iyon sa bibig niya ng hindi inaalis ang tingin saakin.

Wala sa sariling napalunok ako. I wonder what the ice cream taste in his lips?

My Fiance Since Birth ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon