#16.Long Weekends

6.5K 217 0
                                    

Sophie's Pov

In-excuse muna kami nila mommy at tita Alex sa dean sinabing hindi muna kami makakapasok dahil sa nangyare. Madali namang napapayag nila mommy ang dean. Si Lacey naman ay pumasok na para daw kapag may lesson siya na lang ang magsasabi saamin wala naman siyang sugat na natamo sa pagkidnapped saamin maliban na lang nuong sinubukan niyang tumakas nuong inilagay kami sa isang silid. Pero ang gang ko ang nabugbog ng husto sa nangyare. Gusto ko na nga ding pumasok e ang kaso gusto ni Calex na kasama ako at kung hindi ko siya pagbibigyan ay magpipilit siyang pumasok kahit na hindi pa kaya ng katawan niya. Sa kanilang lahat siya ang pinaka napuruhan. Mukhang siya talaga ang puntirya ng kalaban at hindi naman nakakapagtaka iyon dahil siya ang leader namin.

Andito kami sa hide out ng gang. Lahat sila ay nagpapahinga at nagpapagaling.

"Pizza!"masayang sigaw ni Ren ng dumating na ang pinadeliver na pizza.

Nilingon ko ang banda nila at napailing.

Kaagad na tumayo si Luke at kumuha ng pizza, si Cedric naman dedma lang dahil busy makipagtext at si Calex wala dito sa baba dahil nasa taas at natutulog. Si Z naman ayun nakapikit at nakasandal sa backrest siguro ay natutulog din.

At ako...eto nanunuod ng t.v. Muli kong binalik ang atensyon sa pinapanuod.

"Anong balak natin ngayon?"tanong ni Luke pagkatapos kumuha ng pizza at bumalik sa sofa.

"Yeah. This will be a long weekends and it will be a boredom if we'll be stuck here."sabi ko sabay tayo at lapit sa lamesa para kumuha ng pizza.

Napakunot ako ng makita ang box ng pizza. Pepperoni na tadtad ng cheese?

"CALEX, YONG FAVORITE MONG PIZZA!"sigaw ko.

Ilang sandali lang ay bumaba na si Calex na halatang bagong gising. Naglakad siya patungo sa lamesa at nanguha ng pizza.

Pagkatapos ay naupo siya sa tabi ko ng nakasimangot."Bakit?"tanong ko sakanya at inilapit ang mukha ko sakanya.

"I told you to call me hubby."nakasimangot niyang sagot.

Napangiwi naman ako dahil sa sinagot niya. Akala ko naman kung ano na!

"Also I had a bad dream."he snickered.

Kumunot ang noo ko."At ano naman iyon?"

"Don't mind it."sabay subo ng buo sa pizza. Nang makain na niya ang hawak na pizza ay tinignan niya ang pizza na hawak ko kalahati palang ang nababawas doon pagkatapos maya-maya lang ay kinain niya din iyon.

"And wifey mom wants to go us there at our resort."Calex said after he's done chewing the food and pulled me closer to him.

"Kailan?"tanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang pagyakap niya saakin.

"Tomorrow?"patanong niyang sagot.

"Tomorrow?"ulit ko.

Tumango siya.

"PARA KAYONG PIZZA?"hirit bigla ni Luke kaya napabaling kami sakanya.

"Huh bakit?"tanong naman ni Cedric na nagtataka. Siguro nagulat sa biglang pagsigaw ni Luke.

"Hindi ikaw sila Death.."nagsmirk lang si Luke kay Cedric.

"Fuck you."Cedric cussed.

"No thank you. Hindi tayo talo."iling ni Luke.

At bago pa sila magkainitan ay sumingit na ako."Oh bakit, Luke?"tanong ko dito.

Nilingon niya ako."KASI OVERLOAD KAYO SA KILIGNESS!"he grinned.

Ilang segundong katahimikan ang namayani.

"Tawa tayo baka malugi."nang-aasar na sabi ni Cedric.

"Tss."Calex snorted. Mukhang hindi naman natuwa si Calex sa sinabing iyon ni Luke kaya kinakabahang napalunok si Luke habang nakatitig kay Calex.

"If you say things like that I'm going to kill you, Luke."malamig na sabi ni Calex.

"W-What? I-it's just a..."

"Shut up."muli siyang nilingon ni Calex.

"Sabi ko nga e."takot na napaiwas ng tingin si Luke kay Calex.

"Don't be so kj, Calex. Ayos naman ang pick up lines ni Luke hindi nga lang benta saatin."I said.

"I don't care."kibit-balikat na sabi niya."I'll go back to sleep."tumayo na siya.

"All of you...keep your fucking mouth shut. Kapag nagising ako ulit dahil sa kaingayan niyo maghanda kayo para sa training."Calex smirked at them.

Nagkatinginan naman silang lahat maliban kay Z na natutulog pa din.

"And you,"sabay turo saakin."Sumama ka saakin sa taas."sabay hila saakin patayo.

"A-Ano? Ayoko nga! Ang ganda-ganda ng pinapanuod ko e."nakasimangot na angal ko.

"I have to sleep to gain my strength, Sophie. And I can't sleep well knowing you're here downstairs. I can't let you out of my sight again, wifey."he sighed, tiredly.

"F-Fine."

Bago pa kami tuluyang makaakyat sa taas narinig ko si Luke na nagsalita.

"Hindi ba si Sophie naman ang may kasalanan kung bakit nagising si lead? Bakit tayo ang paparusahan?"he mumbled.

"Hindi ka pa sanay?"si Cedric.

At tuluyan na kaming nakaakyat sa taas.

Humiga na si Calex sa kama at hindi na nagsalita.

Tulog na siya agad? He must be really tired then.

"Calex..."I called him but I got no response.

Tulog na nga.

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Where do you think you're going?"he asked, in his husky voice."Don't go anywhere..."he yawned."without me."

Hindi ko alam kung bakit may bigla akong kakaibang naramdaman pagkasabi niya nun. Sa huli nagdesisyon ako na tumabi na sakanya at matulog.

Nagising ako na magkayakap kami ni Calex.

Muntik na akong mapasigaw sa pagkabigla pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha ni Calex na mahimbing na natutulog.

He looks so innocent when he's sleeping. Ang amo-amo ng mukha at ang gwapo-gwapo.

Sayang lang dahil ang sungit naman nito pag gising.

But still...noong hinayaan niyang bugbugin siya ng gang na iyon at hindi siya lumaban dahil alam niya pag ginawa niya iyon mapapahamak ako. Kung tutuusin kayang-kaya niyang patumbahin ang mga iyon pero dahil saakin kaya hindi niya ginawa.

Inilapit ko ang mukha ko sakanya at bumulong."Thank you, hubby. I didn't know you care for me that much that you are willing to risk yourself for me. Pero ayokong mamatay ka. Kaya mangako ka na hindi ka mamatay."napangiti ako dahil parang tanga akong nagsasalita dito at tulog ang kausap.

Sa huli ay pumikit ako at mabilis na inilapat ang labi ko sa labi niya.

My Fiance Since Birth ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon