#18. Night Swimming

7.6K 200 6
                                    

Sophie's Pov

"Guys laro tayo!"pag-aaya ko sakanila para hindi naman maboring ang unang gabi namin sa beach resort na ito. Minsan lang ito kaya dapat sulitin na namin.

"Isip bata!"Luke murmured.

"Spin the bottle!"tuwang-tuwang anunsyo ko sakanila.

"Fine."pagpayag ni Calex. Pumayag si Calex kaya sumali na din silang lahat.

"Alam niyo naman na siguro iyon diba?"tanong ko sakanila.

Tumango naman silang lahat. Pumalibot kami sa gitna ng bottle tapos sinimulan ko ng i-spin iyon at tumapat iyon kay Cedric.

"Ako ang magtatanong ako nagpaikot eh."sabi ko at tumango naman si Cedric.

"Truth or Dare?"nakangising tanong ko sakanya.

"Dare."bored na sagot niya.

Hmm...

Ano ba puwedeng ipagawa sa babaero na to?

Napalingon ako sa gilid at may nakita akong grupo ng mga kalalakihan tapos may mga kasamang babae. Napangisi ako sa naisip.

ALAM KO NA!

"Pumunta ka doon."utos ko sabay turo doon kabilang grupo iyong nasa gilid.

"EASY PEASY!"mayabang na sabi ni Cedric at tumayo na naghahanda na.

"But the twist is..."I trailed off."Kakanta ka ng wink milk at kikindatan mo iyong lalaki na nakagray shirt."nang hindi ko na mapigil ang taw ko ay humagalpak na ako.

Samantalang nanlulumo namang tumingin saakinbl si Cedric at binigyan ako ng what-seriously-look.

Tumango ako at sinagot siya ng yeah-go-look.

"Paano pag di ko ginawa?"tanong niya na parang badtrip na sabay lingon sa kabilang grupo.

"May punishment."sagot ko.

"Ano?"asked.

Mukhang ayos lang sakanya tanggapin ang punishment kaysa gawin ang dare na pinapagawa ko sakanya.

Fine! You leave me no choice, Cedric.

"Well simple lang."I smiled sweetly at him."Hahalikan mo iyong nakagray shirt na lalaki."wala kang kawala ngayon, Cedric. Mamili ka.

"Bully ka talaga!c"hindi na napigilang komento ni Luke at halos mamatay na sa kakatawa.

"Damn it."Cedric gritted his teeth. Seryoso ang mukha at parang talagang pinag-iisipan ang dare."Fine! I'll go with the dare."masama sa loob na pagpayag niya.

"Good choice kaysa halikan mo iyon."nakangiwi na komento ni Ren.

"Shut up!"asik ni Cedric. At galit na naglakad papunta sa kabilang grupo habang kami naman ay nanunuod at nag-aabang sa gagawin niya.

Halatang nagulat at natigilan iyong kabilang grupo ng huminto si Cedric sa tapat nila.

"Winner ka sa wink~wink milk!Winner ka sa wink~wink milk!"tapos nagwink siya sa gray na shirt.

Kami naman ay humagalpak ng tawa pagkatapos niyang gawin iyon.

Nakatanga pa rin iyong mga lalaki pati na ang mga babae at parang hindi pa nakakamove on.

"Ay! Anong nangyare? Gwapo pa naman."sabi nung isang babae na unang nakabawe sa nangyare.

"Sayang type ko pa naman."naiiling naman na sabi nung katabi niyang babae.

"Ahahahahaha! Tol type ka ni koyang maskulado."iyong lalaking nakawhite sabay tapik sa balikat ng nakagray.

"BOBO MO PRE! BAKLANG MASKOLADO DAPAT!"sabad naman ng isa.

My Fiance Since Birth ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon