#8. Accidentally Date (Part 2)

9.2K 283 4
                                    

Sophie's Pov

Katatapos lang namin manuod sa sinehan ng Maleficent. Ayaw niya ngang manuod nun eh pinilit ko lang. Natawa ako ng maalala iyon at ang itsura niya. Si Calex kasi hindi yan maromantic na tao, wala nga yata yang sweet bones eh.

"Lead? Oh si Uno oh!"tawag ni Luke.

Anong ginagawa naman nila dito? Galing talagang tumaming ng destiny ah!

"Wazzup, Lead!"cool na cool na tanong ni Cedric kay Calex habang may dalawang babaeng nakapulupot sakanya at kulang na lang hubaran nila ang isa't isa.

"Woah? nagdadate kayo?"gulat na saad ni Luke.

"Hindi aatend ng burol mo, Luke!"sabad ko at inirapan siya.

Gagawin niya pang awkward ang lahat e okay na nga!

"Hindi nga?nagdadate ba kayo?"ulit niya pa. Walang balak tumigil. Kung suntukin ko na lang kaya para tulog na edi wala na akong problema?

"Nope. Accidentally Date puwede pa."sagot ko.

"Oh tara sa club house namin."pag-aaya ni Z.

"Tara!"sigaw nilang lahat except sakin at kay Calex.

Nagkatinginan kaming dalawa pero mabilis ding umiwas ng tingin sa isa't isa.

Andito kami sa Club House ni Z. As usual girls here, girls there, boys here, boys there. People everywhere!

"I'm just gonna go to the restroom. Excuse me."pagkatapos kong magpaalam sakanila dumiretso na ako sa Restroom.

Calex's Pov

"I'm just gonna go to the restroom. Excuse me."Paalam niya at saka tuluyan ng umalis. Pinanuod ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Lead, dumadamoves ka na ah?"pang-aasar ni Cedric. Binalingan ko siya at pinanliitan siya ng mata.

"Gago! Shut up!"I snapped.

Muli kong nilingon kung saan dumaan si Sophie.

"Wag kang matakot, Cal? Magtapat ka na lang, Cal kung hindi ka niya talaga gusto edi buntisin mo para wala na talaga siyang takas."umiling-iling lang si Luke.

"Gago ka talaga, Luke ang mga babae nirerespeto!"sigaw ni Ren.

"Ulol! Ikaw nga kunyareng nerd pero pag labas ng school isang wild animal!"sigaw pabalik ni Luke sa kakambal niya.

Napailing na lang ako sakanilang dalawa. Full of bunch of morons.

"Isa pa lang ang natitikman ko eh ikaw?"pagmamayabang ni Ren.

"Putcha! Hoy si Cedric ang marami ng natikman noh? Iba't ibang putahe pa nga eh."sabay turo ni Luke kay Cedric na busy sa pakikipaghalikan sa mga babaeng kasama niya ngayon. Gross.

Bakit pa kasi pumayag akong sumama kami ni Sophie sakanila? Dapat ngayon ay nasosolo ko siya.

"Hoy! Mga siraulo at talagang dinamay niyo pa ako, huh?"binato ni Cedric sila Luke ng tissue na nasa lamesa pero dahil sa magaan lang iyon eh wala hindi naabutan sila Luke dahil hinangin lang ito at bumagsak sa sahig.

"Pero, Lead Sophie is a treasure, she wants to feel that she's precious and worth a diamond and you need to show how important she is for you nang sagayon ay hindi siya maagaw ni Xzanz."seryosong sabi ni Ren.

Si Z naman ay sumusulyap-sulyap lang saamin habang umiiling-iling.

Yeah, I know. Hopeless na ang mga kaibigan namin. Hindi na ako magtataka kung balang araw sa mental na namin sila makikita.

My Fiance Since Birth ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon