"Pwede pautang?"

Agad napadilat si Herai sa sinabi niya. "What the hell?!!"

Pero tumawa lang si Muzaka at napakamot sa ulo. "Oo, hahaha. Yun talaga ang gusto kong pag-usapan natin. Nawala ko kase yung pitaka ko kaya yung financial gift ko para kay Yuki wala na rin."

"Seryoso ka?!!"

"Oo nga, baka may pera ka dyan. Pahiram naman, babayaran naman kita eh." Muzaka

Nang matapos ang okasyon ay nagsiuwian na sila. Base sa pangkat ng kuponan ang pagsabay nila. Ang Toyotsu Team at Akita ay sabay umuwi habang ang Tokyo at Kanagawa ay ganun din.

Samantala si Hanamichi at Haruko ay sabay na naglakad. Nasa pinakadulo sila ng linya habang sa harapan nila ay nandoon ang dating Shohoku Team, Ryonan, Shoyo at Kainan.

"Sakuragi..." Pukaw ni Haruko sa katahimikan.

"Hmm?" Sagot niya.

"Isang buwan na lang gagraduate na ang mga 4th years natin at babyahe na tayo palabas ng bansa para maglaro sa Intercollegiate. Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Haruko sa kanya.

Sasagot sana si Hanamichi ng HINDI, pero mas pinili niyang sumagot ng totoo.

"Sa totoo lang, Haruko. Kinakabahan... At nakakanerbyos. Kung muntik na kaming matalo laban sa Akita baka posible na yun sa Intercollegiate. Hindi natin alam kung gaano kagaling ang kuponan mula sa ibang bansa." Sagot ni Hanamichi sa kanya.

"Wag kang mag-isip ng ganyan, Sakuragi... Isipin mo. Dahil sayo ay nanalo ang Team natin at nahiranh bilang numero unong kuponan sa College Matches. Maraming nang mabibigat na training ang pinagdaanan mo at bilang bunga ng sikap at tiyaga mo sa walang tigil na pagtraining at pagpapahalaga sa kapwa mo manlalaro ay nahirang ka bilang MVP. Kaya, palagi kang mag-isip ng positibong bagay." Ngumiti si Haruko sa kanya.

Ngumiti din si Hanamichi at hinawakan ang kamay niya.

"Ehem."

Agad silang napatingin sa tumikhim.

"Gori..." Sabi ni Hanamichi habang hindi parin binibitawan ang kamay ni Haruko.

"Kuya." Haruko

Lumapit si Akagi at kinuwelyuhan si Hanamichi.

"Whaaaaaaahhh gori!!!" napasigaw si Hanamichi sa ginawa niya.

"Kuya!" Napatakip ng bibig si Haruko.

"Ikaw... Gunggong. Eto lang ang sasabihin ko sayo. Sa oras na saktan mo ang damdamin ng aking mahal na kapatid. Ospital ang aabutin mo sakin, malinaw ba sayo ha, Sakuragi?" Banta ni Akagi sa kanya.

Natigilan si Hanamichi sa sinabi niya. "K-Kung ganun gori... Tinatanggap mo na ako para kay Haruko?"

Binitawan ni Akagi si Hanamichi at huminga ng malalim. Umiwas siya ng tingin sa dalawa na parang nahihiya.

"M-masyado pa kaseng bata si Haruko. Kaya, ayokong maranasan niya ang masaktan nang dahil lang sa pagmamahal. At, medyo may tiwala naman ako sayo, Sakuragi. Alam kong, simula pa sa unang taon mo sa high school ay may gusto ka na kay Haruko. Kaya..." Tiningnan ulit ni Akagi si Hanamichi at tinapik ang balikat nito. "Ingatan mo ang kapatid ko." Sabi niya.

Napaluha si Haruko dahil sa tuwa. Si Hanamichi naman ay nagulat pero napalitan agad yun ng ngiti.

"Oo, Gori. Iingatan ko si Haruko. Pinapangako ko yan. Mamahalin ko siya habang ako'y nabubuhay." Sumusumpang sagot ni Hanamichi.

* * * F A S F O R W A R D * * *

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now