Agad nang napalingon nang marinig niya nag boses ni Ikegami. Tumawa naman siya.

"Ahh, oo. Hindi kase ako mahilig kumain ng marami." Sagot niya.

"Dagdagan mo." Direktang tugon ni Ikegami.

"Ha?"

"Dagdagan mo. Ang payat-payat mo tapos magdadiet ka pa." Inagaw ni Ikegami ang plato niya at nilagyan niya ito ng maraming gulay.

"Tama na yan! Hindi ko mauubos yan!" Maktol ni Herai.

"Anong nangyayari dito?"

Sabay silang napatingin sa lalakeng nagsalita. Si Muzaka.

Nagtinginan naman si Herai at Muzaka.

Nagharap ulit ang dating magkarelasyon pero naghiwalay dahil sa basketball. Pero matagal na panahon nang nangyari yun at nakamove-on na sila pareho kaya ngayon ay magkaibigan na lang sila.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Muzaka sa kanya.

Tumaas ang isang kilay ni Ikegami at Herai.

"Bakit pa?" Herai

"Gusto ko lang. Pwede ba?" Muzaka

"Wag ka ngang makulit, diba may deal na tayo? Magkaibigan na lang tayo!"

"Oh bakit ka nagagalit diyan? Gusto ko lang naman makipag-usap. Mahalagang bagay lang!" Napipikong sagot ni Muzaka dahil parang nag-aapoy na naman sa galit si Herai.

Dinampi naman ni Ikegami ang kanyang kamay sa balikat ni Herai at nagsalita.

"Sige na, kausapin mo na siya." Ngumiti si Ikegami sa kanya.

"H-hindi ka magagalit?" Tanong niya.

Tumaas ulit ang isang kilay ni Ikegami.

"Bakit namam ako magagalit? Eh wala namang tayo." Sagot nito.

Natameme si Herai. "Ayy... Oo nga noh?"

"OH DIBA! Wala naman palang kayo! Pero kung makaano kayo para kayong mga ano!" Sigaw ni Muzaka sa kanila.

"Tu...ma...hi...mik ka!" Sinuntok ni Herai si Muzaka kaya natumba 'to sa lupa. Pagkatapos nun ay hinarap niya si Ikegami.

"Hoy, Ryoji! Wala naman palang tayo pero kung makahanda ka ng pagkain sakin akala mo girlfriend mo'ko! Magsabi ka nga ng totoo sakin?!" Tanong nito habang tinuturo pa si Ikegami.

Tumawa naman si Ikegami sa tanong niya.

"Hahaha, ang payat mo kase eh. Naalala ko sayo ang kapatid kong babae na si Reiji. Halos pareho lang kayo ng katawan. Para kang kapatid ko." Sagot nito at binigay niya nag plato kay Herai na nagtitimpi na sa inis dahil na sister zone siya.

"Kumain ka ng marami." Bilin nito at ginulo pa ang buhok nito saka iniwan na si Herai.

Gusto niyang umiyak sa sinabi ni Ikegami. Wala talagang pag-asa. "Kapatid daw... Ayoko na!"

"Sabi ko sayo eh, walang lalakeng magkakagusto sayo. Ampanget kase ng ugali mo!" Asar ni Muzaka sa kanya.

Akmang sasapakin niya ito nang magsalita ulit 'to. "Tungkol sa sinabi ko kanina. Gusto kitang makausap." Sumeryoso ang kanyang mukha.

Seryoso ding tumingin si Herai at tumango na lang. Napaisip siya. Baka, gusto ni Muzaka ang makipagcomeback sa kanya. Ibabalik nito ang kanilang dating pagsasama.

Lumapit si Muzaka sa kanya at inilapit ang mukha. Pumukit si Herai.

Palapit ng palapit ang mukha ni Muzaka at napunta ito sa kanyang kaliwang tenga.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now