Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Wala pa ring nangyayari. Mas naging close pa tayo na to the point na parang magkapatid.
Magkapatid.
"Wala iwanan bestfriend?"
"Naman bestfriend!"
"Promise?"
"Promise."
''Promise na promise?''
"Lokoloko. Oo nga. Promise na promise. Baka nga ikaw mang-iwan diyan e." Biro ko.
"Hindi kita iiwan."
At tinitigan mo na naman ako.
Hangang doon na lang ba yun? Bestfriend. Pero ok lang, atleast meron kesa wala diba?
May 30 2012 nang may nangyaring nagpagulo sa akin at sayo.
Nalaman kong may TB ako, as in Tb. Tuberculosis. As in yung naubo ka ng dugo. Kaya napagpasyahan ng pamilya ko na ipadala ako sa ibang bansa para doon gamutin.
Syemre nung una hindi ko matanggap.
Maraming tanong.
Paano?
Bakit?
Ako?
Pero narealize ko na tanggapin na din dahil nandito na rin naman e, anong magagawa ko? Kaya pumayag na rin ako.
Hindi ko masabi sayo kasi alam kong masasaktan ka. Oo ako na assuming pero ramdam ko na special ako sayo. At ganon ka din sa akin.
Mas nakakagulat. Mas nakaagulantang. Mas nakakagulo.
Nang araw na aalis na ako, nagtapat ka sa akin. Sabi mo..
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ako na si Mico. Mahal na mahal kita. Matagal na. Oo ako na torpe pero mahal kasi kita. Basta mahal kita. Pangako, hindi kita iiwan. Sayo lang ako at kahit anong mangyari mahal kita. At kaya kong maghintay."
Habang bumubuhos ang malakas na ulan bumubuhos din ang mga luha nating dalawa. Pero iba ang dahilan ng mga luha natin.
Ang sayo, luha ng kasiyahan.
At ang akin ay luha ng...hindi ko alam. Masaya o malungkot? Hindi ko alam.
"Pero.. Sorry Mico, hindi pwede."
Pagkasabi ko noon, tumakbo ako, iniwan kita. Gulong gulo akong tumatakbo palayo sayo. Naguunahan rin ang mga luha ko sa pagbagsak.
"B..Bakit?"
Sorry Mico. Pangako, babalik ako.

KAMU SEDANG MEMBACA
A Promise
Cerita PendekNangako kang maghihintay kahit mawalay ngunit lumipas ang mga taon at ang pag-ibig mo'y nahimlay... Started : April 2 2015 Ended : April 8 2015 Short Story. Completed. © -yunara for the cover!