Play Dreaming Alone by Against the current for better reading experience.
~~~
Ang sabi nila libre at hindi masama ang mangarap. Kaya eto, nangangarap na balang araw maging tayo.
Para sa akin di naman malabong mangyari yun diba?
Kasi close tayo.
Bestfriend tayo.
Parehas tayong masaya tuwing magkasama.
Kaya anong masama diba? At anong imposible diba na di mangyari ang pangarap kong yun?
Pero.. yung pangarap kong yun sinira mo..
Isang araw nakita kita na may kasamang babae. Sobrang saya niyong dalawa. At naka-akbay ka pa sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin non, pero yung mata ko alam na alam. Lalo na ang puso ko.
Sobrang sakit. Tagos sa buto.
At alam mo ang mas masakit?
Nung pinakilala mo siya sa akin. Nung una, nagtampo ako sayo kasi di mo man lang sinabi na may liniligawan at may girlfriend ka na.
Pero, narealize ko na wala akong karapatan na sabihin mo sa akin yun.
Baka nga, nag-assume lang ako.
Baka nga, akala ko close tayo.
Baka nga, feeler lang ako na mag bestfriend tayo.
At,
Baka nga, yung inakala kong nangangarap ako ay...
Umaasa lang ako.
Tangina, sakit umasa.

ESTÁS LEYENDO
A Promise
Historia CortaNangako kang maghihintay kahit mawalay ngunit lumipas ang mga taon at ang pag-ibig mo'y nahimlay... Started : April 2 2015 Ended : April 8 2015 Short Story. Completed. © -yunara for the cover!