"Kuya Mico! Kuya Mico!"
Napatingin ako sa batang tumawag sa pangalan ko. Mukang masayang masaya siya at may dalang pink na notebook?
Tumakbo siya papunta sa akin, at ako naman umupo at pinantayan yung height niya.
"Ano yun Sam?"
"Kuya, ang ganda nito oh! Kulay pink yung notebook! Pwede akin na lang? Kuya please?!"
Ngumiti ako at tinap ang ulo niya. "Hindi pwede e." Sagot ko. Sumimangot naman siya. Haha, ang cute!
"Bakit naman po? Sa iyo po ba 'toh?"
"Hindi."
"Yun naman po pala e, akin na lang po. Please please?" Nag pa-puppy eyes na siya pero ako hindi natinag. Umiling lang ako.
"Kilala ko kung kanino yan."
"Kanino?!?" Excited niyang tanong. I gave her my sweetest smile at tinuro ko yung kalangitan. Mukha naman siyang nagulat.
"Angel na po siya Kuya?!"
"Oh, Sam hindi mo kailangan sumigaw." At kunyaring narindi ako sa pagsigaw niya. Tinakpan ko pa yung tenga ko para kapani-paniwala. At siya inirapan lang ako. Hayy, batang 'toh.
Pero after ilang second ngumiti ulit siya at binigay na yung pink notebook sa akin.
"Sige po Kuya, kunin niyo na lang po."
"Are you sure?"
"Mmmm." Sagot niya at tumango tango ng ilang beses. "Gusto ko na lang po siya makita. Please?!"
Lalong lumawak ang mga ngiti ko sa sinabi niya at napailing. Grabe Miracle, kagayang kagaya mo siya.
Pumunta kami sa sementeryo. Saktong sakto birthday niya ngayon. Excited na akong makita siya.
"Sharah..Anne Miracle...Villa..Villa"
"Villafuerte." Dugtong ko, binasa niya kasi ang nakasulat sa Lapida at mukang nahirapan siyang bigkasin ang pangalan ni Sam.
"Ang haba naman po ng pangalan niya."
"You can call her Sam. That was her nickname."
"SAM?! Kapangalan ko po siya kuya?!"At ulit. Sumigaw na naman siya, hindi naman sa nakakabinge. Ang cute niya nga e, parehas na parehas talaga sila.
"Magka nickname lang kayo Samantha."
"Ganon na din po yun kuya!"
Hindi ko kaano-ano si Sam, bata pa lang siya nung binigay siya sa amin ni Miracle. Miracle ang tawag ko kay Sam para hindi masyadong nakakagulo at request niya rin sa akin yun, para daw special siya sa akin which is true. Tinuring ko namang tunay na kapatid si Samantha and actually, sila Mama talaga ang nag-alaga sa kanya kasi yung mga panahong yung inaalagaan ko si Miracle.
Naalala ko na naman yun.
"M..Mico?"
Nagising ako ng marinig ko ang boses niya. "O, gising ka na pala. Teka teka, Anong gusto mo? Wait lang kukunin ko lang wallet ko."
Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako. Napabuntong hininga ako at napaupo muli.
Pumikit siya at ngumiti. "Mico, salamat ah? Akala ko talaga di mo tutuparin yung pangako mo. Buti na lang naalala mo ako."
Minulat niya ang mata niya at tumingin sa akin at saka ngumiti.
Maraming nangyari simula nung umalis siya at iniwan ako. Hindi ko talaga alam ang nangyari noon pero kinwento sa akin ng pamilya ko. Sabi nila, nung time na umamin at iniwan ako ni Miracle, nagpakalasing ako at it ended into an accident. Na coma ako for 6 months at nawalan ng ala-ala, to make it short nag amnesia ako.
Huli na rin nung nagka-ala ala pa ako dahil may taning na ang buhay ni Miracle nung bumalik ang ala-ala ko. At hanggang ngayon, pinagsisi-sihan ko lahat ng ginawa ko..Na sana, hindi na lang ako nagpakalasing para hindi ako ma-aksindente. Pero sabi ni Miracle..
"Hindi mo yun ginusto Mico. Nagmahal ka lang, at medyo naging tanga. Ayos lang. Kahit huli na nung bumalik ang ala-ala mo. Na mamamatay na ako, tanggap ko na toh Mico. Sana ikaw rin."
"Miracle...."
"Please, hanggang sa huling pagkakataon...Mangako ka na..magiging okay ka at masaya kahit..dumating yung panahong...mawawala na ako..Please Mico...Mangako ka.."
"Miracle....Pangako."
*tuuuuuuuuuuuuuuuuutttttttttt*
Pagkatapos ko sabihin sa kanya yun, humagulgol ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, ang alam ko lang nangako ako sa kanya na magiging okay ako. Tama! Kailangan maging okay ako. Magiging okay ako, Miracle. Tutuparin ko ang pangako ko sayo.
"KUYA MICO!!"
"WAHHHHHHH!"
"Yan. Good boy." Tapos ngumiti siya ng nakakaloko. I did the same thing, na gets niya ang mga tingin kong yun at sinimulan na niyang tumakbo.
"Lagot ka sa akin Samantha!"
"Kuya wag! Sorry na. Kuya--Wahahahaha! Kuya..Tama..Wahahaha...Na.."
Nang mahuli ko siya kiniliti ko siya ng kiniliti at nagpagulong gulong kami sa damuhan hanggang sa mapagod kaming dalawa.
Nagpatuloy kaming humiga sa damuhan at pinagmasdan ang mga ulap.
"Kamusta na kaya siya kuya?"
"Syempre, masaya na siya. Kagaya natin."
"Mmmm." Tapong tumango tango siya. "Kuya, isa pa. Nalungkot ka nung nawala siya?"
Tinitigan ko siya, at ngumiti. Isang ngiting peke. Ayoko namang mag sinungaling sa sarili ko na naging ok ako nung nawala siya. Sinong engot ang gagawa nun?
"Syempre naman." At ibinalik ko ang tingin ko sa kalangitan.
"Sayang di ko siya nakalaro." Malungkot niyang sabi. Pinisil ko naman ang pisnge niya.
"Aray ko naman kuya!"
"Bakit ayaw mo bang kalaro si kuya Mico?" Kunyaring nagtatampo ako.
"Kuya di naman sa ganon e...Ano.."
"Sige, di na tayo bati."
"Kuya..Huhuhuhu!"
At umiyak na siya. Buntong hininga, kagayang kagaya ni Miracle, sobrang iyakin.
"*sniff* Kuya...bati na tayo? *sniff*"
"Oo, sorry na." At binaon ko yung ulo niya sa dibdib ko at ginulo ko ang buhok niya. "Kuya naman e, buhok ko!"
"Sam..may sasabihin ako." Seryoso kong sabi. Matagal ko din tong pinag-isipan at ngayon mukang kailangan ko talaga si Sam sa buhay ko.
"Hmmmm.."
"Sam....
....gusto mo ba akong maging daddy?"
Napatulala siya ng ilang segundo at mukang nagulat pero in the end, tumalon siya sa akin sa kadahilnang napahiga muli kami sa damuhan.
"Syempre naman. Daddy.."
Sobrang lawak ng ngiti ko ng marinig ko yung salitang yun. At yinakap ko siya ng mahigpit.
"Sam, I love you.."
---fin---
Di ata connect yung kanta XD

BINABASA MO ANG
A Promise
Short StoryNangako kang maghihintay kahit mawalay ngunit lumipas ang mga taon at ang pag-ibig mo'y nahimlay... Started : April 2 2015 Ended : April 8 2015 Short Story. Completed. © -yunara for the cover!