V. A Promise | Tadhana

22 2 1
                                    

Play Tadhana(Chorus) by Up Dharma Down

Makalipas ang limang taon.

Hindi mo ba alam na habang ginagamot ako sa ibang bansa, ikaw lang ang nasa puso at isip ko? Syempre hindi mo alam kasi.. Ayoko ipaalam tong problema ko lalo na nung nalaman kong mahal mo rin pala ako. Mas naging mahirap ang sitwasyon.

Sobrang naguguluhan rin ako, binalak kong kalimutan ka nang maalala ko yung ginawa ko sayo. Na baka pagbalik ko diyan hindi mo na ako mahal.

Ang tagal ng proseso pero nagamot din naman daw. At sana tuloy tuloy na toh.

At sa wakas, eto na. Babalik na ako, pero hindi ko alam kung pano kita haharapin.

Hindi ko kaya.

At, hindi ko alam kung paano.

Inisip kong wag na. Kalimutan na lang ang lahat kasi hiyang hiya na ako sayo. Sobrang naging tanga ako nang iniwan kita.

"Hi Miss? Naghahanap ka ba ng trabaho?"

"Ah oo e."

At para makalimot, naghanap ako ng malilibangan. Na baka sakali makalimutan kita pero wrong move. Sobrang wrong move.

Natanggap ako sa trabaho, at letseng tadhana nga naman yan! Ikaw ang boss ko. Nakakatuwa? Oo? Ewan. Basta. Ugh.

"Nga pala siya si Sir. Mico ang may-ari at boss dito. Susundin mo dapat ang utos niya okay?"

"Ah so ikaw pala yung bago? Nice to meet you. Ako si Sir. Mico."

ISANG MALAKING WOW SAYO.

Kinalimutan mo ko? Asan na yung pangako mo Mico? Asan na yung mahal na mahal kita?

Buntong hininga.

Well, ako rin naman ang unang sumira ng pangako natin e. Ako ang nang-iwan at nakalimot.

Na kahit minsan lang nadama ang sinabi mo 'na tayong dalawa sinta', na mahal mo ako. Masaya na rin ako.

Huh, sana nga maging masaya ako.

A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon