Play Bestfriend by Jason Chen.
~~~
Hindi ko alam, kung matutuwa o maa-awa ako sayo. Nung una naawa ako pero sobrang saya pala?
Ang saya na tatlong buwan lang kayo at naghiwalay din. Sobrang saya alam mo yun? Syempre hindi diba? Kasi manhid ka.
Oh, di ako galit sayo ok? At hindi ko kaya. Gusto kasi kita.
Hindi ko alam ang gagawin nung niyakap mo ako bigla at umiyak. Pero sa pagyakap mong yun, nakaramdam ako ng inis at saya.
Inis,
Kasi minahal mo pala siya? Naiinis ako. Ewan ko kung kanino basta naiinis lang ako. Letse gulo ko.
Saya,
Kasi niyakap mo ako at nakaramdam ng pag-asa.
"Bakit ganon..Minahal ko naman siya..Akala ko kami na yung nakatadhana."
"Wala eh, tinalikuran kayo ng tadhana. Gusto mo resbakan natin?"
Gumaan ang loob ko ng tumawa ka. Buti naman at napagaan ko ang pakiramdam mo at nabawasan kahit papano ang sakit na narardamam mo ngayon.
"Salamat, dahil nandyan ka. Ikaw talaga ang bestfriend ko."
Buti nga pagnasasaktan ka meron kang natatakbuhan, eh ako?
Nginitian lang kita at niyakap ulit. At doon ko naramdaman na hindi na kita gusto dahil,
Mahal na pala kita.
Na kahit bestfriend lang ang turing mo sa akin. Di bale, masaya na rin ako.
Sobrang saya. Salamat pa rin bestfriend.

BINABASA MO ANG
A Promise
Short StoryNangako kang maghihintay kahit mawalay ngunit lumipas ang mga taon at ang pag-ibig mo'y nahimlay... Started : April 2 2015 Ended : April 8 2015 Short Story. Completed. © -yunara for the cover!