"Cool down, Elle. Tara kanta muna tayo." Ikinawit ni Willow ang kamay sa braso ni Elle bago ito hinila sa grupo ng mga nagigitara. "Hey guys, walang mangyayari kung intro lang ng Magbalik ang kaya niyong tugtugin."
Mayamaya pa'y ipinasa nila ang gitara kay Elle at agad nilang pinalibutan ito.
Pasimple akong sumilip at ayon nga, siya na ang naka-upo sa gitna. Wala na akong makita nang takpan ni Angel ang espasyong sinisilipan ko.
Asar! Di bale, naririnig ko naman ang tinutugtog niya, 'yong Magbalik din pero 'yong sa kaniya, tuloy-tuloy. Iyon nga lang, 'di ko ma-ibukod kung alin doon ang boses niya dahil nagsasapawan sila ng mga boses.
"Pre!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin na nasa bukana ng pintuan namin.
"Pahiram ako ng walis tambo," paalam nito habang nakakapit sa haligi ng pintuan.
"Seksyon?"
"Curie."
Tumango ako. "Hihiram daw ng walis tambo!"
"Girl, 'yong crush mo," impit na tili ni Willow.
Kunwaring umubo ang mga kasama nila at ngayon ay pinagtutulakan na nila si Elle na ibigay na raw muna ang walis sa lalaking nasa pintuan.
Natigil ang tugtog ng gitara at mukhang ipinasa na nga ni Elle ito sa iba. Namalayan ko na lang na magkaharap na sila ng lalaking nasa pintuan at inaabot niya na ang walis na hawak niya.
Halos lamunin ako ng inggit nang masaksihan ko ang palitan nila ng ngiti. Iniwas ko na lamang ang atensyon ko at ipinagpatuloy ang pag-check ng attendance. Ilang minuto pa'y 'di ko rin natiis na ibalik ang atensyon sa kaniya. Malaki ang ngiti niya habang dinadampot ang mga basura gamit ang dustpan at walis tingting. Kung iisipin, para siya ngayong tanga na nagwawalis gamit ang tingting sa loob ng klasrum.
Muli kong iniwas ang tingin bago pinakawalan ang mahinang tawa. Ang weird niya.
Mayamaya pa'y nag-ring na rin ang bell, hudyat na kailangan na naming lumabas para sa Flag Ceremony. Tipikal na Flag Ceremony, sabay-sabay na magdarasal, aawit ng Bayang Magiliw - mali Lupang Hinirang pala, manunumpa tapos kailangang sumabay sa rhythmic exercise. Buti na lang talaga at marunong naman akong gumalaw kahit papano.
Oras na para bumalik sa kaniya-kaniyang room nang hilahin ni Willow ang palapulsuhan ko. "Ms. Nanquil called us." Itinuro niya sina Angel, Ariel at Elle na nasa harapan namin.
Tumango ako at sabay-sabay naming tinungo ang cubicle na 'di naman kalayuan.
"May ideya ba kayo kung bakit?"
"Baka tungkol lang sa rule natin as Class Officers?"
"Hindi lang naman tayo ang Class Officers, ah?"
"Don't worry guys, we'll know it kay Miss mismo." Si Willow na ang kumatok sa pinto dahil siya naman ang unang nasabihan sa amin.
"There you are. Naihne, come in."
Pumasok naman ako nang walang pagdadalawang-isip. Wala naman akong ginawang masama kaya walang dahilan para kabahan. "Yes, Miss?"
"You'll be the Class President for one-week starting today kasi magiging busy sina Ms. Ramos for the upcoming Municipal Competition. You have to put Excuse sa tapat ng name nina Ms. Ramos, Hernandez, Fuentes, and Mr. Velasco. 'Pag may teacher na nagtanong kung bakit wala 'yong apat, sabihin mong sila 'yong representative natin, okay?"
Tumango ako.
"I trust you. Sige na, pwede ka nang bumalik."
Walang kwenta pala 'yong pag-ilag ko sa election. One week? Class President? Baka naman sabay-sabay pa kaming mapunta sa guidance nito?
YOU ARE READING
Ctrl + Z [On-Going]
Teen FictionCliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates? The story of Ctrl + Z centers on two...
CHAPTER 8: Stumble
Start from the beginning
![Ctrl + Z [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/261845437-64-k665216.jpg)