HVB 2: The Stripper

Start from the beginning
                                    

Pagiling-giling akong pumunta doon ng may nadetect ang invisible antennae ko.

May lalaking kumukuha ng kape. Este, umoorder.

Matangkad. Oo. Gwapo. Oo. Mabango. Oo. Macho. Hindi. Machong-Macho. Suuuuppper!

Medyo nagpabango ako ng Exotic kong cologne bago ko siya binati.

"Hello, Kuya Edrik."

Lumingon ito sa akin tapos kunwaring gulat tyka pinagpatuloy yung ginagawa sa kape.

"I didn't expect to see you here." Sabi ko. Taray! English diba?

"Me, neither." Nagkibit balikat pa ito bago kinuha yung kape.

"Do you think its destiny?"

"Hindi siguro."

"Bakit naman?"

"Dahil alam ko."

Walang lingon na pumunta naman siya sa Elevator.

Hmp. NapakaSnob naman nito.

Pero maghintay-hintay ka lang. Maakit din kita.

MWAHAHAHAHAHA! Kung si Polly ay may pa-revenge-revenge pang nalalaman.

Ako naman Operation69 (Alam na ang meron sa 69 ah..) Makuha ang Katawan ang puso at ang pagkatao ni Kuya Edrik!

Oh-ha? Napakagandang Ideya!

Dali-dali akong tumakbo ng Elevator. Oh? Taray! Elevator nanaman. Wag excited. Di ko na gagawin yun. Nagawa ko na ata yan! Ibang Da Moves naman. Laos na eh..

"Wait!" sabi ko. Si Kuya Edrik lang naman ang tao. Dali-dali akong pumasok baka kung sino pa manghalay sa Adonis na ito eh..

"Is the world coming to an End?" Narinig ko pang sabi nito bago sinarado at inarrow up ang button.

"Hi ulit!" Bati ko hindi na ako pinansin nito. Naman! Snobbish. Pero balang araw mapapansin mo din ang kaseksihan ko.

Ay! Hindi na balang araw. Mamayang gabi na pala. Haha!

Tiningnan ko yung reflection namin sa Elevator. Bagay talaga kami. Mukha nga lang akong Ewan. NapakaSeksi. Siya naman parang si Kuya Kim Atienza. NakaPolo na white at pantalon.

Pero syempre yung suot lang! Wag na yung mukha? Ito naman. Wag kayong ganyan. Tingnan niyo ah.. Yuu Shirota as Mint Xerxes, Kim JaeJoong as Terrence Legazpi tapos biglang Kuya Kim Atienza as Edrik Garcia?! Naman men! Wag ganon?!

Her Virgin BrotherWhere stories live. Discover now