CHAPTER 111: Tokyo Vs. Akita

Comenzar desde el principio
                                    

Si Fukatsu, mapapasubo siya sa pagkakataong ito. Naglilito siya kung alin kina Maki at Fujima ang babantayan niya.

Dahil sa substitution, ang piniling bantayan ni Kishimoto ay si Sendoh, si Masashi ay si Ikegami, si Matsumoto naman kay Fujima, si Fukatsu kay Maki at Mikio naman kay Sakuragi.

Samantala si Coach Kawarama ay may prediksiyon sa magiging laro nila.

Malulugi sila.

Malulugi dahil kina Kishimoto at Sendoh, at Matsumoto at Fujima. Alam niya ang datos ng dalawang gwardiya. Malakas at hindi mapigilan. Kailangan niya din ng bagong plano para hindi matalo ang kuponan mula sa kanila.

"PIGILAN SI FUJIMA!" Biglang sigaw ni Minami mula sa upuan na ikinatingin ng mga kasamahan niya sa kanya.

Muntik nang atakihin sa puso si Sawakita at Moroboshi dahil sa pagsigaw nito. Seryoso si Minami sa sinigaw niyang yun. Minsan na niyang nakalaban si Fujima at masasabing unstoppable ito. Kaya nung minsan nag match ang Shoyo at Toyotama sa Interhigh ay siya ang nagbantay kay Fujima. Mahirap pigilan at ang bilis kumilos. Dahil sa katangiang iyon ay walang choice si Minami at para sa kapakanan ng kuponan ay sinadya nyang pisikalin si Fujima at natalo ang Shoyo.

Agad humarang si Matsumoto kay Fujima pero tinalbog ni Fujima ang bola sa gitna niya at mabilis na lumipat sa likuran ni Matsumoto.

*Pakk!*

"Ang bilis!" Nanlaki ang mata niya sa gulat.

Nakuha ulit ni Fujima ang bola. Napadiin ng ngipin si Fukatsu sa husay ng galaw ni Fujima. Binalingan niya ulit si Maki ng atensyon.

"Ano?---" namilog ang mga mata niya nang wala na si Maki sa kanyang harapan.

*DUNKKKKKKK!*

"YAHOOOOOOOOO!

ANG GALING!

NICE PASS, FUJIMAAAAA!

MAKI, NICE DUNKKKKKK!" sari-saring sigaw ng audience.

Kaya ang kaninang score ng Tokyo Team na 58 ay naging 60 points na. 1 point na lang nag habulin nila.

Hindi parin nagsisink-in sa isip ni Fukatsu ang nangyari. Paano at kailan pa nangyaring nadoon agad si Maki at nakapagdunk agad?

"CAPTAIN!" Tawag ni Kishimoto at pinasa ang bola sa kanya. Sinimulan niya agad ang opensa.

Nag-apiran naman si Maki at Fujima na parehong may seryosong mukha. Napangisi si Coach Zakusa nang mabasa niya yun.

"Hindi yun puri... Magpapalit sila. Magaling Fujima." Nakangising sabi niya.

Nagsimula na si Fukatsu sa pagdribol sa bola. Hindi parin naalis sa isip niya nag nangyari. Nagdribol siya at tagumpay na nakarating sa half court ng Akita Team. Nakita niya si Masashi na nasa kanang gilid ng 3-point line at libre mula sa depensiba.

Pinasa niya ang bola.

*PAKK!*

"ANO!!" Fukatsu/Masashi

Na intercept ni Fujima ang bola mula sa kanya saka mabilis na nagdribol pabalik ulit sa half court ng Tokyo Team.

Napatayo si Coach Kawarama. "PIGILAN NIYO SI FUJIMA!" sigaw niya sa mga players.

"BILIS PA!" sigaw din ni Fujima saka pwersang hinagis nag bola sa kawalan.

Napanganga ang lahat ng manonood. Nag taas ng pasa niya.

"Masyadong maaga!" Sabi ni Mikio saka tumayo sa rebounding area para harangan ang mga reboundant.

Pero...

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora