Last Chapter

34 2 0
                                    

Autumn's POV

Bumaba kaming dalawa ni Kaynee sa **street na malapit lang sa restaurant kung saan kami kakain ng dinner, it's already past 9pm at mabuti na lang ay late na ang closing time ng restaurant na ito.

Dapat nga ay sa mismong tapat kami ng restaurant bababa but she insisted na dito na lang dahil gusto niyang mag lakad lakad at gusto niyang madama yung gabi ngayon.

"Nag enjoy ka ba ngayong araw?"

Nakangiting bulong ko sa kanya habang yakap yakap siya, not minding those people who keeps on staring at us.

"Yeah, sobra sobra pa. It feels like going back to the past when we were in college and new to our relationship, but I know this happiness right now will be treasured forever."

Hinalikan ko yung buhok niya and continue walking.

"Alam mo bang ilang beses akong bumisita sa puntod ng Lola mo dahil nagsisisi pa din ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo at sa kanya?"

"Ilang beses akong hindi pinatulog ng konsensya ko dahil sa nagawa ko sa iyo."

"Ilang beses na din akong humingi ng tawad pero hindi mawala sakin yung bigat ng pakiramdam ko dahil pakiramdam ko hindi nawala ang mga kasalanan ko. At hindi sila mawawala..."

"Kung hindi kita kasama ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta....hindi ko alam kung may uuwian ba ako."

"Alam kong nandyan sina Mom and Dad.. pero alam ko ding may kulang..."

"Kulang na kulang ako noon dahil wala ka sa tabi ko Kaynee. Ikaw yung pahinga ko, Ikaw yung buhay ko, Ikaw yung tahanan ko...kayong dalawa ng anak natin..."

Naramdaman ko yung pag higpit ng hawak niya sa kamay ko habang nagsasalita ako at nag lalakad kami. Her warmth is everything to me.

"Do you want to know what Harmonica's first word is?"

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya at tumingin sakin.

"Her first word is Dada."

"I was looking at our photos together and she just point her finger at you like she really knew you are her father. Tuwang tuwa siya habang tinuturo ang litrato mo at ilang beses niyang binanggit yung salitang Dada. I even cried because of it."

"Pakiramdam ko ilang beses akong tinutusok ng karayom dahil lang sa unang salita ng anak ko. Pakiramdam ko ako yung pinakamasamang ina dahil hindi ko man lang naipaglaban iyong karapatan ng anak ko."

"Nagpadala ako sa emosyon ko at nagpadalos dalos ng desisyon."

Ngumiti ako sa kanya at hinagkan siya tsaka ilang beses na hinalikan ang buhok niya.

"Everything's fine Wife, you have nothing to worry about, I would love to hear everything about you and our daughter. Every short and long stories and informations from you but I don't think now is the right time for that. We should enjoy our night together."

Sabi ko habang nakatingin sa mata niya at hawak hawak ang magkabilang pisngi niya, ngumiti din siya sakin at hinalikan ang labi ko.

"We should-- a..ah..c..can we change position Hubby?"

Kumunot ang noo ko dahil biglang nagbago yung tono ng boses niya pati ang hilatsa ng mukha niya ay bigla ding nagbago.

"I can't hug you properly dahil matangkad ka sakin. Please?"

Book II: Your Sweet Embrace (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن