Chapter 22

31 3 0
                                    


Autumn's POV

"Love...I'm here for you...I'm sorry I was late..."

Bulong ko sabay yakap sa kanyang katawan mula sa likod wala akong narinig na salita o ingay mula sa kanya pero ramdam ko ang panginginig niya dahil sa lamig.

"Don't stop yourself from grieving Kaynee, let it out."

Segundo lang ang lumipas ng marinig ko na ang pag iyak at mga hikbi niya kaya mas niyakap ko siya ng mahigpit. Sinandal ko ang ulo at katawan niya sa katawan at balikat ko habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko.

"Shhhh....umiyak ka lang, I won't judge you...I won't leave you..."

Kumapit siya sa damit ko at umiyak ng malakas habang sinisigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, this is my first time seeing her this weak at ayaw ko ng makita siyang nagkakaganito.

"H..He took t..them a..away from me...He took L..Lola a..and now H..He t..took M..Mom and D..Dad..."

Pumikit ako dahil sa sinabi niya, she must be feeling so much pain and regret dahil pati ang nasa itaas ay nagagawa niya ng sisihin.

"It's He's fault! He took them away from me! Kinuha niya sakin lahat! Wala siyang awa! Wala!"

Nawawala na ang boses niya kakasigaw at kakaiyak pero hindi ang sakit na nararamdaman niya. Nasasaktan ako para sa kanya... She doesn't deserve this...

"A..Anong g..gagawin ko n..ngayon...k..kinuha niya na ang lahat sa akin! W..wala siyang a..awa..p..paano niya n..nakakayang saktan ang mga naniniwala sa kanya?!"

She keeps on shouting and crying, blaming Him for everything, for every pain and regret that she feels.

Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi niya at tinitigan sa mata, maga na ang mga mata niya at patuloy ang pag agos ng mga luha doon, kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong ulan lamang iyon.

"You didn't lose everything Kaynee. Look at me and tell me what you have right now? Tell me what is it that we both have?"

"Stop thinking that you lost everything and everyone, Kaynee. Think of those people who are waiting for you to look at them in the eyes... waiting for you to hug them... waiting for you to come home...."

"Kaynee you have Aurora...we both have Aurora..."

Natigilan ito dahil sa sinabi ko at umiwas ng tingin kaya hinuli ko ang tingin niya at pinagdikit ang mga noo namin.

"You have me..."

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at inilayo niya ng bahagya ang mukha niya.

"A..Autumn...I'm so sorry...I'm so---"

"Kaynee!"

Agad ko siyang binuhat at nagmamadaling isinakay sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa bahay nila.

Aaminin kong sumama ang loob ko kay Kaynee dahil tinago niya sa akin ang katotohanang may anak kaming dalawa. Kung maaga kong nalaman iyon ay hindi na sana kami nagkalayo ng ganito katagal at nasa tabi sana ako ng anak ko habang lumalaki siya.

Naiintindihan ko o mas tamang sabihin pilit kong inintindi kung bakit niya iyon nagawa.

I love her at gagawin ko ang lahat para magkaayos kaming dalawa lalo na at mayroon na kaming Aurora.

Alam ko ng meron kaming anak dahil sinabi iyon sa akin ni Shakira at Shrizelle ng dumating ako kanina at ng nalaman kong nagpaiwan dito si Kaynee ay agad akong nag drive patungo dito at nakita ko siyang umiiyak at nababasa ng ulan.

Book II: Your Sweet Embrace (COMPLETED) Where stories live. Discover now