Chapter 4

52 2 0
                                    

A/N:

May SPG po sa chapter na to. Read at your own risk. 

Summer's POV

I'm having a great time with Kean, Shakira's son. Kanina pa kami dito sa children's playground sa loob ng mall, mabuti na lang at pwedeng pumasok dito kahit hindi na bata.

"Tida! Tida! Want home! Home! Hungry!"

Napangiti ako sa kanya ng ituro niya ang tyan niya bago siya binuhat at naglakad papunta sa jollibee.

He likes jollibee dahil daw red ang favorite color niya.

I like kids, they're so innocent kaya nung magkaroon ako ng batang pasyente sa hospital ay ginawa ko ang lahat but sad to say that he died.

Kinuha ko ang phone ko and took a photo of Kean who's eating in front of me.

The more he grew up the more I am being familiar with his facial features. Hindi ko lang maalala talaga kung sino ang kamukha niya at kung saan ko nakita.

I respect Shakira's decisions as his mother kaya hindi na ako nagtanong.

"Tida! Home! Want Mommy!"

He is 6 years old pero medyo hindi pa siya marunong magsalita ng deritso. Tulad ng sinabi niya ay umuwi kami dahil 7 pm na din. I did not even notice what time is it kanina dahil na eenjoy ko itong makulit na to.

I check my phone pero wala pang text si Shakira kaya I decided to go to Mommy's house dahil doon ko na muna iiwan si Kean.

Buhat buhat ko si Kean ng pumasok ako sa bahay dahil nakatulog na siya habang nagmamaneho ako pauwi.

Yes, I bought a car kanina ng nasa mall kaming dalawa dahil nagpahatid lang kami kay Kith kanina.

I shook my head ng maalala ko ang ginawa kanina ni Autumn sa restaurant.

Bwesit siya!

"Bakit ba ayaw niyong malaman ng lahat na ANAK NIYO AKO!"

Napapitlag ako sa sigaw na galing sa sala, was that Shakira?

"BAKIT BA MULA BATA AKO AY ITINAGO NIYO AKO SA LAHAT? BAKIT HINDI NIYO MAN LANG BINIGAY SAKIN ANG APELYIDO MO DAD? BAKIT MAS TINUTURING NIYONG ANAK SI SUMMER KAYSA SAKIN? INA KO DIN PO KAYO! PARENTS DIN PO NAMIN KAYO!"

Parents...ni Shakira ang parents ko?

"Mom...Dad...alam niyo po bang ang sakit sakit na nagtatago kaming dalawa ni Kean.... W..wala po kaming kasalanan at hindi ko alam kung bakit NIYO KAMI TINATAGO SA LAHAT!"

Gumalaw si Kean sa bisig ko, nagising siya sa sigawan nila kaya inalo ko siya pero nagpumiglas lang siya at tumakbo palapit kay Shakira.

"Mommy! I missed you!!"

Sabay silang lumingon sa pwesto ko dahil alam nilang magkasama kami ni Kean.

Ng magtama ang mata namin ni Mommy ay agad na nanlumo siya.

"A..anak..."

"Magkapatid ba kami?"

Malumanay na tanong ko habang palapit pero umiling si Daddy at Shakira.

Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa kilos nilang dalawa. Bigla kong na alala ang sinabi ni Shakira.

Kung ganon...

"Hindi niyo ako t..totoong anak?"

Pilit kong pinipigilan ang pagkabasag ng boses ko, ayaw ko nitong nararamdaman ko ngayon...

Book II: Your Sweet Embrace (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora