Chapter 21

27 2 0
                                    

Summer's POV

Nakatitig lang ako sa pari na nasa harap namin habang nagsasalita ito. Sa magkabilang gilid niya ay ang kabaong ng dalawang taong nawala samin, rinig ko ang iyakan at ramdam ko ang yakap sakin ng anak ko saking tabi.

Ramdam ko ang lungkot ng mga taong pumunta noon sa lamay para makiramay. Marami ang dumalo, marami ang nakiramay, marami ang nalungkot at nabigla, marami ang umiyak.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit wala akong luha at emosyong mailabas o maramdaman man lang galing mismo sa akin.

Magkasama kaming dalawa ni Shakira sa pag aasikaso ng mga bisita, sina Tita Stella at Tito Zylle ay pumunta din, sa katunayan ay sinabi na namin sa kanila ang totoo at humingi din ng tawad si Shakira sa kanila, naikwento na rin sakin ni Shakira ang nangyari bago maisugod ulit sa Emergency room sina Mom and Dad, even their reason for doing those things.

"Mommy?"

Agad akong tumingin kay Aurora, tinuro nito sina Shakira na naghahagis na ng bulaklak kaya hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na kami palapit sa kabaong nilang dalawa.

Humihikbi ang anak ko ng itapon nito ang rosas na hawak niya kanina, isa para sa kabaong ni Mommy at isa para kay Daddy.

Everyone's mourning and grieving, everyone's crying but I couldn't bring myself to tears.

Natapos ang seremonya at paglilibing kaya unti unti ng umalis ang ibang taong pumunta sa burol.

"S..Summer iha? Sasabay ka ba s..samin?"

Tumingin ako kina Tita Stella dahil sa tanong nito pero hindi ako nakasagot.

"B..baka kasi nahihirapan ka na kay Aurora? P..Pwede naman namin siyang alagaan kahit ngayon lang."

Humalik muna ako sa buhok ni Aurora, natutulog na ito dahil pagod siya sa pag iyak bago ko siya ibinigay kay Tito Zylle o mas tamang sabihing Papa Zylle at Mama Stella, natatandaan kong iyon ang gusto nilang itawag ko sa kanila ng magka usap kami tungkol sa nangyari sa nakaraan.

"Magpapaiwan po muna ako dito, ingat po kayo sa pag uwi."

Malungkot itong tumingin sakin bago tumalikod pero agad din namang bumalik sa harap ko si Mama Stella at niyakap ako sabay hagod sa likod.

"I'm here for you anak, alam kong hindi ko mapapalitan ang Mommy Shaina mo at wala akong balak na palitan siya diyan sa puso mo pero lagi mong tandaan na nandito kami para sa iyo."

Hindi ako sumagot pero niyakap ko siya pabalik at tumango sa kanila ng sumakay na ito sa kotse. Ganon din ang ginawa nina Shrizelle, Kith, Kent at Shakira.

Bagsak ang balikat akong bumalik sa pinaglibingan nilang dalawa at naupo sa damuhan.

"Mom...Dad..."

Mahina akong natawa ng sumagi sa isipan ko ang unang pagkikita namin ni Dad sa bahay at ang pagyakap sakin ni Mommy sa unang beses kong pagpunta sa bahay nila.

"How's life up there? Masaya po ba kayong dalawa diyan? Wag po kayong mag alala samin, at pwede po bang pakisabi kay Lola na wag po siyang mag alala sakin, samin ni Aurora dahil mahal na mahal ko po yung apo niyo kahit na minsan ay hindi kami nagkakasama dahil sa trabaho ko. Pero sa tingin ko po...marami na po akong oras ngayon...d..dahil po sa g..ginawa ko k..kanina b..baka po mawalan kayo ng apo at anak na Doctor."

Pilit na tawang pagkukwento ko habang nakahawak sa lapida nilang dalawa. Yung puntod ni Lola ay malapit lang din dito kaya tinignan ko iyon at ngumiti.

Book II: Your Sweet Embrace (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon