CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kung kaya't ang OPENSA ang mahalaga. Maraming sa team natin ang magaling sa opensa kaya nakatungtong tayo sa final match ngayon." Dagdag pa ni Fujima.

Sumang-ayon naman ang iba sa sinagot ni Fujima.

"May punto si Fujima. Ang opensa ang mahalaga sa isang laro." Sang-ayon ni Maki.

Ganun din si Sendoh, Hanagata, Kiyota at ang iba pa.

Mahinang tumawa at napailing na lang si Coach Zakusa na ikinataka nila.

"Tama ang sinabi mo, Fujima." Sabi nito na mahina paring tumatawa.

Tumikhim muna siya saka tiningnan ang mga kasamahan ng seryoso.

"Yan ba ang paniniwala niyo?" Seryosong tanong nito.

Tumango naman sila maliban kay Sakuragi.

"Kung ganun, kayong mga sumang-ayon... Kung yan ang magiging pananaw niyo ay matatalo ang Team natin." Natigilan silang lahat sa sinabi ni Coach Zakusa.

"A-ano?" Takang tanong ni Fujima.

"Tama ang narinig niyo. Kung mas naniniwala kayo sa OPENSA ay may posibilidad na matatalo ang Team natin."

"Hindi ko maintindihan. Paano mo nasabi?" Tanong ni Fujima tila gustong alamin ang dahilan.

"OFFENSE wins the games,
but DEFENSE wins the championships." Sagot ni Coach Zakusa.

Natahimik silang lahat.

"Walang tama o mali sa tanong ko. Parehong nakakatulong ang opensa at depensa sa laban, pero pipiliin natin ang MAS nakakatulong sa laban. So, let me justify also my choice para maintindihan niyo. At kapag pinaliwanag ko na, alam niyo na ang gagawin sa 2nd half." Sabi pa ng Coach.

"DEPENSA ang mas mahalaga sa bawat laro. Sinabi sakin ng Papa ko noon na kasali noon sa National Men's Basketball ng Japan Team. Siya mismo ang nakasaksi kung ano ang kahalagahan ng depensa. Sa bawat puntos ng kalaban o sunod-sunod na tira ay ang depensiba ang mas nakakaalam sa susunod na mangyayari, alam ng depensiba ang takbo ng laro. Diba Maki at Ikegami?" Tanong ni Coach Zakusa sa dalawa.

Tumango si Maki at Ikegami sa tinuran niya.

"Ikaw, Maki. Isa ka sa pinakamahusay na depensiba sa Kanagawa kaya naging Star Player ka. At ikaw naman Ikegami, bilang defesive specialist, marami kang alam sa taktika ng opensa kaya may depensa ka agad na ipangtapat kaya nagiging back-up ka dahil mas alam mo ang takbo ng laro."

Tahimik silang tumango sa sinabi ng Coach.

"Ako, na dating player ng Toyotama. Masasabi kong Depensa ang mas mahalaga. Pero more on offense skilled ang Toyotama kaya hindi namin nabibigyan ng pansin ang depensa. Mataas ang intensity rate ng Toyotama sa opensa 80% at 20% sa depensa. Kaya yung sumunod sa batch namin ay natatalo na sa final district games. Palaging pangalawa sa Osaka. At isa ka sa tumalo noon sa Toyotama, Sakuragi." Paliwanag ni Coach Zakusa habang nakaturo kay Hanamichi.

Tumango naman si Hanamichi sa kanya. Bigla namang pumasok sa kanyang isipan yung laban nila dati sa Toyotama. Naalala niya kung gaano kagaling sa opensa ang Team na yun, mabilis, mahusay at hindi mapigilan. Pero ang isa sa napansin noon ng Shohoku Team ay ang kanilang depensa. Mahina sila sa bagay na yun at tuluyang natalo.

"Uulitin ko. OFFENSE wins the games, but DEFENSE wins the championships." Pag-uulit ni Coach Zakusa sa kataga.

Ang simoy sa loob ng locker room ng Tokyo Team ay nabago. Ngayon naiintindihan na nila.

Naintindihan na rin nila kung bakit napakahusay sa depensa at intercept ng Akita Team. Dahil binabasa pala nila ang offense skill ng Tokyo Team at yun ang ginagamit nila para makapuntos.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon