CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita

Start from the beginning
                                    

Yumukom naman ng kamao si Hanamichi saka huminga ng malalim.

"Wag kang mag-alala, Haruko. Sinusumpa kong ako parin nag magiging Hari ng Rebound hanggang da kaduluhan ng laro." Sagot ni Hanamichi sa kanya.

"Oyy teka lang, sandali! Zakusa naman, bakit ganun? Bakit wala ako sa starting line-up ng 2nd half?" Mangiyak na tanong ni Kiyota sa kanya.

Tiningnan naman siya ni Coach Zakusa.

"May dalawang foul kana, Kiyota. Kailangan muna kitang ibangko." Sagot nito.

Pero hindi parin kumbinsido si Kiyota.

"Hindi katanggap-tanggap! Pareho lang naman kami ng Unggoy na yan ah? Pareho lang kaming may dalawang foul!" Maktol pa nito habang nakaturo kay Hanamichi.

Naningkit naman ang mga mata ni Sakuragi.

"Matsing ka! Wag kang mandamay! Kasalanan ko bang isa kang mahinang nilalang? NYAHAHAHAH!"

"Tumigil ka, mataas lang ang stamina mo kaysa sakin pero mas magaling parin ako sayo!"

Tiningnan siya ng masama ni Hanamichi.

"Hoy tama na... Kiyota, kailangan muna kitang ibangko." Sabat ulit ni Coach Zakusa.

"Bakit nga ganun?" Tanong ulit ni Kiyota na tila hindi parin maintindihan ang lahat.

"Kase isa ka sa magiging weapon ng team kung sakaling may mangyaring masama kay Sakuragi sa court. Hindi ko kayo pwedeng pagsabayin sa pagkakataong ito." Sagot ni Coach Zakusa.

Mas lalong nagtaka ang lahat sa turan niya.

"Hindi ko maintindihan. Explanation please?" Tanong ni Sendoh.

"Ganito yun. Naobserbahan ko sa 1st half na kapag sinabay ko si Sakuragi at Kiyota ay tataas ang offense treat natin pero yun naman ang magiging benefits ng kalaban para makapuntos." Sagot ni Coach Zakusa.

Kumunot naman ang noo nila. Hindi parin nila maintindihan ang ibig nitong sabihin.

"Hindi ko talaga maintindihan hehehe..." Napakamot na lang si Sakuragi sa pisngi.

Napabuga na lang ng hangin si Coach Zakusa at nagsalita sa isipan.

Gusto maging MVP pero ang hina naman ng utak. Pwede ba yun?

"Okay ganito na lang. Hayaan niyong magtanong ako sa inyo. Alin ang mas mahalaga... OFFENSE o DEFENSE?" tanong niya sa lahat.

Medyo nagulat ang lahat sa tinanong niya. Napaisip naman sila kung alin ang mahalaga.

OPENSA

o

DEPENSA?

Sandali silang natahimik hanggang si Fujima ang unang sumagot.

"Offense." Sagot nito.

"Justify your choice." Sabi ni Coach Zakusa.

Tumango naman si Fujima.

"Opensa ang mahalaga sa laban. Ang opensa ang dahilan kung bakit kayang manalo ng isang Team. Sa opensa nakadepende ang tagumpay ng kuponan. Kapag hindi marunong o mahina sa opensa ang isang manlalaro ay may posibilidad na maari yung ikapahamak ng team lalo na kapag sa kanya ipinasa ang bola..." Sagot ni Fujima.

Napitlag naman si Hanamichi dahil parang pinapatamaan siya ni Fujima kahit hindi naman. Naalala niya yung mga araw nung baguhan pa siya sa basketball.

Mahina si Hanamichi dati sa opensa kaya naagawan siya bola mula sa kalaban niyang mahusay sa depensa at interceptor.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now