Baon

5 0 0
                                    

A chronicle of Sisig

I used to love Sisig, iyong sisig na nakahain sa lamesa habang umuusok ang ibabaw nito dahil sa mainit-init pa. Iyong sisig na pipigaan mo lang ng kalamansi, naaamoy muna ang nagtatalong bango ng ulam at asim ng kalamansi. Iyong sisig na mapaparami ka ng kanin dahil sa maanghang nitong lasa.  Ang sarap diba?

Sisig ni Aling Grasya.

Tuwing lunch break namin noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Doon talaga kami kakain sa Sisigan ni Aling Grasya, ito’y nasa kabilang kalsada lang ng skwelahan namin. Pagpasok mo sa malaking public market dito sa lugar namin, makikita mo kaagad ang maliit na eskinita sa gilid ng entrance. May iba’t-ibang paninda sa tuwing dadaan ka, mga nakasabit na bulaklak sa flower shop, mga tindahan ng delicacies, at sa dulo ay purenarya na kapag liliko ka sa gilid nito ay naroroon ang karenderya ni Aling Grasya. Parati kaming doon kumakain ng barkada ko doon kasi bukod sa nakakatipid at paborito namin ang Sisigan niya, may libre pang sabaw na nakakapag-pabusog talaga. Maraming dumadayo sa karenderya ni Aling Grasya, karamihan ay mga estudyante at trabahador lang din sa public market. Malaki kasi yung public market, parang dalawang sityo na.
Maliban sa mura ang Sisig na binibenta niya, eh may iba’t-ibang uri siya ng Sisig.
Sisig na may raisins, dinikdik na sisig, manok daw yung karne, sisilog pares, at iba pa. Yung paborito ko eh sisig na maanghang.
Kaya sikat na sikat yung Sisigan ni Aling Grasya, pag-suki ka panigurado may libre kang kanin.

Natapos kami sa baby thesis namin. Napag-isipan naming mag-lunch ng mga groupmates ko sa Sisigan ni Aling Grasya. Bale apat kami nun. Ako, si George, si Thea at si Banjo. Si Thea, rich kid. Maarte siya sa pagkain, napahiwalay siya sa mga kabarkada niya, kaya sumama nalang siya samin para kumain doon sa karenderya. Puro daldal siya nung naglalakad kami sa kalsada, excited daw siya kasi di niya alam kung saan iyon at yun ang first time na narinig niya ang Sisigan.
Ay, it’s kinda unique. Dito pala daanan ng resto?” Sabi niya pa sakin, naunang naglakad sila Banjo at George. Wala naman akong problema dun sa dalawa, kasi sanay naman yun sa mga affordable na pagkain. Ito lang talagang si Thea, naiinis ako that time sa kanya.

Nang marating na namin ang karenderya ni Aling Grasya. As usual, sobrang busy na naman ng mga tindera at taga-luto pero bakas sa mukha nila na masaya sila sa trabaho nila. Yung karenderya ay open space at nakapalibot sa gilid ang maliit na lamesa, parang counter bar yung style pero de kahoy. Dahil sa open space ito nakikita namin ang ang mga tindera at taga-luto na labas-masok sa isang kwarto para mag-refill ng tinda nila, sa tantiya ko ay ‘yun ang kitchen kung saan sila nagluluto. Nairita ako kay Thea nun kasi disappointed daw siya, akala niya pa naman daw ay cheap na resto. Pinipigilan ko lang sarili ko that time na hindi siya masapak, wala naman kasing nagpumilit sa kanyang sumama.
Sisig pares nga po, dalawa.” Sabi ni Banjo nang maka-upo na kami.
Spicy sisig lang sakin, Ate Berna.” Sabi ko dun sa tindirang kilala ko na, suki kasi ako eh.
Kinublit naman ako ni Thea nun at tinanong kong anong dapat niyang kainin. Nang sinabi kong Spicy Sisig nalang, nag-iba mukha niya na parang nandidiri.
“Yuck, I’m not fan kasi sa maanghang. Wait, hmm. That one! Sisig with raisins.” Maarte niyang turo dun sa isang naka-display na sisig.

Inihanda na nga ni Ate Berna ‘yung pagkain namin, nang malapag niya na sa harap namin isa-isa ang order namin kasama ‘yung libreng sabaw, nagsimula na kaming kumain, katabi ko si Thea at nasa gilid niya naman si Banjo at George, naririnig ko pa ‘yung pabulong na insulto ni Thea sa Sisig at kanin, inirapan ko nalang siya nang di niya nalalaman.
Kalaunan, tumahimik na rin si Thea at napapasarap na rin ang kain niya. Si Banjo at George naman nag-uusap lang tungkol sa online games habang kumakain.

Nasa kalagitnaan na ako ng  pagkain, nang biglang humiyaw si Thea “Omg!” di naman ganoon kalakas, sapat lang na marinig naming tatlo. Maingay kasi sa karenderya.
Tinignan ko ‘yung tinititigan niya sa pagkain niya, nandidiri pa siya nun. May matigas na maitim sa Sisig, para rin siyang raisins pero makinis at matigas ‘yun. Kinuha ko na pero nang tignan ko nang maigi, hugis kuko ito. Tinignan ko sa likod. At parang transparent iyon kasi nakikita ko ang reflection ng kulay sa harap pero hindi ganoon kaitim. Buong-buo ‘yung kuko at parang kuko siya sa hintuturo. Di na natapos sa pagkain si Thea, naduduwal pa siya nung nauna na siyang umalis samin.
Alam niyang kuko iyon kasi mahilig sa manicures and pedicures itong si Thea, may salon nga sila eh. Pero napansin ko iyong isang cook nung naglakad papalayo si Thea, nakatitig ito sa kanya habang papalayo. Sobrang seryoso pa nun.

Tres(Horror Stories Compilation)Where stories live. Discover now