L.Annex

6 2 0
                                    

2011 nung first year high school pa ako. Wala pang K-12 non.

*L.Annex eto yung isang campus ng school namin for first year students. Bale ang siste, sa main campus ng school namin nandun yung 2nd year to 4th year students. Nga pala etong school namin ang pinakamalaking high school sa probinsya namin.

Since first year ako non, sa L.Annex kame. Ang itsura nga pala ng campus namin ay  open field sa gitna ng classrooms at sa likod ng rooms ay puro talaga puno ang paligid. Meron din Mini Forest na parte at may Vegetable Garden na tinataniman ng lahat kasi parte ng isang subject namin ang Agriculture. Overall ecofriendly at creepy siya.

Ang classroom namin located sa right side pagpasok sa gate konting lakad tapos unang room ang room namin. Sa tapat ng room namen may isang napakalaking puno na nakakainis kasi araw araw kame nagwawalis ng mga tuyong dahon. Yung mga kwento ko talaga ay nangyare dito sa Annex.

Last subject na namin yun 4pm to 5pm ang oras ng last subject. MaPeH yun at may schedule lang na araw ang Music and Art,P.E at Health namin nun. Ang nakaschedule nun ay  P.E. Jogging ang activity na pinagawa ng subject teacher namin nun. Kelangan makatatlong ikot kame sa open field. Meron kaming classmate na may hika di niya sinabe kay Mam.Nahirapan na siya huminga. Pinaupo siya ni Mam at tinanong kung anong nangyayare sa kanya pero di siya nagsasalita at nakayuko na humihinga lang ng malalim. Yung subject teacher namin albularyo pala yung asawa niya. May inutusan siyang classmate ko na kunin daw yung tumbler na may herbal na gamot sa office niya, andun daw asawa niya hingin lang daw dun.(sinusundo si Mam ng asawa niya pag out kasi last period na yun) pinapainom niya sa kaklase ko na nanghihina pero ayaw niya tapos para siyang humihikbi. Hinawakan lang siya ni Mam sa hinliliit niya at tinanong kung masakit. Ang sagot ng kaklase ko oo daw. Bigla nalang sabi ni Mam " may kaiba ni"(may kasama to) Pinatawag niya asawa niya sa faculty tas pagdating ng asawa niya inulit yung ginawa ni Mam at umaray yung kaklase ko. Nagtinginan silang mag asawa. Pinalabas kaming lahat ni Mam kasi nakapalibot kame sa kanila. Nakatingin nalang kame sa pinto nun. Nakiusyoso haha Yung asawa ni Mam may kinuhang bala ng baril ata yun sa bag niya tas dnikit sa hinliliit ng kaklase ko. Tapos parang nagorasyon at kinausap yung kaklase ko. Eto Usapan, translate ko nalang sa tagalog:

AsawaniMam: Anong pangalan mo?
Kaklase ko: biglang umiyak.
AsawaniMam: Anong pangalan mo sabe?
Kaklase ko: Jennifer po(umiiyak)
AsawaniMam: Anong ginagawa mo jan di naman sayo yan
Jennifer:(iyak lang)
AsawaniMam: Di ka aalis jan o may ilalagay ako dito na masakit(sabay turo sa bandang throat ng kaklase ko)
Jennifer:(iyak lang ulit tas tango tango)

May hawak yung asawa ni mam na dinikit sa bandang throat nga ng kaklase ko tas biglang lumakas iyak niya at sabi niya "aalis na po". Isang orasyon ulit yung asawa ni Mam at tinanong ulit yung kaklase ko kung anong pangalan tapos ok na daw. Pinauwi na kaming lahat. Wag nalang daw namin isipin yun. Gulantang talaga kaming lahat sa nangyare. Pano ba naman di naman Jennifer pangalan ng classmate namin. Nerissa.

-Ye Po Da

Tres(Horror Stories Compilation)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora